ABALA iyong dalawang staff ni Ricona sa pag-aayos ng gown na suot ko. Diretso akong tumayo sa malaking salamin habang sinisipat ang sarili. Si Ricona mismo ang nag-ayos sa akin. She even joked that if someone asks, I should give that person her calling hard. Hindi naman malayong may magtanong dahil maganda talaga ang pagkaka-ayos nito sa mukha ko. The make-up feels so light despite the layers. Anong produkto kaya ang gamit nito? Naibibigan ko rin ang inilagay nitong glitter sa talukap ng mata ko. “Sa tingin ko, gagawin na itong pagkakataon ng Lolo mo.” Lumapit si Ricona, nakangiti sa akin. “Nakita ko ang mga dumadating na bisita, halos mga business man. Is he finally announcing you as the heir?” Alanganin akong ngumiti sakanya. “Hindi pa. Not until I graduate, at least. Lolo Asmodeous w

