“THEN I dare you to flirt with Lyle.” Hindi ako sumagot. Somehow, I knew she was going to say that. That’s just her style. Kung ibang lalaki iyon ay lalapit ako at gagawin ang sinabi nito. But it was Lyle. Sa loob-loob ko’y natutunugan kong walang magiging epekto sakanya ang kung ano mang gawin ko. He just doesn’t seem to be the kind of guy that would swoon over some girls’ beauty. Not to mention that.. Nagsalin ako ng Cuervo sa baso sabay inom doon nang diretso. Calithea giggled, like she saw it coming. Si Xash at Bleu naman ay parehong ngiwi. “What? You don’t want to flirt with him? E’ bakit tinititigan mo?” Si Xash. “Oo nga.” Nagsalubong ang kilay ni Bleu. “Hindi mo type?” I gave them a look. “Ayaw ko lang talaga.” Binalingan nila ako ng tingin, hindi naniniwala. Wala akong mas m

