Dahil sa kabisihan nila Cindy na nagempake ng mga gamit ay nawala na aa isip niya si Lester. Maging ang mga text at tawag ni Bryan ay hindi na din niya pinapansin, dahil sa kagustuhan na niyang umalis sa lugar na iyon ay nag focus siya sa pagtulong sa mga magulang. Kaya nung paalis na sila ay saka nalang niya naisip si Lester, kahit ano pa ang nangyari ay kailangan niyang magpaalam sa kaibigan alang-alang sa kanilang ilang taong pinagsamahan. Kumuha si Cindy ng papel at lapis at saka nagsulat, ng matapos na niya ay tinupi ito at saka siniksik sa bakod nila Lester. Sulat niya iyon upang magpaalam na, madaling araw palang at alam niyang tulog na ito. Nag-aya na ang kanyang mommy para umalis na, sumunod naman ito. Ng makalabas sila ng gate ng bahay ay muli niya itong liningon. Naiiyak siya

