bc

LOVING MY BEST FRIEND

book_age18+
419
FOLLOW
5.1K
READ
love-triangle
family
HE
heir/heiress
drama
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE

"Nakalimutan man ako ng isip mo, pero kailan man ay hindi ako makakalimutan ng puso mo", ang bulong ni Cindy habang pinagmamasdan si Lester na lumalayo sa kanya.

Si Lester ang matalik niyang kaibigan simula nung bata pa sila. Ang lalaking tinuring niyang kapamilya, ito din ang dahilan kaya siya nagbalik upang malaman ang mga sagot sa kanyang katanungan. Paano kung ang matalik niyang kaibigan ay nakalimutan na siya at sa makalipas ng limang taon ay hindi na siya maalala.

Ngunit gagawin ni Cindy ang lahat upang maibalik sa kaibigan ang alaala niya. Magtagumpay kaya siya gayong madaming balakid sa kanyang gagawin. May Kasintahan si Lester, paano siya makalalapit kung alam niyang may pinaglalaanan ng oras ang kaibigan.

Ang kaibigan niyang minsan ay nagpatibok ng puso niya. At minsan ding nagiwan ng sakit sa damdamin niya. Kaya ito siya ngayon at nagbabalik upang tulungan ang kaibigang maalala na minsan ay may pinagsamahan sila, mga alaalang hindi dapat kalimutan ni Lester. Mga alaalang lumipas man ang panahon ay sariwa parin sa pusot isip ni Cindy.

Magagawa niya kaya ang nais kung mismong si Lester ay ayaw siyang makita? Maibabalik pa ba niya ang dating pagkakaibigan nila?

Abangan ang isa na namang panibagong kwento ng pag ibig nila Cindy at Lester. Kwentong pag ibig na muling magpapaluha at magpapakilig sa inyong damdamin.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Tababoy, tababoy!!", ang sigaw ng mga batang kaklase ni Lester sa kanya. Palagi nila itong kinukutya dahil siya ay matabang bata. Noong una ay palagi siyang umiiyak kapag ganito ang sinasabi nila sa kanya ngunit di kalaunan ay nasanay na siya at hinayaan na lamang ang mga ito. Kapag papatulan pa kasi niya ay lalo lang siyang sasaktan. "Ano taba kakain ka na naman pahingi naman niyan", ang angas na sabi ng isang kaklase niya habang kumakaen siya sa kantina ng kanilang paaralan. Kinuha ng bata ang pagkain ni Lester at saka inumpisahang kainin ito. Walang magawa si Lester dahil hamak na mas malakas ang kaklase niya kesa sa kanya. "Ibigay mo nga yan!", ang narinig nilang boses ng babae mula sa kanilang likuran. Liningon nila ito ngunit hindi ito pamilyar na mukha. Hindi nila ito nakikita sa mga mag aaral na pumapasok sa kanilang paaralan ngunit naka uniporme ito na kagaya ng mga babaeng kamag aral nila. Hinarap siya ng mga nangungutya kay Lester at siga silang naglakad papunta sa kinalalagyan ng babae. "Sino ka naman?",, ang tanong ng isang bata." Cindy Fernandez", ang sabi ng batang babae at saka inilahad ang kamay upang makipagkilala sa batang lalaki. "Ah Cindy pala,ako si Bryan",ang sabi naman ng batang lalaki at inabot ang kamay ni Cindy.Ngunit pagkahawak palang ng kamay nito ay agad na pinisil ni Cindy at saka itinaas. "Alam mo ayaw na ayaw ko ang bully lalo na sa mga katulad mong nang aagaw ng pagkain", ang taray na sabi ni Cindy. "Aray ko aray ko tama na", ang sabi ni Bryan at saka pinipilit na hinihila ang kamay nito. Binitawan naman agad ni Cindy kung kaya napahiga si Bryan sa sahig. Nagtawana ang mga batang nasa loob ng kantina, lumapit naman ang nagtitinda dito upang awatin ang dalawa. Hindi na umimik si Bryan at saka tumayo na ito, kumaripas siya ng takbo at sumunod naman ang mga kaibigan niya.Nagtawanan ang mga bata " babae lang pala katapat nun", ang wika ng iba.Kilala kasi si Bryan na bully sa paaralan nila, porke mayaman ay kinakayakaya na niya ang mga batang matitipuhan niyang kutyahin. Paborito niya si Lester dahil hindi siya nito linalabanan. Bumili si Cindy ng dalawang pagkain na katulad ng kinakain ni Lester at saka lumapit ito sa kinalalagyan ng lalaki. "Oh ayan kumaen kana", ang nakangiting sabi ni Cindy sabay abot sa pagkain kay Lester. Hindi kinuha iyon ni Lester at nakayuko lamang. "Sige na magugutom ka niyan", ang wika muli ni Cindy. Kinuha naman iyon ni Lester at saka ngumiti. "Salamat", ang tipid na wika ni Lester. "Anong pangalan mo?", ang tanong ni Cindy habang kumakaen. "Lester Cordero", ang sagot naman ni Lester. "Ako naman si Cindy Fontanilla", ang sabi ni Cindy at saka inabot ang kamay kay Lester para makipagkamayan, tinugunan naman iyon ni Lester. Masaya silang kumaen hanggang sa tumunog na ang bell ng kanilang eskwelahan hudyat sa oras ng klase. Tumayo na sila pareho at saka nagpaalam na upang pumasok sa kanilang klase. Naupo na si Lester sa kaniyang upuan, liningon niya ang kinaroroonan ni Bryan at mga kaibigan nito at nakitang nakatitig sila sa kanya at masakit ang tingin nila, sila ay nasa ika-limang baitang na. Pumasok na ang kanilang guro at umayos na ang bawat isa sa kanilang upuan. May kasamang batang babae ang kanilang guro. "Okay class siya ang bago niyong kaklase, makipagkaibigan kayo sa kanya at huwag aawayin, maging mabait kayo sa bago niyong kaklase maliwanag", ang wika ng kanilang guro "Opo ma'am", ang sagot ng mga bata,ngunit si Lester ay hindi na umimik at nanatiling nakayuko. "Sige na iha magpakilala kana", ang sabi ng kanilang guro. Humakbang ang batang babae at saka nagsalita. "Magandang araw mga kaklase ako si Cindy Fontanilla, ako ay nanggaling sa lungsod ng Maynila at dito na kami titira sa probinsya. Gusto ko kayong maging kaibigan lahat", ang sabi ni Cindy. Napa angat ng ulo si Lester at tinignan ang nagsalita upang makasigurado.Si Cindy nga,ang babaeng nakilala niya sa kantina. "Pili kana ng mauupuan mo iha", ang sabi ng kanilang guro. Naglakad na si Cindy at saka lumapit sa kinaroroonan ni Lester, may bakanteng upuan doon kaya doon na umupo si Cindy. Nagtama ang kanilang paningin at saka nginitian ang isat isa. Mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan. Sabay na din silang kumaen ng tanghalian, nagbaon si Lester ng pagkain niya samantalang si Cindy ay bumili nalang sa kantina. "Ito oh share kita", ang sabi ni Lester sabay abot kay Cindy ang isang hiwa ng fried chicken na baon niya. "Nako wag na ubusin mo na yan saka kunti lang kinakaen ko eih", ang sabi naman ni Cindy. "Sige na pasasalamat ko sa ginawa mo kanina, saka simula ngayon bibigyan na kita ng pagkain na meron ako", ang nakangiting sabi ni Lester. "Sige na nga ang bait mo kasi eih", ang pilyang sabi ni Cindy. Masaya silang kumaen at katulad ng dati ay sabay silang pumasok sa kanilang silid aralan. At sa uwian habang hinihintay ang kanilang sundo ay nag kwentuhan muna sila. "Oh paano maya maya lamang ay darating na yung driver namin susunduin na ako",ang sabi ni Cindy habang nag aabang sila sa loob ng gate ng kanilang paaralan. "Ako din susunduin ako ni daddy",ang sabi naman ni Lester. Magkwekwentuhan pa sana sila ng dumating na ang driver nila Cindy kaya dali dali na itong sumakay at saka kumaway na kay Lester tanda na kanyang pamamaalam. Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na din ang daddy ni Lester upang sunduin siya. Habang binabagtas na ang kanilang daan pauwi ay nagkwento si Mr. Harold Cordero, ang ama ni Lester. "Anak mamayang gabi pupunta tayo sa bagong kapitbahay natin, makikisaya tayo sa kanila", ang sabi ng ama ni Lester. Hindi umimik si Lester iniisip kasi niya si Cindy, gusto pa niya itong makasama sa kanilang paaralan ngunit pinutol iyon ng oras. Oras upang umuwi na, dati lagi niyang hinihintay ang oras ng kanilang uwian. Ayaw na ayaw niyang manatili sa kanilang paaralan dahil sa grupo ni Bryan na laging nang aasar sa kanya. Kung maari lang ay ayaw na niyang pumasok ngunit iniisip niya ang mga magulang niyang nagsasakripisyo sa pag aaral nilang mag kakapatid. Iniisip niya si Cindy ng oras na iyon, gusto niya ulit itong makasama sa paaralan.Kung maari lamang na hindi na sila umuwi ay gagawin na niya makasama lang si Cindy . "Anak sasama ka ba madaming pagkain doon", ang tanong ng ama ni lester at saka tumatawa ito. "Oo naman daddy ako pa hindi ko yun palalampasin", ang sabi naman ni Lester. Nagtawanan ang mag-ama sa loob ng sasakyan. Pagkarating nila sa bahay ay ahad nagbihis si Lester ng maganda niyang damit dahil madami ng tao sa kapitbahay, hindi siya papahuli dahil gutom na gutom na siya. Hindi na nga niya hinintay ang kanyang mga magulang at mga kapatid at nagpaalam na itong mauna na. Abala naman ang may-ari ng bahay sa pag tanggap sa mga bisita, habang naglalakad si Lester ay nabunggo siya ng isang batang babae. "Ops, sorry", ang sabi ng babae. Lumingon si Lester at nagulat siya ng si Cindy pala ang nakabunggo sa kanya. "Cindy? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Lester. "Bahay namin to, eh ikaw bakit ka nandito?" nagtataka ding tanong ni Cindy. "Magkapitbahay pala tayo, diyan kami nakatira sa bahay na yan" ang wika ni Lester sabay turo sa bahay nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook