CHAPTER 2

1216 Words
Tuwang-tuwa ang dalawa dahil magkalapit na sila, mas madami na silang oras sa paglalaro kapag wala na silang importanteng gagawin. Pinagpatuloy nila ang nagkwentuhan habang kumakaen. Tumulong ang mga magulang ni Lester sa pagaasikaso sa mga pagkain. Si Mr. Harold ang nag-iihaw ng isda at karne samantalang si Mr. Joe Fontanilla, ang ama ni Cindy naman ang nagkukuha ng mga naluto na at linalagay sa mesa. Samantalang si Mrs. Digna Cordero at Mrs. Carmen Fontanilla ay abala sa pagaayos ng mesa at upuan, tumulong din si Jim at Jenny, ang kuya at ate ni Lester. Nagkapalagayan ng loob ang bawat pamilya. Ang mga magulang ni Cindy ay parehong pulis at dito sa Pangasinan sila idenistino dahil nagkukulang ang mga pulis dito. Ang ina naman ni Lester ay isang guro sa paaralan nila sa elementarya, samantalang ang kanyang ama ay isang manager sa isang bangko sa lugar nila. Nagsidatingan ang mga bisita at masaya nilang tinaggap sa lugar nila ang bagong lipat na pamilya. Kinabukasan, maagang nagbihis si Lester para pumasok sa paaralan nakikisabay siya sa kanyang ina pero bago siya lumabas ng kwarto niya ay sumilip muna siya sa bintana. Magkatapat kasi ang kwarto nila ni Cindy kaya makikita niya kung gising na ang kaibigan. Nakasarado pa ang bintana kaya alam niyang tulog pa ito, bumaba nalang siya at saka kumaen ng almusal. Nagulat si Cindy sa katok mula sa kanyang pintuan, ginigising siya ng kanyang mommy. Pagtingin niya sa orasan late na pala siya sa paggising kaya nagmamadali na siyang naligo at nagbihis, hindi na siya kumaen ng almusal at nagdala nalang ng tinapay na kakainin niya sa sasakyan. "Bakit late ka?" ang tanong ni Lester. "Napagod kasi ako sa kakalaro natin kagabi kaya late ako gumising, kung hindi pa ako kinatok ni mommy baka hindi na ako nakapasok", ang sagot ni Cindy. "Hindi ka siguro sanay sa buhay dito sa probinsya nuh?" ang tanong muli ni Lester. "Hindi nga eh kaya mabuti nalang at nakilala kita, may magtuturo sa akin", ang nakangiting sagot ni Cindy. "Oo naman andito lang ako para sayo", ang wika ni Lester. Muling ngumiti si Cindy at saka na humarap sa librong binabasa niya. Namula ang mga pisngi ni Lester dahil sa ngiti ng kaibigan, malakas ang kabog ng kanyang dibdib na tila ba gusto ng kumawala ang puso niya. Dahil sa unang pagkikita palang nila ni Cindy ay crush na niya ito. Maganda, maputi, makapal ang kilay at maamo ang mukha nito at higit sa lahat ay mabait pa kaya kahit sino ang magkakacrush sa kaibigan niya. Habang nagbabasa sila ng libro ay hindi niya maiwasang titigan si Cindy. "Hoy anong tinitingin tingin mo jan magbasa ka na nga", pairap na sabi ni Cindy. Napayuko si Lester dahil nahuli siya ni Cindy na tinititigan niya ang ito. Namula ang mga pisngi niya kaya tinakpan na lamamg niya ito ng libro upang hindi mahalata ni Cindy. Napagpasyahan ni Lester na itatago na lamang ang nararamdaman niya kay Cindy, hindi din naman siya magugustuhan nito dahil sa itsura niya. Mataba siya pero may katangian din naman siyang tinatago, moreno siya at may kagwapuhan din, ang problema lang sa kanya ay ang kanyang malaking katawan. Nag-iisip siya na baka hindi katulad niya ang tipo ni Cindy kaya hindi nalamang siya aamin. Mas okay na sa kanya ang makasama niya ito at masulyapan paminsan-minsan. Lagi na silang magkasama, sa mga gawin sa paaralan ay sabay nilang ginagawa. Kapag sabado at linggo naman ay lagi silang naglalaro kapag may oras sila. Halos hindi na sila mapaghiwalay dahil gusto nilang magkasama palagi. Dumating ang bakasyon nila kaya sa bahay lamang sila namamalagi. Hindi naman boring ang kanilang bakasyon dahil magkatabi lang naman ang bahay nila kaya magagawa nilang magkita kahit anong oras. Minsan ay si Lester ang pupunta sa bahay nila Cindy, magdadala ito ng pagkain at sabay nilang uubusin. Minsan naman ay si Cindy, kung wala ang kanyang mga magulang ay mas gusto niyang mamalagi kina Lester. Mababait naman ang mga magulang ng lalaki kaya nakapagpalagayan na niya ng loob ang mga ito ganun din ang kuya at ate ni Lester. Mahilig si Lester na gumuhit kaya minsan ay ginuguhit niya ang mga nais ni Cindy na larawan. Binibigay niya ito sa kaibigan at si Cindy na ang bahalang magkulay. Isang araw ay napag isipan nilang mamasyal sa parke, nagdala si Lester ng papel at lapis. "Anong gusto mong wedding gown", ang tanong ni Lester kay Cindy habang nakaupo siya sa may upuan at nagduduyan naman si Cindy. "Bakit ibibilhan mo ako?", ang tanong naman ni Cindy. "Hindi ah wala naman akong pera,saka kung may pera ako ipambibili ko nalang ng pagkain", ang sagot naman ni Lester. "Puro ka naman pagkain pati isip mo tataba na yan", ang tawang sagot ni Cindy. "Kasi seryuso ako gusto ko kasing iguhit", seryusong sabi ni Lester. Lumapit si Cindy sa tabi ni Lester at saka tumingin sa malayo. "Ang gusto kong wedding gown yung off shoulder, tapos mahaba ang manggas, yung nakikita ang likod para syempre sexy na tignan. May mga makikinang na palamuti, saka mahaba, diba ang ganda", ang nakangiting sabi ni Cindy. "Mas maganda kung nakasuot na sayo", ang wika naman ni Lester. "Oo naman saka maglalakad ako sa altar papunta sa taong mamahalin ko habambuhay", ang sabi ni Cindy habang nakatingin parin sa kalayuan. "Sana ako na iyon", ang bulong ni Lester sa sarili. "Anong sabi mo?", ang tanong ni Cindy dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng kaibigan. "Ang sabi ko maganda yung pangarap mong wedding gown", ang sabi ni Lester upang hindi na mangulit pa ang kaibigan. "Ah akala ko kung ano na sinasabi mo, iisipin ko tuloy na nasapian na ang kaibigan ko", ang tawang sabi ni Cindy. "Ikaw puro ka kalokohan,alam mo din iniisip ko, bingi na ata kaibigan ko", ang halakhak na sabi ni Lester. Napikon naman si Cindy kaya pinalo palo niya si Lester sa braso, upang makaiwas na si Lester sa mga masasakit na palo ni Cindy ay linapag niya ang kanyang hawak na papel at lapis at saka kumaripas ng takbo. Hinabol naman siya ni Cindy at sila ay nagtakbuhan sa parke. Ng makaramdam na sila ng pagod ay humiga na lamang sila sa damuhan sa may lilim ng punong kahoy at saka pinagmasdan ang mga ulap. Kinuha ni Lester ang kanyang ginuguhit at tinapos iyon. Pagkatapos niya ay iniabot niya iyon kay Cindy, namangha naman si Cindy dahil nakuha ng kaibigan niyang iguhit ang nais niyang wedding gown. Tinupi iyon at saka inilagay sa kanyang pitaka. "Remembrance ko na iyon ha", ang wika ni Cindy. "Oo naman para sayo talaga yan", ang sagot naman ni Lester. Sa bakasyon nilang iyon ay puro masasayang araw ang nagagawa nila. Minsan lang sila magkatampuhan ngunit nagkakaayos din naman agad. Ng matapos na ang bakasyon na iyon ay muli silang pumasok sa paaralan na noon ay nasa ika anim na baitang na sila. Lalo pang sumidhi ang pagmamahal ni Lester sa kaibigan. Hanggat kaya niyang pigilan ay gagawin niya, kung kaya napag pasyahan niyang baguhin muna ang sarili. Hindi na din siya kinukutya pa ni Bryan dahil sa takot ang lalaki kay Cindy. Bagay na nagpapasaya kay Lester, ganado na itong pumasok dahil malaya na siyang nakakalakad sa kanilang paaralan, hindi tulad dati na lagi siyang umiiwas sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD