CHAPTER 3

1211 Words
Lumipas ang ilang buwan ay magtatapos na sila, pareho silang nakakuha ng awards, medals at honors. Kahit naman laro ang alam nila ay pinagbubuti nilang ang kanilang pagaaral. Masayang masaya ang kanilang mga magulang dahil sa mga natanggap nila. Masayang masaya din sila sa isat isa dahil natupad ang pangarap nilang makuha ang ganung gantimpala. Namamasyal muli sila sa parke, bakasyon na noon kaya dati na naman ang kanilang dinagawa. Malungkot si Cindy at wala itong ganang makipag usap kay Lester. Salita ng salita ang kanyang kaibigan ngunit hindi parin siya umiimik. "May problema ka ba,may sakit ka ba", ang takang tanong ni Lester sa kaibigan. Umiling lamang si Cindy at saka yumuko ito. Kahit anong gawin niyang tago sa nararamdaman niya ay pilit parin itong lumalabas. "Ano nga iyon sabihin mo baka matulungan kita", ang nagaalalang tanong ni Lester. "Hindi kasi ako pag-aaralin sa napagusapan nating papasukan eih", ang malungkot na sabi ni Cindy. Napagusapan kasi nilang doon sila magaaral sa pinapasukan ng mga kapatid ni Lester para magkasama muli silang papasok. "Eh saan daw", ang malungkot na wika ni Lester. "Sa private ako pag aaralin nila daddy", ang sabi muli ni Cindy. Hindi na umimik si Lester alam niyang bihira na niya makakasama ang kaibigan. Parang nasasaktan siya sinabi nito, naninikip ang kanyang dibdib. Parang hindi na niya kakayanin na magkahiwalay sila ng kaibigan niya. "Di bale pwede naman tayong magkwentuhan pagkatapos ng klase natin diba, saka sa weekend pwede naman tayong mamasyal", ang sabi ni Cindy na nakangiti. Napansin niya kasing malungkot na din ang kaibigan niya. "Halika na uwi na tayo", ang wika ni Lester at saka na ito tumayo. Ayaw na niyang sagutin ang mga sinabi ni Cindy dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya. Hindi na din umimik si Cindy dahil halata niyang nasaktan niya ang kanyang kaibigan. Ngunit wala na siyang magagawa kundi sundin ang gusto ng mga magulang niya. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang doon na pumasok sa napagusapan nila ni Lester upang laging makasama ang kaibigan. Habang naglalakad sila pauwi ay wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Nagpapakiramdaman at parehong umuwing hindi umiimik. Agad na dumeretso si Lester sa kanyang silid,sinubsub niya ang kanyang mukha sa unan at nagsimulang humikbi. Kahit lalaki siya ay marunong din siyang umiyak, dahil masakit sa kanya na hindi na makakasama sa susunod na pasukan ang kanyang kaibigan. May pangamba siyang pwedeng makahanap ng bagong kaibigan si Cindy at baka makalimutan siya. May pangamba din siyang baka may manligaw sa kaibigan, hindi na Niya iyon kaya pa. Gusto niyang bantayan ang kaibigan dahil kahit babaeng matapang ito ay May kahinaan din, yun ay ang kanyang puso. Ayaw niyang mahulog sa iba ang kaibigan, ayaw niyang makitang may kasamang ibang lalaki si Cindy. Nakatulog siya dahil sa pag iyak nagising siya dahil sa katok mula sa pintuan ng kanyang silid. "Anak halika na kakain na", ang tawag ng kanyang ina. Hindi siya umimik wala siyang ganang kumaen, kahit nagugutom na ito ay ayaw muna niyang kumaen. "Anak halika na nagluto ako ng adobong manok", ang wikang muli ng kanyang ina. Napabalikwas siya dahil paborito niya ang kanilang ulam. Napaupo siya sa gilid ng kanyang kama, nag isip ng mabuti. "Paano ako papayat kung puro kain lang ang gagawin ko, napapadami pa, gusto kong pumayat", ang bulong nito sa sarili. Tumayo siya sa harap ng salamin at tintigan ang sarili. Hinawi niya ang kanyang buhok at inayos ang damit, napapangiti siya dahil naiisip na niya ang kalalabasan ng kanyang katawan kapag itutuloy niya ang kanyang plano. Kinuha niya ang kanyang cellphone at naghanap ng gym na pwede niyang puntahan kapag wala siyang gagawin. "Anak kakain na uubusin na namin ang ulam", ang banta ng kanyang ina. "Sige mommy lalabas na po ako", ang wika niya sa ina. Ng makalabas na si Lester sa kanyang silid ay agad na tumungo sa hapag kainan. Takam na takam siya sa mga pagkaing nakahanda sa mesa, dali dali siyang umupo at kinuha ang kanin. Ngunit kalahati lamang ng kanyang dating kinukuha ang ilinagay niya sa kanyang plato at saka kumuha ng isang hiwa ng karne. Laking gulat ng mga magulang at mga kapatid niya dahil sa kinuha niyang pagkain. "Anak tama na ba yang kanin at ulam mo?", takang tanong ng kanyang ina. "Naku mommy kukuha pa yan mamaya", ang wika naman ng kanyang kuya. "Ok na po ito, kakain nalang ako ng prutas mamaya", ang sagot naman ni Lester. "Aba magpapa macho kana ba anak", ang wika ng kanyang ama. "Opo daddy sawa na ako sa mataba", ang sagoy ni Lester. "Oh baka naman may dahilan, baka may nagugustuhan kana", ang asar na sabi ng kanyang ate. "Baka naman si Cindy yan, napapansin ko kasi lagi silang magkasama at lagi mong tinititigan pag naglalaro kayo eh", pang-aasar naman ng kanyang kuya. Namula siya sa sinabi ng kanyang ate at kuya, ngunit ayaw niyang ipahalata iyon dahil aasarin lamang siya ng mga ito. Natawa naman ang mga magulang niya sa pang-aasar sakanya ng mga kapatid niya. Umiling nalang si Lester at nakitawa saka na tinuon ang pansin sa kanyang kinakain. Gusto pa sana niyang kumuha pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Pagkatapos niyang kumaen ay pumanhik na siya sa kanyang kwarto at binuksan ang tv, nanood siya ng palabas na nagpapakita kung paano mag ehersesyo at kung paano pumayat. May mga natutunan na din siya kaya iyon ang gagawin niya. Samantala ay hindi mapakali si Cindy, nagiisip siya ng paraan kung paano niya susuyuin ang kaibigan. Ayaw niyang magtampo ito sa kanya, kaya mag-iisip siya ng paraan upang masuyo ang kaibigan. Hindi parin makatulog si Cindy dahil iniisip niya si Lester gusto niya itong makasama palagi dahil nakasanayan na niya. Mahal niya ito bilang isang kaibigan at ayaw niyang may magbago sa pagsasama nila. Kinaumagahan ay agad na pumunta si Cindy sa bahay nila Lester. Ngunit hindi niya naabutan ito, maaga daw siyang umalis at mukhang mag jojogging sa. Napaisip naman si Cindy bakit iyon gagawin ng kaibigan samantalang lagi niyang sinasabi na nakakatamad daw gawin iyon. Sinundan niya si Lester at nakita niya ito sa parke, paikot ikot siyang tumatakbo sa may fountain at siya naman ay pinagmamasdan niya ito sa di kalayuan. Ilang sandali pa ay linapitan na ni Cindy si Lester. "Best hindi ka ba napapagod?", ang tanong niya ng makatapat si Lester sa kinatatayuan niya. Walang sinabi si Lester at liningon niya lang ito, at saka pinagpatuloy ang pagtakbo. Nasaktan si Cindy sa ginawa ng kaibigan, halata niyang iniiwasan na nga siya. Inulit niya iyon ng makatapat muli si Lester sa kanya. "Uy best tama na yan pawis na pawis kana oh magpahinga ka muna",ang wika muli ni Cindy. Ngunit ganun parin, hindi parin siya pinansin ni Lester na para bang hindi niya ito kakilala. Umupo nalang si Cindy sa gilid ng pinagtatakbuhan ni Lester at saka yumuko. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya, nasasaktan siya, hindi siya galit kundi may kung anong pakiramdam na naramdaman niya sa kanyang puso. Gusto niyang maiyak dahil sa ginawa ni Lester, liningon niyang muli ang kaibigan at patuloy parin ito sa ginagawa. Kung kaya tumayo na lamang ito at saka humakbang papalayo, ayaw na niyang guluhin ang kaibigan sa ibang araw nalang sila mag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD