Story By Cleah Reyn
author-avatar

Cleah Reyn

ABOUTquote
👉Hello everyone, enjoy reading sa mga stories na gagawin ko ❤️ 👉 Baguhan lang ako and I hope na magustuhan niyo❤️ 👉 Isang OFW sa umaga at gabi, writer sa madaling araw 📚 - LOVING MY BEST FRIEND (PTR-COMPLETED) 📚 - DELLA SELLA SERIES 1: UNWANTED LOVE (PTR- COMPLETED) 📚 - DELLA SELLA SERIES 2: BETWEEN MY LOVER\'S (PTR-ONGOING) 📚 - DELLA SELLA SERIES 3: BRING BACK THE LOVE (ONGOING)
bc
Midnight Lover of Sir Brayson (SPG): DELLA SELLA SERIES 4
Updated at Dec 26, 2025, 17:49
Si Brayson Della Sella ay kilala sa pagiging pusong bato, masungit at ayaw sa mga babae. Para sakanya ang mga babae ay istorbo sa buhay niya, hindi niya inaaksaya ang panahon at pagod niya para sa pag-ibig dahil masasayang lang din iyon kapag dumating ang araw na maghihiwalay din sila. Ang gusto niya kapag nagmahal siya ay iyon na ang una at huli niyang pag-ibig. Ngunit ang pihikan niyang puso ay nabihag ng isang waitress na naka mascarra sa club na pinupuntahan niya kung saan ay isa siyang VIP at malaki ang binabayad niya.Ulilang lubos na sila Jennavine at ang kapatid niyang si Oliver, galing sa mahirap na pamilya, masaklap ang nangyari sa buhay nila dahil inalila sila ng sariling tito. Tumakas sila sa kalupitan nito ngunit natuntun ng tito nila ang kanilang kinaroroonan. Sa pagkakataong iyon ay muli sana silang tatakas na magkapatid ngunit nakuha ng kanyang tito si Oli at bilang kapalit ay kalahating milyon ang kailangan niyang ibigay para mabawi ang kapatid.Nagtrabaho siya sa Manila bilang waitress sa isang sikat na club na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang ninang. Doon siya nakita ni Brayson na noon ay patay na patay na sakanya, at ang hindi niya inaasahan ay nakipagkasundo pala ang binata sa nagmamay-ari ng club na maging MIDNIGHT LOVER siya nito kapalit ng isang milyon kada buwan. Makakatanggi pa ba siya sa ganitong kalaking pera na kayang kaya na niyang bawiin ang kapatid kapalit ng kanyang serbisyo at puri. At nangyari nga ang gusto ni Brayson ngunit isang araw ay hindi na nagpakita sakanya si Jennavine, labis ang kanyang poot at galit dahil nabayaran na niya ito at hindi nito tinupad ang kanilang kasunduan. Tinawag niya itong gold digger at simula noon ay hindi na siya ulit nagmahal hanggang sa nagkaroon na siya ng fiance dahil anak ito ng bigating investor sa kanyang negosyo pero hindi niya ito mahal. Makalipas ang tatlong buwan ay muli silang nagkita ni Jennavine sa kanyang hotel at isa na itong housekeeper, muli siyang nakaramdam ng galit sa dalaga kaya pinahirapan niya ito at pinagpatuloy ang kasunduan nila. Ngunit sa bawat paghihirap ni Jennavine ay lumalambot ang puso niya at nakakaramdam ng awa, ngunit kailangan niyanh labanan iyon dahil ayaw na niyang malinlang pa. Ngunit ang pusong nagmamahal kailan man ay hindi natuturuan dahil unti unting nanunumbalik ang pagmamahal niya sa dalaga. At dumating ang punto na kailangan niyang iligtas ang dalaga sa kamay ng kanyang fiance. Kailangan din niyang pumili kung ipagpapatuloy niya ang pagmamahal kay Jennavine ay mawawala ang pinakamalaking investor sa negosyo niya o pipiliin niya ang kanyang fiancé at magiging pinakamayaman na siya sa buong lungsod. ABANGAN ANG KWENTONG AANTIG SA INYONG PUSO AT KUNG PAANO UMUSBONG ANG PAGMAMAHALAN NILA BRAYSON AT JENNAVINE. KUNG PAANO MAGMAHAL AT MASAKTAN ANG ISANG PUSONG BATO NA SI BRAYSON DELLA SELLA.
like
bc
FAKE WIFE, TRUE DESIRES (SPG) :DELLA SELLA SERIES 3
Updated at Dec 17, 2025, 17:50
Kung ikaw ay magigising mula sa anim na buwang pagka coma at pagmulat ng iyong mata ay ang inaakala mong asawa mo ay isang huwad pala, makakaya mo bang mahalin ulit ito katulad ng pagmamahal mo dati pagkatapos mong malaman ang katotohanan?Isang kwento na magbibigay mulat sa inyong mga mata kung ano nga ba ang ibig sabihin at dapat bang bigyan ulit ng second chance ang isang pag-ibig at taong sumira sa tiwalang ibinigay. Si Brayll Della Sella na taos pusong nagmahal at handang gawin at ibigay ang lahat para sa taong minamahal ay namulat sa katotohanang hindi niya tunay na asawa ang babaeng kasama niya ngayon. Dahil ang totoo ay identical twin ito ng yumao niyang asawa na namatay noong katatapos nilang magpakasal dahil sa isang car accident na siya ring dahilan ng pagka coma niya ng anim na buwan. At ng malaman niya ang totoo ay napalitan ng puot at galit ang pagmamahal na nasa puso niya. Pagkasira ng tiwala at pagbagsak ng kanyang mundo, at hindi niya alam kong makakaya pa niyang tanggapin ang lahat ngayong patay na ang asawa niya.At si Cassy Velasco na lumaki sa iyang dukhang pamumuhay ay kailangang magpanggap bilang kapalit ng namayapa niyang kambal na si Candace Vergara. Magkaiba ang kanilang mundo dahil naghiwalay ang kanilang mga magulang at si Cassy ang panganay at pinakamalusog ay napunta sa kanyang ina at si Candace na pangalawa at pinakamahina ang puso sa kanilang mayamang ama napunta kaya magkaiba ang kanilang apelyedo. Kailangan niyang tanggapin ang alok ng kanilang ama na magpanggap siya kapalit ng pagpapagamot ng kanyang ina at buwanang gastusin nito. Sa pagpapanggap ni Cassy ay unti-unti niya ding natutunan si Brayll na mahalin at itinago ang katutuhanan hanggat kaya niya. Ngunit sabi nga ng kasabihan na walang lihim ang hindi nabubunyag kung kaya nalaman ni Brayll ang katotohanan dahilan upang magbago ang buhay nilang dalawa.Ngunit sa paglipas ng ilang buwan ay nangungulila si Brayll kay kasi kaya hinanap niya ito upang muling suyuin at upang humingi ng tawad sa mga masasakit na salitang binitawan niya sa dalaga, at hihingin ulit niyang ibalik ang pagmamahalan nila. Magwawagi kaya siya ngayong mailap na parang tupa si Cassy at ayaw na nitong makita at makasama pa si Brayll? Tunghayan ang makabagbag damdamin na kwento ng dalawang taong pinagtagpo ulit ng tadhana upang muling ibalik ang pagmamahal na nasira.
like
bc
TENYENTE SALVACION (The LoverBoy) SPG: LOVE AND BULLETS #1
Updated at Nov 30, 2025, 18:44
TEASER: Ang akala ng lahat ay hindi nagseseryuso sa buhay ai Alec Salvacion dahil kilala siya sa tawag na loverboy, kung sino sino ang nakakasama niyang babae at wala sa kanila ang sineseryuso niya. Ngunit hindi nila alam na isa siyang tanyag at magiting na alagad ng batas, naging tenyente siya dahil naisarado niya ang kaso na may kinalaman sa human trafficking at pinagbabawal na gamot. Dahil sa kahusayan niya sa ginawang operasyon ay agad siyang ginawaran ng promotion.May ibinagay sakanyang secret misyon mula sa general office, kailangan niyang pumunta sa liblib na lugar sa Abra upang sugpuin ang malalang krimen doon, at kapag nagawa niya ito ay mabibigyan siya ng award. Ginusto niya ding pumunta sa lugar na ito dahil dito pinatay ang kanyang ama, at walang nakakaalam na balak niyang maghiganti kaya agad niya din itong sinunggaban. At dahil mahalaga din sakanya ang kanyang propisyon at pagsisilbi sa bayan. At doon nga ay nakilala niya si Zarina Lacesti na isang teacher sa baryo, ang kapatid ng kanyang partner. Si Zarina ay NBSB sa edad niyang 30, dahil sa paghihigpit ng kanyang mga magulang at pagbabantay ng kanyang kuya ay itinatak na niya sa kanyang isip na hindi na siya mag-aasawa. Ngunit sa pagdating ni Alec sa buhay niya ay magbabago ang pananaw niya sa sarili. Pinilit niyang huwag mahulog ang loob sa binata dahil nalaman niya na isa itong playboy ngunit sadyang traidor ang kanyang puso. Kusang lumalambot ang puso niya sa tuwing nakikita niya ang binata lalo na nakatira ito sa bahay nila. Unti-unti na ding nahuhulog ang loob ni Alec kay Zarina, sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng tunay na pag-ibig sa katauhan ng dalaga at unti-unti siyang nagbabago. Ngunit hindi siya nagtapat dahil sa huli ay alam niyang iiwanan din niya ito at masasaktan lang dahil hindi niya alam kung mabubuhay pa siya habang sinasagawa ang misyon niya. At kung mabuhay man siya ay kailangan na niyang bumalik sa Manila upang makuha ang award na pinapangarap niya. Ano nga ba ang mas mahalaga kay Alec, ang magmahal o ang trabaho? Magkakaroon pa kaya ang dalawang puso na mahalin ang isat-isa sa kabila ng mga balakid at pasakit na pwedeng mamagitan sa kanila?Abangan ang kwentong pag-ibig nila Alec at Zarina.
like
bc
DELLA SELLA SERIES 2 :BETWEEN MY LOVER'S (SPG)
Updated at May 6, 2025, 19:07
"Hindi kana ba nahihiya sa ginagawa mo? Kasal kana Travis tapos dinadala mo pa dito sa bahay ang babae mo? Ano nalang ang iisipin ng mga tauhan mo sa hacienda?!" sigaw ko kay Travis. "Anong iisipin nila Chen? Na may asawa ako pero nagdadala ako ng babae dito dahil ang asawa ko hindi maibigay ang gusto ko!?", sagot niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, dahil limang buwan na kaming kasal at kahit kailan wala pang nangyayari samin bilang mag-asawa. Dahil iyon ang kagustuhan ko, hindi ko siya mahal at hindi ko ibibigay ang katawan ko sa taong hindi ko naman gusto. Si Jay lang ang makakaangkin sakin dahil siya ang mahal ko. "Halika dito!", sigaw niya at hinila ako papasok sa kwarto namin. "Kung ayaw mong nagdadala ako dito ng babae at kung ayaw mong may masabi sayo ang mga tauhan ko, ibibigay mo ang gusto ko kahit ayaw mo", muli niyang sinabi at tinulak niya ako sa kama. "Anong ginagawa mo?!", sigaw ko at pumapalag. Hindi umimik si Travis bagkus ay pinunit niya ang suot kung dress at tumambad sakanya ang malulusog kong dibdib. Nakita ko ang paglunok niya ng kanyang laway at pagkagat niya sa ibabang labi niya habang nakatingin sa katawan ko. "Travisssss huwagggg", sigaw ko at may kasamang iyak dahil nakadagan na siya sakin at pinagpyepyestahan ang dibdib ko. Kahit nagpupumiglas ako at nagmamakaawa ay hindi ako tinantanan ni Travis hanggang sa makuha niya ang gusto niya sakin at nakaraos siya sa init ng kanyang katawan kahit labag sa aking kalooban.
like
bc
DELLA SELLA (SERIES 1) : UNWANTED LOVE (SPG)
Updated at Nov 25, 2024, 17:05
PROLOGUE Paano ka nga ba magmamahal kung pinaglaruan at ginamit ka lang ng taong gustong maghiganti ? Magagawa mo pa bang magtiwala sa iba kung nasaktan kana? Si Trisha Rocaforte, binansagang bastarda ng mga taong mapanghusga. Dahil sa maling pagmamahalan ng kanyang ama at ina kaya iyon ang tawag sa kanya. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya hahayaang mangyari sa mga magiging anak niya ang nararanasan niya. Natutunan niyang magmahal kay Leo, ngunit hindi niya alam na nakipagrelasyon lang ang binata sa kanya dahil sa isang paghihiganti. Nalaman niya ang masakit na katotohanan kung kailan ibinigay na niya ang buong tiwala at pagmamahal sa taong ang akala niya ay mahal din siya. Dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya ay nagpakalasing siya. At dahil sa espiritu ng alak, she gave her virginity to a stranger man. Nung magising siya ay wala na ang lalaki, kung kaya agad siyang umalis at hindi na nakapagpaalam sa mga taong nagmamahal sa kanya. Lalong lalo na si Cindy na kaibigan niya. Dahil sa hiya niya sa sarili dahil sa nangyari ay umuwi siya sa kanyang ina, at nagbunga ang pagkakamali niya. She was now a single mom but she never regret it. Nagkaroon siya ng mabait at malambing na anak si Brayll. She close her heart and promise not to fall inlove again, pero dumating ulit si Bryan Della Sella sa buhay nila ng anak niya. And she learned to love this man. Mahal na mahal sila ni Bryan, pero natatakot pa siyang makipagrelasyon ulit dahil sa nakaraan niya. Lalo na at bumalik si Leo at ginugulo ulit ang buhay niya. Pero wala ng kasing sakit, ng malaman niya kung sino ang estranghero na nakaniig niya sa gabing lasing siya. Ang estranghero na kinamumuhian niya dahil sa pananamantala nito sa kalasingan niya ay nakilala na niya. Maayos pa kaya ni Trisha ang buhay niyang tahimik na, at pilit na ginugulo ng dalawang tao? Magpapatuloy pa ba siya sa pagmamahal kay Bryan, ngayong sobra na siyang nasasaktan dahil nakilala na niya ang ama ng anak niya? Dahil sa isang desisyon na gagawin niya para sa anak ay malalagay siya sa sitwasyong ayaw niya. Abangan si Trisha, at ang kanyang hindi nais na pag-ibig sa piling ng isang Della Sella.
like
bc
LOVING MY BEST FRIEND
Updated at Aug 18, 2024, 17:00
PROLOGUE "Nakalimutan man ako ng isip mo, pero kailan man ay hindi ako makakalimutan ng puso mo", ang bulong ni Cindy habang pinagmamasdan si Lester na lumalayo sa kanya. Si Lester ang matalik niyang kaibigan simula nung bata pa sila. Ang lalaking tinuring niyang kapamilya, ito din ang dahilan kaya siya nagbalik upang malaman ang mga sagot sa kanyang katanungan. Paano kung ang matalik niyang kaibigan ay nakalimutan na siya at sa makalipas ng limang taon ay hindi na siya maalala. Ngunit gagawin ni Cindy ang lahat upang maibalik sa kaibigan ang alaala niya. Magtagumpay kaya siya gayong madaming balakid sa kanyang gagawin. May Kasintahan si Lester, paano siya makalalapit kung alam niyang may pinaglalaanan ng oras ang kaibigan. Ang kaibigan niyang minsan ay nagpatibok ng puso niya. At minsan ding nagiwan ng sakit sa damdamin niya. Kaya ito siya ngayon at nagbabalik upang tulungan ang kaibigang maalala na minsan ay may pinagsamahan sila, mga alaalang hindi dapat kalimutan ni Lester. Mga alaalang lumipas man ang panahon ay sariwa parin sa pusot isip ni Cindy. Magagawa niya kaya ang nais kung mismong si Lester ay ayaw siyang makita? Maibabalik pa ba niya ang dating pagkakaibigan nila? Abangan ang isa na namang panibagong kwento ng pag ibig nila Cindy at Lester. Kwentong pag ibig na muling magpapaluha at magpapakilig sa inyong damdamin.
like