bc

FAKE WIFE, TRUE DESIRES (SPG) :DELLA SELLA SERIES 3

book_age18+
158
FOLLOW
3.4K
READ
billionaire
HE
second chance
heir/heiress
bxg
witty
like
intro-logo
Blurb

Kung ikaw ay magigising mula sa anim na buwang pagka coma at pagmulat ng iyong mata ay ang inaakala mong asawa mo ay isang huwad pala, makakaya mo bang mahalin ulit ito katulad ng pagmamahal mo dati pagkatapos mong malaman ang katotohanan?Isang kwento na magbibigay mulat sa inyong mga mata kung ano nga ba ang ibig sabihin at dapat bang bigyan ulit ng second chance ang isang pag-ibig at taong sumira sa tiwalang ibinigay. Si Brayll Della Sella na taos pusong nagmahal at handang gawin at ibigay ang lahat para sa taong minamahal ay namulat sa katotohanang hindi niya tunay na asawa ang babaeng kasama niya ngayon. Dahil ang totoo ay identical twin ito ng yumao niyang asawa na namatay noong katatapos nilang magpakasal dahil sa isang car accident na siya ring dahilan ng pagka coma niya ng anim na buwan. At ng malaman niya ang totoo ay napalitan ng puot at galit ang pagmamahal na nasa puso niya. Pagkasira ng tiwala at pagbagsak ng kanyang mundo, at hindi niya alam kong makakaya pa niyang tanggapin ang lahat ngayong patay na ang asawa niya.At si Cassy Velasco na lumaki sa iyang dukhang pamumuhay ay kailangang magpanggap bilang kapalit ng namayapa niyang kambal na si Candace Vergara. Magkaiba ang kanilang mundo dahil naghiwalay ang kanilang mga magulang at si Cassy ang panganay at pinakamalusog ay napunta sa kanyang ina at si Candace na pangalawa at pinakamahina ang puso sa kanilang mayamang ama napunta kaya magkaiba ang kanilang apelyedo. Kailangan niyang tanggapin ang alok ng kanilang ama na magpanggap siya kapalit ng pagpapagamot ng kanyang ina at buwanang gastusin nito. Sa pagpapanggap ni Cassy ay unti-unti niya ding natutunan si Brayll na mahalin at itinago ang katutuhanan hanggat kaya niya. Ngunit sabi nga ng kasabihan na walang lihim ang hindi nabubunyag kung kaya nalaman ni Brayll ang katotohanan dahilan upang magbago ang buhay nilang dalawa.Ngunit sa paglipas ng ilang buwan ay nangungulila si Brayll kay kasi kaya hinanap niya ito upang muling suyuin at upang humingi ng tawad sa mga masasakit na salitang binitawan niya sa dalaga, at hihingin ulit niyang ibalik ang pagmamahalan nila. Magwawagi kaya siya ngayong mailap na parang tupa si Cassy at ayaw na nitong makita at makasama pa si Brayll? Tunghayan ang makabagbag damdamin na kwento ng dalawang taong pinagtagpo ulit ng tadhana upang muling ibalik ang pagmamahal na nasira.

chap-preview
Free preview
PANIMULA
📌 WARNING 📌 Rated SPG (for 18 above) Not for 18 years old below, may mga parte ng kwento na hindi dapat basahin ng mga bata (baka gayahin delekado). Ang bawat eksena, tauhan at mga pangyayari ay kathang isip lamang ng may akda. Read at your own risk, may mga errors at mga wrong spellings. No to copyright infringement. Enjoy reading ❤️❤️❤️ 📌 NOTE TO READERS 📌 ANG KWENTONG ITO AY DATING PINAMAGATANG "BRING BACK THE LOVE (SPG) :DELLA SELLA SERIES 3. RE-UPLOAD AT REVISE PO ANG GINAWA KO NGAYON DAHIL MAY IMPORTANTENG DAHILAN. SANA PO AY BASAHIN NIYO PARIN AT SUPORTAHAN ANG KWENTO KONG ITO HANGGANG SA MATAPOS. SAMAHAN NIYO PO AKONG MULI AKING MINAMAHAL NA MGA MAMBABASA AT SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGSUPORTA SA ATING KWENTO. MARAMING SALAMAT PO ❤️❤️❤️ 👉 FLASHBACK Kung nabasa niyo na ang Della Sella Series 1 na pinamagatang : UNWANTED LOVE na pinagbibidahan nina Bryan at Trisha, si Brayll ay ang bunga ng kanilang one night stand at binuhay siyang mag-isa ni Trisha hanggang sa natagpuan sila ng kanyang ama na si Bryan. At ngayon matutunghayan na din natin ang kanyanh kwentong pag-ibig. PROLOGUE Akala ko ay hindi ko mamahalin ang lalaking ito pero nagkamali ako dahil ngayon ay si Brayll na ang mundo ko, ang lahat lahat ko kaya hindi ko kakayanin kung mawala siya sakin. Ng makarating ako sa aming bahay ay nagtaka ako kung bakit hindi na nakalock ang pintuan. Naisip ko na baka maagang dumating si Brayll kaya inayos ako ang aking sarili at kailangan magmukhang okay ako. "Brayll?", hinahanap ko siya sa kusina pero walang tao doon. "Brayll andito kaba?", bumalik ako sa sala "Brayll? Brayll?" Naisip na kong pumunta sa kwarto namin baka nandoon siya, kumatok muna ako bago pumasok. "Brayll?.. Brayll andito ka pala", nakangiti kong wika. Ngunit ang ngiting iyon ay nawala din ng makitang matalim ang tingin ni Brayll sakin at nakapameywang pa. Galit na galit ang mukha niya. Kinakabahan na ako! "Brayll what's wrong? "Who are you!?" "What do you mean?" "Nagmamang maangan kapa sino ka!", "Brayll?" "Alam kong patay na ang asawa ko kaya sino ka!?" Natigilan ako, alam na niya ang totoo hinahabol ko na ang bawat hininga ko dahil sa kabang aking nararamdaman. Bakas sa mukha niya ang sobrang galit dahil sa pagpapanggap at pagsisinungaling ko. "Brayll kasi.." "Umalis ka sa harapan ko!", bulyaw ni Brayll sakin. "Brayll Im sorry, please makinig ka naman", paki-usap ko na humahagulgol na sa kakaiyak. "Noong una palang nararamdam ko na na hindi ikaw ang asawa ko, pero pinaniwala mo ako dahil sa lint*k na sinasabi mong nagka amnesia ka pero ang totoo linuluko mo lang ako at nagpapanggap ka!", sigaw pa ni Brayll. Kinuha niya ang flower vase na nasa mesa at ibinato iyon sa dingding, galing pa iyon Zambales at ako mismo ang gumawa noon. Regalo ko ito kay Brayll dahil gusto niyang ilagay sa flower vase ang mga bulaklak na binibili niya para sakin. Nagkalat na ang iba pang mga gamit na binabato niya at winawasak. "Sarap na sarap pa naman ako sayo habang ginagalaw kita, na ang akala ko ang babaeng binabayo, rinoromansa, hinahalikan at yinayakap ay ang asawa ko!", muli ay sinuntok ni Brayll ang salamin na nasa tabi niya. "Brayll makinig ka naman please", umiiyak na sabi ko. "Wala na akong dapat na marinig mula sayo babaeng huwad, lumayas kana sa pamamahay ko!", wika ni Brayll sabay turo sa pinto. Dahil sa takot ko na baka kung anong gawin ni Brayll sakin ay agad akong tumayo at patakbong lumabas ng pinto at sinarado ko ito ngunit hindi ako umalis at sinandal ang hinang-hina ko ng katawan at napaupo nalang habang umiiyak. Dinig ko mula sa loob ng kwarto ang pagbagsak ng mga gamit at ang ang sigaw ni Brayll dahil sa galit. Dahil sa pagpapanggap ko bilang kapalit ng yumao niyang kambal ay ito ang naging kapalit, sa halos isang taon na nakasama ko ang asawa ng aking kambal ay minahal ko na bilang aking tunay na asawa. Kaya masakit sakin na ipagtabuyan niya ako at higit sa lahat kinamumuhian na ako ni Brayll. Hinugot ko ang wedding ring sa aking daliri, pagaari ito ng kakambal ko, ganun din ang necklace na binigay ni Brayll noong nag celebrate kami ng 1st wedding monthsary. Hindi naman dapat ito para sakin kaya linalapag ko ito sa mesa na nakadisplay malapit sa labas ng kwarto namin ni Brayll. Pinunasan ko ang mga luhang pumuno sa aking mga mata at saka iginala ang paningin sa loob ng bahay. Lalong bumigat ang aking dibdib dahil iiwan ko na ang bahay na nagbigay ng maraming alaala samin ni Brayll. Ang bawat sulok ng bahay na saksi sa paglalambingan, halakhakan, ungol sa bawat sulok at parti ng bahay kung saan namin gustong magtalik. Ang bahay na ito ang naging saksi kung gaano ako naging masaya sa piling ng isang lalaki, kung gaano ako nabuhay bilang isang mayamang babae na hindi ko naranasan sa tanang buhay ko. At ngayon ang lahat ng pagpapanggap ko ay natuldukan na dahil alam na ni Brayll ang lahat, ang pagmamahal niya sakin ay napalitan na ng puot at galit dahilan na ayaw na niyang pakinggan ang paliwanag ko. Habang humahakbang ako palabas ng pinto ay lalong bumibigat ang puso ko ganun din ang hindi ko mapigilang luha na pumatak sa aking pisngi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook