Ilang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos ng pag bisita nila kay Penelope, Masaya ang naging proposal ni Lucky kay Penelope para ligawan siya ng lalaki, masayang pumayag si Penelope kaua masaya silang lahat na mamalagi sa greece. Masasabi ni Verena na kuntento siya sa buhay niya pwera nalang kung hindi eeksena ang biyenan niya. “I have an urgent meeting love, I’ll be back.” sambit ni Denarius, tumango si Verena sa asawa. “Ingat” sambit ni Verena at tumango, pinanood nito ang papalayong bulto ng asawa at ngumisi. “Sino na naman kaya ang dadalhin mo rito para inisin ako, Dorothy?” nakangising tanong ni Verena sa sarili niya habang pinapanood ang biyenan niyang kausap ang asawa, nasa tagong parte siya ng terrace kaya hindi siya makikita ng kung sino. Pinag masdan ni Verena ang asawa

