Kakauwi lang nilang mag asawa sa condo ni Lucky, kasama nila si Lucky ngayon sa condo. Dumiretso si Verena sa kusina para mag luto, habang su Denarius namam at natutulog sa kwarto nila ni Verena. “Ropa” tawag ni Lucky pagka pasok niya sa kusina. “Bakit Lucky?” tanong ni Verena habang nag hihiwa ng mga rekado ng asadong baboy na iluluto niya. “Ah, mag papaalam lang sana ako.” sambit ni Lucky, kumunot ang noo ni Verena sa sinabi ng kaibigan. “Bakit ka sa'kin nag papaalam umalis?” kuryosong tanong ni Verena at binuksan na ang stove na gagamitin niya. “Hindi gagi, kasi ano.” hindi alam ni Lucky kung paano sasabihin sa kaibigan niya na gusto niyang ligawan ang kapatid nito. “Ano Lucky?" pikon na tanong ni Verena, bigla namang sumulpot si Denarius na gulo gulo ang buhok. “What’s th

