“Anong gusto mong gawin Pen?” tanong ni Verena sa kapatid niya na naka upo sa kama, katabi niya. “Sa labas ate, may playground po sa labas ng hospital, doon nalang po tayo.” nakangiting sambit ni Penelope, ngumiti si Verena. Noon pa man, hindi na maluho si Penelope, hindi siya kailanman humiling ng mga gusto niya na alam niyang hindi naman talaga niya kailangan. “Sigurado ka ba? baka gusto mo kumain sa labas?” nakangiting tanong ni Verena kay Penelope habang hinahaplos niya ang buhok ni Penelope. “Huwag na po ate, sa playground nalang po tayo, bumili na rin po ng pagkain si Lucky at kuya Den diba?” tanong ni Penelope, tumango si Verena sa kapatid. “Kamusta ang stay mo rito Pen?” tanong ni Verena sa kapatid “Ayos naman po ate, hindi po ako pinapabayaan ni ate Laven at ni Lucky,

