Parang noon lang pina plano pa nilang mag asawa ang pag dalaw kay Penelope, ngayon ay nandito na sila sa greece, hinihintay nila Verena at Denarius si Lucky para sunduin sila. “Ang tagal ni Lucky kahit kailan” naiiritang bulong ni Verena, natawa si Denarius sa pagiging mainitin ng ulo ni Verena. “Baka lang na traffic” sambit ni Denarius, hindi sumagot si Verena pero tumango ito sa sinabi ng asawa. “Are you excited on meeting Penelope after all these years love?” tanong ni Denarius sa asawa. “Yes, excited ako.” nakangiting sagot ni Verena, ngumiti si Denarius at tumango. Ilang minuto pa ay dumating na si Lucky. “Sorry mga ropa, traffic” sambit ni Lucky pagka labas ng sasakyan. “Lagi ka nalang filipino time tropa” sambit ni Verena, tumawa si Lucky sa sinabi ng kaibigan. “Ikaw

