Chapter 3

1173 Words
Maaga akong pumasok sa trabaho hindi na ako kumain dahil wala parin akong gana. Ewan ko ba ang pangit pangit ko pero nag-iinarte ako parang 'di yata bagay. Sobrang seryoso ako sa paglilinis ko at wala akong pinapansin gusto ko ay sobrang kintab ng sahig para walang matatapakang alikabok ang prinsipe ko pero iba ang prinsesa niya. Pagod na pagod na ako sa lawak ng nalinisan ko at nakakaramdam na din ako ng hilo dahil siguro sa gutom pero hindi pa ako pweding umalis dahil hindi pa naman lunch break. Umiikot na talaga ang paningin ko at pakiramdam ko ay babagsak na ako ng may maramdaman akong braso na pumulupot sa akin. "Hey are you okay?" Shit sa sobrang gutom ko naiimagine ko na nasa harapan ko si Sir Lenon. Titig na titig ako sa kan'ya at nakakunot naman syang nakatingin sa'kin. "Hey!" tinapik niya ang pisngi ko kaya natauhan ako. "Ha?" Natawa siya sa'kin at kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang gilid ng labi ko. s**t! Pweding mamatay? Pucha mamamatay ako sa kilig. "Anong nangyayari Miss may sakit ka ba tumutulo laway mo?" Pabebe ko namang hinawakan ang gilid ng labi ko pero tuyo na ito dahil napunasan na niya. "Sheree sher keshe nemen e eng het me!" "Ha?" naguguluhang tanong niya. Ang hirap naman kasing magsalita ng tuwid sa harap niya. "Wala po nagugutom lang hehe." Napangiti naman siya sa'kin at inalalayan lang ako. Dinala nya ako sa office niya at pinaupo sa couch habang siya ay lumapit sa mini fridge niya. "Wait lang ha iinit ko lang 'to." Iba talaga ang mayaman office lang pero kompleto ang gamit pwede na akong tumira dito. Pinagmamasdan ko siya sa ginagawa niya huta parang asawa ko na talaga siya na pinagsisilbihan ako hihihi ang saya! "Here let's eat," nakangiting sabi niya at pinaglagay niya pa ako ng kanin at ulam sa pinggan. Nagsimula na akong kumain at nagningning naman ang mata ko ng malasahan ang pagkain ang saraap! "Ang sarap mo sir! Este yong adobo!" "Haha pala biro ka pala at salamat nagustuhan mo." Complete package talaga itong lalaki na 'to siya pala nagluto e ang sarap sarap siya kaya masarap din? Ang landi ko. "Mabuti ka pa nagustuhan mo Rhea didn't even taste it," malungkot na sabi niya. "Baka naman busog lang sir." "Haha sana nga." Masakit din pala na makita mo na malungkot yong taong gusto mo dahil sa taong mahal niya. Ako na lang kasi kakainin ko lahat ng lulutuin mo kahit pati ikaw joke! "Matagal ka na ba dito?" "3 years na sir." "Talaga? Matagal na pala ano bang pangalan mo?" Haba ng hair ko tinatanong niya ang pangalan ko tapos ano liligawan niya ako. "Tapos ano sir iaadd mo ako sa f*******: tapos ichachat mo ako then itatanong mo number ko tapos liligawan mo ako sus wag na sir tayo na agad!" Tumawa naman siya ng malakas dahil sa sinabi ko aba akala yata nito nagbibiro ako! Nagkakamali siya seryoso ako a. "Hahaha you're funny," mangiyak ngiyak siya sa katatawa. "Hala I'm not funny I'm Hifone Chakakow!" tanggi ko sa kan'ya at tumawa na naman siya. "Haha So Hifone Chakakow is your name weird." Tawa siya ng tawa parang ang saya niya a, kung ako na lang kasi hindi siya malulungkot mukha ko pa lang tatawa na siya agad. "Salamat sir sa pakain babalik na ako sa trabaho" paalam ko sa kanya kahit ayoko pang umalis. "Dito ka na lang bukas ka na magwork baka mahilo ka lang ulit." "Talaga sir?" tuwang tuwa kong tanong. Ngumiti siya sa'kin at tumango. s**t busog na busog ang tyan ko pati mata at puso ko. Matititigan ko siya hangga't gusto ko. Nakatitig lang ako kay Sir Lenon habang nagtatrabaho siya napakaperfect niya. Mabait siya at gwapo pa ang swerte ni Marian Rivera sa kan'ya. "Matutunaw ako nyan sa ginagawa mo haha," natatawang puna niya sa pagtitig ko. "Wala naman kasi akong magawa sir." Ngumiti siya sa'kin bago kinuha ang cellphone niya at inabot ito sa'kin. "Here maglaro ka na lang dyan." "Talaga sir?" Tumango naman siya at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Tinignan ko naman ang cellphone niya wala itong password kaya madali ko lang nabuksan. Pangit lang ako pero hindi naman ako bano tsaka may cellphone din ako hindi nga lang touchscreen. Naglaro ako ng subway surf nakakatuwa pala ito. Sumapit ang hapon na wala akong ginawa kundi maglaro sa cellphone ni Sir Lenon. "Sir uwi na ako," tumayo na ako at binalik na ang cellphone niya. "Wait ihahatid na kita." Shit may mas sasaya pa ba sa araw ko? Pinakain na ako pinahiram pa ng cellphone tapos ngayon ihahatid ako? Gosh ang haba ng hair ko. Sabay kaming bumaba galing sa opisina niya at nakita ko si Jenna na nanlaki ang mata ng makita kung sino ang kasabay ko kaya binelatan ko siya. "Saan ba bahay mo?" tanong niya sa'kin. "Sa barangay Churva Ekek Sir," sagot ko sa kanya habang nililibot ang mga mata ko sa sasakyan niya. Nagsimula na s'yang magmaneho hindi siya ganon kabilis magpatakbo hindi rin naman mabagal sakto lang. "So Hifone friends na tayo ngayon?" tanong niya sa'kin. Ouch friendzone ang lola mo ang sakit naman pero hindi ako mawawalan ng pag-asa diba sa friendship naman talaga nagsisimula ang lahat. "Oo ba ikaw pa sir malakas ka sa'kin e." "Haha thank you." Nakangiti siya habang nagmamaneho at kitang kita ko ang malalim n'yang mga dimples s**t tulo na naman laway ko. "Dyan na lang sir sa tabi," sabi ko sa kanya ng makitang nasa tapat na kami ng apartment ko. "Sinong kasama mo sa bahay?" tanong niya sa'kin. "Wala ako lang mag-isa minsan pumupunta yong bakla kong kaibigan" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko para bang may mali sa sagot ko sa kanya. "You're alone? Hindi ba delikado 'yon what if may magnanakaw and worst rapist." "Hahaha ikaw naman sir walang mananakaw dyan sa apartment ko at isa pa sa pangit kong ito walang magtatangkang mang-r**e sa'kin." tumatawang sagot ko sa kanya. Seryoso s'yang nakatingin sa'kin kaya naman napayuko na lang ako. "Hindi ka pangit You are beautiful in your own ways." "Ha?" napatulala ako sa sinabi niya siya ang kauna-unahang tao na nagsabi na hindi ako pangit. Simula bata pa lang ako namulat na ako sa katotohanang pangit ako dahil lahat ng tao yon naman ang sinasabi at pinaparamdam sa'kin. Hindi ko inasan na dadating ang isang araw na may magsasabi sa'kin na hindi ako pangit. "Sige na pumasok ka na sa bahay mo habang medyo maagap pa and please lock the door," nakangiting bilin niya sa'kin. "Sige sir salamat," tinanggal ko na ang seatbelt ko at handa na akong lumabas ng magsalita pa siya. "Stop calling me sir pag wala tayo sa trabaho Lenon is fine." Ngumiti naman ako sa kan'ya at tumango. "Salamat Lenon." Hindi siya umalis hangga't hindi pa ako nakakapasok sa loob ng apartment. Hindi ko inasahan na dadating yong panahon na mapapansin niya ang isang tulad ko na pangit at magiging kaibigan ko pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD