"Hoy gaga bakit kayo magkasama ni sir kahapon?!" bungad na tanong sa'kin ni Jenna ng makarating ako sa kompanya.
Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. Naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon siguro dapat lagi na ako magpagutom para naman lagi akong papakainin ni Lenon.
"Kami na hihi"
Sinapak niya ako dahil sa naging sagot ko. Hindi ba kapanipaniwala yon?
"Gaga taas ng pangarap mo! Haha."
"Grabe ka sa'kin!"
Inirapan ko siya na s'yang kinatawa naman niya.
"Hahaha anong gusto mo palabasin na totoo ang beauty and the beast?"
Fairytale yuck! Never akong naniwala sa ganon. Naalala ko noong bata pa ako hinalikan ko yong palaka kasi umaasa ako na magiging prinsipe yon kaso malas nangati ang labi ko.
"Walang ganon oy, " sagot ko kay Jenna.
"Parang kayo walang ganon hahaha"
Nakakainis talaga itong si Jenna kahit kailan kontrabida. Nakangiti akong nagsimula sa trabaho kahit sino ay walang makakasira sa mood ko kahit laitin pa ako ng sobra.
"Good morning Sir" nakangiting bati ko kay Lenon ng dumaan siya.
"Good morning Hifone," nakangiting tugon niya sa'kin.
Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang mga ngiti niya s**t heaven. Wala ng mas sasaya sa babaing inlove na nginitian ng mahal niya.
Lunch break namin ng maisipan kong sumabay kay Lenon sa pagkain may baon naman ako. Naglalakad na ako papunta sa opisina nya ng mapatigil ako. Si Marian Rivera pakending kending na pumasok sa opisina ng mahal ko. Bwesit na yon moment na sana ulit namin ng asawa ko pero sumingit pa siya kainis. Sa huli wala akong nagawa kundi bumalik at sumabay na lang sa bruhang si Jenna.
"Ano girl balik ka no talbog ka sa kagandahan ng jowa ni sir haha" pang-aasar niya sa'kin.
"Tse! Kabit niya lang yon ako parin ang original!"
"Hahaha gutom lang yan," natatawang sabi niya.
Inirapan ko si Jenna at nagsimula ng kumain ng baon ko na kanin at tuyo.
Nang sumapit ang hapon ay lumabas na ako ng building para umuwi na.
"Hey hatid na kita," nakangiting sabi ni Lenon.
Kinilig naman ako dahil ihahatid niya ako pero ang kilig na yon ay biglang naglaho ng makita ko ang babaing nasa likod niya nakatingin ito sa'kin habang nakataas ang kilay.
"Hifone this is my girlfriend Rhea Cortez and babe this is Hifone friend ko," nakangiting pakilala sa'min ni Lenon.
Durog ang puso ko huhu FRIENDS nga lang pala kami.
"Nice name Hifone," nakangiting sabi ni Rhea pero halatang peke.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Lenon syempre sa likod ako kasi nandyan ang girlfriend sa tabi niya.
Kung pwede lang siyang palayasin ay baka ginawa ko na. I'm the legal wife girl!!! Shooo!