Chapter 5

526 Words
"Yon ba ang girlfriend ng pangarap mo girl?" mapang-asar na tanong sa'kin ni Junior. Inirapan ko naman siya obvious naman kasi nagtatanong pa. Nakita ni Junior ng ihatid ako ni Lenon at ang plastik n'yang girlfriend ay bumeso pa sa'kin kaya ayan nang-aasar siya. "Ang ganda girl kahit sa pwet niya hindi ka maiihalintulad haha" "Pumunta ka ba dito para mang-asar?" inis na tanong ko sa kan'ya. Alam ko namang nandito yan dahil nag-iinom na naman ang kan'yang ama. "Lasing na naman kasi si pudra ko." Sabi na nga ba hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang na nakakayang saktan ang kanilang mga anak. "So kailan ba ang operation pagandahin si hipon este Hifone pala haha" "Ang sarap mong palayasing bakla ka! Bibili na ako bukas ng cellphone kaya sa susunod na sweldo pwede na yang paganda echos mo!" Nakuha ko na ang sweldo ko at kompleto na ang pambili ko ng cellphone makakapag f*******: na ako iaadd ko si bebe Lenon. "Ang laway girl pinagpapantasyahan mo na naman ang boss mo!" "Tse!" Inirapan ko si Junior bago pumunta sa kusina at nagluto ng kanin at tapa. Sarap ng ulam ko wag ko kayang pakainin ang baklang si Junior? Hmm pero kawawa naman hindi na nga mahal ng kanyang tatay gugutumin ko pa. "Hoy bakla kakain na." "Ay bet ko yan lafang naaa!" Basta talaga sa pagkain napakabilis niya patay gutom talaga. "Day off ko bukas bakla samahan mo ako bumili ng cellphone." "Sa mall ba?" "Ay hindi sa palengke bakla try mo!" "Nagtaray ang mukhang kabayo tse! 'Di bagay sa'yo!" Inirapan ko naman siya lagi na lang mukhang kabayo pwede bang baka naman?. "Atleast sexy ako." "Ay pinagmalaki? Hipon na 'to." Nilayo ko ang ulam at kanin sa kan'ya. "Oy joke lang naman haha wag mo naman akong pagdamutan ng lafang!" Natatawa naman akong binalik ang pagkain kahit naman nilalait lait ako n'yan mahal ko ang baklang yan. Katulad ng dati siya ang naghugas ng pinagkainan namin. Patulog na sana kami ng makarinig kami ng sigaw sa labas ng apartment ko. "Hoy Junior lumabas ka dyan!" "Pag di ka lumabas papasabugin ko bahay na yan!" Wala kaming nagawa kundi labasin si Mang Kardo ang tatay ni Junior. "Oy Mang Kardo apartment 'to hindi bahay!" Tumawa siya at tinuro turo ako. Nababaliw na yata itong gagong to. "Nagsasalita na pala ngayon ang kabayo hahaha" Aba't gago talaga 'to ah. "Ay hindi po nagkakaintindihan lang po talaga ang kapwa hayop." Agad naman akong siniko ni Junior dahil sa pagsagot ko sa tatay niya. "Ano ka ba girl baka dito pa yan magwala wag mo ng galitin nakakahiya." "Sige na girl uuwi na lang muna ako," paalam sa'kin ni Junior. "Sure ka?" tanong ko sa kan'ya dahil alam ko namang sasaktan siya ng ama niya. "Oo girl kita na lang tayo bukas." "Sige ingat!" Umalis na silang mag-ama haay nakakawa si Junior kung may magagawa lang sana ako kaso wala e ang pakainin lang siya at damayan yon lang ang magagawa ko. Mag-aral kaya ako ng boxing tapos bugbugin ko si Mang Kardo para tigilan na niya si Junior haha pero mali parin ang manakit ng nakakatanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD