Nagluto ako ng sinigang para sa dinner namin ni bebe Lenon. Nilagyan ko ng gayuma este pagmamahal pala yong niluto ko. Dapat siguro pumunta ako sa albularyo para magpagawa ng gayuma. Hihi sarap niya siguro este sarap niya magmahal.
"Labs kain na tayo."
Lumapit siya at agad tinikman ang luto ko.
"Ang sarap naman ng luto mo Hifone."
Ngumiti ako sa kan'ya at pinalo siya ng mahina pasimpling tsansing.
"Ano ka ba hihi mas masarap ako dyan gusto mo tikman?"
"Hahaha grabe talaga mga biro mo wag kang magbibiro ng ganyan sa ibang tao ha baka totohanin nila."
Oh my gusto niya sa kan'ya lang ako hihi kilig to the bones aketch.
"Oo naman labs alam mo namang royal ako sayo."
"Hahaha it's loyal Hifone not royal."
Napangiti naman ako habang nakikita ko s'yang tumatawa. Oo hindi ako ang mahal mo pero masaya akong kaya kitang patawanin ng ganyan.
"Pwede na yata akong mag-apply na clown."
"Ha? Bakit naman?" kunot noong tanong niya.
"Lagi ka kasing tumatawa pag kasama mo ako."
Pwede nga siguro akong clown extra income din yon subukan ko kaya?.
Pero hindi pala pwede baka sa halip na matuwa ang tao sa'kin eh matakot pa.
"Because you're fun to be with." nakangiting sabi niya sa'kin.
Bakit ganon parang tumigil ang oras at lumabo ang paligid siya lang ang nakikita ko. Napahawak ako sa dibdib kong malaki ng maramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Yong ngiti niya napakatamis tikman ko kaya?. Haay lalo s'yang gumagwapo pag nakangiti.
"Hey."
Natauhan naman ako ng tapikin niya ako sa balikat.
"Ha?"
Tumawa siya bago kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang gilid ng labi ko? May dumi ba? Omg! Sweet.
"Tumutulo na naman ang laway mo haha"
Eh? Nakakahiya bakit ba lagi na lang tumutulo ang laway ko sa harap niya.
"Haha ang sarap mo kasi eh haha este yong ulam pala."
Tumawa na naman siya at ginulo ang buhok ko. Ano ba yan lagi na lang s'yang tumatawa baliw na yata ang bebe Lenon ko.
Matapos kaming kumain ay umalis na siya at biniling wag na wag magbubukas ng apartment pag may tao delikado daw. Haba ng hair ko concern siya sa'kin.
Eh kaibigan ka 'diba
Bwesit na konsensya ko panira sa mga pantasya ko.
Wag kasing assuming gising ka pa pero mukhang nananaginip ka na!
Paki mo ba manahimik ka nga!
Nababaliw na yata ako dahil pati sarili ko ay kinakausap ko na.
Nagcr ako bago pumasok sa kwarto ko hindi na ako nagtoothbrush para san pa wala namang hahalik sa'kin.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho para ako agad yong makikita ng bebe Lenon ko.
Yong totoo nagtatrabaho ka ba o lumalandi lang?
Nambubwesit na naman yong konsensya ko palibhasa walang lovelife kaya bitter!
Oy hipon ka para sa kaalaman mo iisang tao lang tayo kaya wag kang ano dyan feeling mo may lovelife ka ulol.
Tse!
"Oy nabaliw ka na ba talaga at kinakausap mo sarili mo? Haha"
Napatingin naman ako kay Jenna na bagong dating. Agap nitong babae na ito ah baka mamaya inaabangan din niya ang asawa ko lagot to sa'kin.
"Bakit ang agap mo?!" mataray na tanong ko sa kanya habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa maliit kong bewang.
"Oh? Problema mo hipon ka? Inaabangan ko yong prinsipe ko!"
"Ano?! Sino yon ha?!"
Tumawa naman siya sa reaksyon ko at tinapik ang balikat ko.
"Wag kang mag-alala hindi si sir Lenon 'yon kundi yong pinsan niya haha."
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Mabuti naman nagkakaintindihan tayo babae."
"Haha baliw!"
Baliw ba talaga ako? Hindi naman siguro talagang inlove lang ako. Inlove ako sa taong hindi ko kayang abutin nagfefeeling bituin kasi ang lolo Lenon sobrang taas hindi ko maabot.