Nagsimula na kaming maglinis pero patingin-tingin kami sa paligid baka mamaya dumaan na ang iniintay namin.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglilinis ng may maatrasan akong tao kaya naman agad akong lumingon.
"Sorry po," hingi ko ng paumanhin.
"Okay lang," nakangiting sabi ni Lenon babes bago ginulo ng konti ang buhok ko.
"Eyy naman Sir hirap kaya mag suklay."
Natawa naman siya sa'kin bago mas ginulo pa ang buhok ko.
"Ehem!"
Natigil si Lenon ng magpapansin ang kasama n'yang lalaki. Siguro ay iyon ang sinasabi ni Jenna na pinsan ng babes ko. Gwapo ito at matangkad pero syempre mas gwapo parin si Lenon babes no'.
"Sige Hifone see you later," paalam sa'kin ni Lenon bago ngumiti ng makalaglag panty shet!
"See yah!" sagot ko bago ngumiti at kumaway sa kan'ya.
Babalik na sana ako sa paglilinis ng batukan ako ni Jenna.
"Aray ko naman!" reklamo ko sa kanya.
"Gaga ka may pangiti-ngiti ka pa eh may paminta naman yang ngipin mo!"
Inirapan ko naman sya sus inggit lang ito kasi hindi siya pinansin ng crush niya.
"Inggit ka lang hahaha"
Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
"Oo buti ka pa nga eh kahit pangit napapansin pero ako dyosa na ayaw pa huhu!"
Ako naman ang sumapak sa kanya assuming kasi dyosa daw eh kamukha niya si pokwang.
"Aray naman! Palibhasa inggit ka sa ganda ko!"
"Hoy Jenna wag masyadong makapal ang mukha hindi ka kagandahan makadyosa ka dyan, baka dyosa ng mga tikbalang!"
"Nagsalita ang petrang kabayo!"
Sabay naman kaming natawa sa asaran namin. Kahit grabe kami maglaitan sa huli walang nagagalit dahil alam naman namin na parehas kaming pangit.
Lamang lang ako sa kanya sa katawan dahil sexy ako.
Nagpatuloy kami ni Jenna sa paglilinis at ng sumapit ang lunch break ay may dumating sa'kin na text mula kay Lenon babes. May lunch date daw kami este sabay na daw akong kumain sa kanya dahil nagluto siya.
Pumunta ako sa opisina niya at naabutan ko s'yang nag aayos ng pagkain sa mesa.
"Wow ang dami naman parang nakakagutom ka haha este yong pagkain pala."
"Haha baliw!"
Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Pakiramdam ko ay pwede na akong mamatay dahil natikman ko na ang pinakamasarap na pagkain.
"Alam mo pwede ka na mag-asawa ang sarap mo magluto," biro ko sa kan'ya.
"Haha pero hindi pa handa ang gusto kong pakasalan."
Nakita ko ang lungkot sa mata niya ng sabihin niya yon tss! Bakit ba kasi mahal na mahal niya yong Rhea na yon eh parang wala namang pakialam sa kanya.
"Kung gusto mo ako na lang pakasalan mo."
Nasamid naman siya kaya agad ko s'yang binigyan ng tubig at ng mahimasmasan siya ay tumawa siya.
"Hahaha alam mo Hifone kung wala lang akong ibang mahal baka ikaw ang mahalin ko."
Ako naman ang nasamid sa sinabi niya kaya agad n'yang binigay ang tubig sa basong hawak nya kung saan uminom siya. Omg! Ito ba ang indirect kiss?.
"Biro lang naman Hifone haha."
"Pwede ring totoo," pahabol niya.
"Hahaha sige totoo na lang," sagot ko sa kan'ya.
Sarap isiping pwede s'yang magkagusto sa'kin kung wala lang yong mahal niya.
Nagkwentuhan pa kami hanggang matapos kaming kumain.
Napatingin siya sa watch niya bago lumingon sa'kin.
"Tapos na pala ang lunch break kita na lang tayo mamaya ihahatid kita," sabi niya.
"Tinataboy mo ba ako?"
"Matapos ang lahat itataboy mo ako?" tumayo na ako pero nakatingin parin ako sa kanya.
"Kung yayakapin mo ako at sasabihin mong biro lang ang lahat papatawarin kita,
Pero kung hahayaan mo akong makalabas ng pinto ibig sabihin tapos na tayo" tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.
"Hahaha baliw ka Hifone," tumatawang sigaw niya sa'kin.
"Hahaha baliw sayo! See yah later babes Lenon!"
Natatawa akong lumabas ng opisina kahit biruan lang ang lahat kahit magkaibigan lang kami masaya na ako, masaya na akong nakakalapit sa taong mahal na mahal ko.