Chapter 9

481 Words
Siguro nga ay tama ang kasabihan na kung kailan ka masaya doon dadating ang problema. Isang umaga papasok na ako sa trabaho ng bumungad sakin ang mukha ng shokoy na girlfriend ni Lenon. "Hi!" Nahiya naman ako sa ganda niya at take note branded ang mga damit niya pero kahit na mas dyosa parin ako. "Hello." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa grabe sarap niya sabunutan. "I'll go straight to the point leave my boyfriend alone!" may diin na sabi niya. "Bakit naman po?" "Dahil malandi ka!" "Bakit threatened ka ba?" Bigla s'yang humagalpak ng tawa. Baliw yata ang isang to. "Sa itsura mong yan matethreatened ako? Nagpapatawa ka ba Hifone?" Sinamaan ko siya ng tingin nilait pa kasi talaga ako. "Yon naman pala e ano pang ginagawa mo dito?" Sumeryoso ang itsura at tumingin sa mga mata ko. "Hindi ko gusto ang pagkakaibigan niyo isipin mo nga mayaman siya hampas lupa ka. Kahit friendship hindi bagay sa inyo wake up b***h!" Matapos n'yang sabihin yon ay umalis na sya. So talagang ganito ang mundo pag mahirap ka bawal ka makipagkaibigan sa mayaman? At higit sa lahat bawal ka magmahal ng mayaman. Nakatitig lang ako sa sahig habang naglilinis iniisip ko parin ang bruhang girlfriend ni Lenon my loves honey buko pie. Sa mundo talaga hindi nawawala ang mga kontrabida. Nagsisimula na ang love story namin pero ayon ang higad umi-eksena pa! "Hoy pangit anong drama mo?" tanong ni Jenna. Ito namang babae na 'to aga-aga pinapamukha na agad sa'kin na pangit ako, sarap sampalin e. "Wala ka na don! Hmmp!" Nilayasan ko ang epal na si jenna wala ako sa mood makipag asaran sa kanya ngayon. Buong maghapon akong malungkot at ang mas malungkot pa hindi manlang ako naalala ng honey myloves ko. Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Charrring lang. Di naman niya ako kailangan ipagpalit e dahil wala namang kami. Kinabukasan maaga akong gumising kahit wala naman akong pasok dahil day off ko. Chineck ko agad ang cellphone ko at ayon wala namang nagtext. Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya naman patakbo akong pumunta sa pintuan. I'm sure si honey myloves to namiss nya ako yiiee. "Honeeey!!" sigaw ko habang binubuksan ang pinto. "Honey? Tsee! Di tayo talo!" sagot sakin ni Junior. Nadisappoint ako sa pagmumukha ni Junior akala ko pa naman si Myloves na. Pero nakakagulat itsura nya Halloween na ba? Bakit mukha syang zombie na ewan. "Anyare sayo Halloween na ba?" "Gaga ka talaga nabugbog ako ni tatay!"naiiyak n'yang sagot. "Ayy ganon okay lang yan friend parang wala namang nagbago sa mukha mo haha," biro ko. "Wow nagsalita ang maganda!" Nagkwentuhan lang kami maghapon ni Junior. Kung paano siya binugbog ng tatay niya ewan ko ba sa kanya pwede naman nyang iwan ang tatay nya nagtitiis padin. Ganon siguro pag nagmamahal no? Handa kang masaktan ng paulit ulit para sa taong mahal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD