Chapter 10

749 Words
Nagulat ako ng may isang napakagandang babae na lumitaw sa harapan ko. Nagliliwanag ang buo nya katawan para s'yang isang diwata. Oh my gulay! "Hifone" tinawag niya ang pangalan ko. "Po?" nakatulalang sagot ko sa kanya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Binuka niya ang bibig niya upang magsalita pero inunahan ko na siya. "Alam kong pangit ako kaya wag mo ng subukang laitin ako dahil kahit maganda ka sasapakin kita!" banta ko sa kanya. Ngumiti siya at agad na umiling. Kainis ang ganda niya ngumiti. "Wala akong balak laitin ka dahil andito ako para tulungan ka." "Naku di ko po kailangan ng tulong," sagot ko sa kan'ya. "Nais mo bang gumanda?" tanong niya. "Aba oo naman!" mabilis na sagot ko. Sino ba namang ayaw gumanda diba kahit naman sexy na ako gusto ko paring gumanda. Itinaas niya ang kamay niya at may liwanag na lumabas doon na agad nyang tinapat sa akin. "Ahhhhhhhh!" Napasigaw na lang ako sa sakit at init na nararamdaman ko dahil sa liwanag na tumatama sa'kin galing sa diwata. Lumipas pa ang ilang sandali at nawala na ang sakit kaya agad akong nagmulat at nagulat ako ng may malaki ng salamin sa harapan ko at nakita ko dun ang isa pang napakagandang babae. Napakaputi nito, sexy matangos ang ilong singkit na mga mata at napakakinis na mukha. "Sino siya?" tanong ko habang tinuro ang nasa salamin ngunit gumalaw din ito at tumuro. Teka ako ba yon? Oh my gulay! repleksyon ko ba iyon? Kinembot ko ang bewang ko at kumembot din ang nasa salamin. Ako talaga. "Haha ikaw nga iyan maganda kana Hifone wala ng manlalait sayo" natatawang sambit ng diwata. Nagtatalon ako sa tuwa dahil sa wakas maganda na ako at mapapansin na ako ng honey myloves buko pie ko. Habang nagsasaya ako ay bigla kong napansin na nag iba ang itsura ng diwata bigla itong nagkasungay at nagkapangil nabalot na ito ng itim na liwanag. "Teka anong nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong ko. "Bwahahahaha akala mo ba gaganda ka pa? It's a prank!" pagkasambit niya non ay biglang bumalik sa dati ang itsura ko. "Noooooo!!" sigaw ko. Bigla niya akong tinulak at parang nahulog ako sa napakalalim na kawalan hanggang sa- "Aray!" daing ko ng mahulog ako sa papag. Bwesit binangungot ako. Humihikab pa akong bumaba ng jeep at wala pa sa sarili. Nasa kabilang kalsada ako tapat ng kompanya ni Lenon myloves malapit na akong malate kaya naman magmamadali na sa akong tumawid ng makita ko ang isang babae na tila lasing at hindi niya pansin ang mabilis na sasakyang paparating. Hinigit ko agad sya sa gilid. "Ayos ka lang?" tanong ko sa kan'ya. "hihihi oo bakit ang pangit mo?" balik na tanong niya sa'kin. Bastos na babae siya na nga ang tinulungan nilait pa ako! Pasalamat siya nagmamadali ako kaya di ko na siya pinansin at tumawid na lang ako at pumasok na sa kompanya ng mahal ko. "Good morning Hifone," bati sakin ni Jenna ng makita niya ako. "Walang good sa morning tsee!" pagtataray ko sa kanya. "Ay wow attitude ang ate mo, ganda ka girl?" "Hindi pero sexy ako haha" Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa niligtas ko at ayon ang gaga tinawanan ba naman ako at baka nga daw mas natakot pa sa itsura ko yong babae kesa sa mabangga ng sasakyan. Minsan di ko alam kung kaibigan ko ba talaga yang si Jenna o kontrabida lang sa buhay ko. Natapos ang maghapon at ang trabaho ko pero hindi ko nakita ang pinakamamahal ko, nalungkot lang ako lalo di pa nga ako nakakamoveon sa panaginip ko e tapos di ko pa nakita ang inspirasyon ko saklap ng life! Pauwi na ako ng makita ko sa labas ng kompanya yong babaing niligtas ko at mukhang may iniintay ito. Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan nya ang braso ko. "Hey" "O bakit lalaitin mo na naman ako?" sumbat ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. "I'm sorry di ko sinasadya na laitin ka kanina and thank you for saving my life." nakangiting sabi niya. "Welcome," tipid na sagot ko kunwari masungit ako. "Come with me libre kita ng dinner, " aya niya sa'kin. "No thanks di ako sumasama sa strangers." "Haha okay I'm Athena and you are?" pakilala niya at nilahad ang kamay. "Hifone" sagot ko at tinanggap ang kamay niya. "O ayan di na ako stranger ha magkakilala na tayo Hifone so let's go!" "Okay," sagot ko at sumama na sa kanya. Marupok this girl!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD