''So bakit nga ang pangit mo?" tanong sa' kin ni Athena.
Bwesit na babae to kung 'di lang niya libre tong kinakain ko baka nasampal ko na 'to.
" Pinaglihi daw kasi ako sa tikbalang" sagot ko sa kanya na kinalaki naman ng mata niya at mukhang naniwala nga ang gaga.
"Really tunay ba yon?"
"Oo gusto mo bang makakita?" tanong ko sa kanya at mukha namang natakot ang loka.
"No, hindi na anyway sa Santiago kaba nagtatrabaho?"
"Oo bakit gusto mo ba mag-apply?"
Nagulat ako ng bigla s'yang natawa baliw na yata ang isang to sayang ang ganda a loka loka naman.
"No Hifone ayokong magtrabaho under my cousin Lenon," sagot niya sa'kin na nakapagpahimatay sa'kin joke.
"WHAT?" napasigaw na tanong ko English pa yon ha kunyari sosyal na nagulat ang lola niyo.
"Yup" cool na sagot nya sa'kin.
"Sandali Athena ano ba yong cousin?" nagtatakang tanong ko sa kanya di ko kasi alam yon kunyari lang akong nagulat kanina galing ko talagang umarte.
"Hahaha you're so funny talaga pinsan yon girl sa tagalog, " sagot niya sa'kin.
OH MY GULAY buti nalang pala niligtas ko 'tong babae na ito kahit gaga future pinsan ko naman pala 'to.
"Ah haha pinsan pala yon kung ganon ako nga pala ang future pinsan mo Athena."
Mas lalo lang niya akong pinagtawanan. Isang oras pa kaming naglokohan este nagkwentuhan bago namin napagpasyahng umuwi na.
Pagkarating ko sa bahay ay inabutan ko sa labas ang sasakyan ni my labs ko at mukhang kanina pa ito naghihintay. Nakasandal siya sa sasakyan nya habang nakayuko.
"I'm home babe," biro ko ng lapitan ko siya.
Agad s'yang nagtaas ng tingin at napansin kong malungkot ang mga mata niya.
"Hifone," tawag niya sa pangalan ko bakas na bakas sa tinig niya ang lungkot.
"Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Pangit ba ako?"
Halos himatayin ako sa tanong niya akala ko ay nagbibiro lang siya pero base sa malungkot n'yang mga mata ay seryoso siya.
Pinapasok ko sya sa loob ng bahay at pinagtimpla ng juice este kinuha lang pala ng tubig wala nga pala akong juice.
" Seryoso anong problema?"
Tumitig siya sa kawalan bago nakatulalang sumagot.
"Wala na kami, Rhea broke up with me."
Yessss!! Nagdiwang ako sa loob ko dahil tila may pag-asa na ako sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ramdam ko ang pag galaw ng balikat niya alam kong umiyak siya kaya lahat ng tuwa ko ay tila naglaho na parang bula dahil sa awa ko sa kanya.
Lumabas ako saglit at binilhan ko siya ng red horse para naman mawala kahit panandalian lang ang sakit na nararamdaman niya.
"Bakit Ganon? Mas gwapo naman ako don bakit niya ako pinagpalit sa lalaki na yon sabihin mo nga sakin Hifone ano bang kulang sa'kin?"
Pang sampung beses na yata niya yang tinanong sa'kin pero wala akong balak magsawang pakinggan siya at samahan sa pagdadalamhati niya. Siguro nga pag mahal mo ang isang tao handa kang damayan ito sa sakit na nararamdaman niya dulot ng ibang tao. Ang hirap kasi sa ka nila may nagmamahal naman sa kanila natingin pa kasi sa iba.
"Walang kulang sa'yo sayang hindi lang siya kontento," tanging nasagot ko na lang.
Kinabukasan ay nagising ako na nakatitig siya sa'kin habang nanlalaki ang mga mata dahil sa mag katabi kami sa papag ko.
"Hifone anong nangyari bakit ako nandito?" nagtatakaang tanong niya sa'kin.
Humikbi ako at kunwaring umiiyak
"Hindi mo ba maalala? pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko kagabi!"
"Ano?" gulat na gulat na tanong niya
"Hindi ko akalaing magagawa mo yon sakin akala kopa naman may respeto ka sakin kahit pangit ako huhuhu"
"Teka Hifone di ko alam ang nangyari pero kung ganoon naman ay handa kita ng panagutan."
Di ko napigilan na matawa dahil sa seryoso n'yang mukha talaga bang iniisip niya na may mangyayari samin e sa pangit kong ito e kahit r****t e ayaw akong patulan.
"Hahaha joke lang ano ka ba kahit lasing ka alam ko namang di mo ako papatulan."
"Bakit hindi?"
Nagulat ako sa sinabi niya at agad napatulala. OH MY GULAY so ibig sabihin may pag asa ako sayang dapat pala pinagsamantalahan ko na siya kagabi.
Hinatid niya muna ako sa kompanya bago siya umuwi sa kanila maliligo daw muna sya at magbibihis sabi ko nga kahit wag na hot parin naman siya. Rawr!
"Girl! Good morning," masayang bati ko Kay Jenna.
"Oh bakit parang ang saya mo naman?" masungit na tanong niya sa'kin.
"Break na sila and guess what nag lilive in na kami kyaaahh!!" masaya ng pagbabalita ko sa kanya pero sinapak niya lang ako.
"ilusyunada!"
"Ouch sakit ha grabe ka talaga sa'kin naiinggit ka lang siguro sa lovelife ko!"
Biglang lumungkot ang mukha niya at iniwan ako. Teka bakit parang lahat na lang broken hearted? Ako lang ba masaya? Hay naku mamaya nga kakausapin ko si Junior tatanungin ko baka broken hearted din ang bakla na yon.