Chapter 12

676 Words
"Hoy bakla kamusta ka na broken hearted kaba?" tanong ko agad kay bakla ng dumalaw ito sa apartment ko. "Ha? Anong si nasabi mong kabayo ka?" "Grabe ha ako na nga ang concern sa'yo nilalait mo pa ako!" "Lakas naman kasi ng tama mo at tinatanong mo ako nang ganyan." Hay naku sa dami ba naman kasi ng mga wasak ang puso ay napapraning na ako. Sayang hindi broken ang bakla akala ko pa naman ay makakalibre ako ng red horse sa kanya kuwari dinadamayan ko sya! "Oo nga pala Hifone umeextra ako sa parlor ni Letty at dahil d'yan pwede ba kita ng pagpraktisan paggugupit?" Aba ang walang hiya ako pa ang pagpapraktisan. "Hoy pangit na nga ako bakla papapangitin mo pa ako lalo!" "Grabe kang kabayo ka wala ka bang tiwala sa'kin." "Wala talaga!" "Hoy ang sakit mo magsalita ha parang di tayo mag kaibigan!" "Wow coming from you bakla e grabe ka nga kung tawagin akong kabayo e!" "Haha sige naman na Hifone pumayag ka na wala naman na mawawala sa'yo e." Agad ko s'yang sinapak aba sobra ng mang lait ang bakla na 'to masakit na! Sa huli pumayag na din ako na gupitan niya ako. Kinausap ko muna ang buhok ko bago ko sila tuluyang ipaubaya kay Junior. Patawarin nyo ako aking buhok kung kailangan niyo itong sapitin sa mga kamay ng bakla kong kaibigan nawa'y wag kayong magtampo. "Hoy Hipon anong drama mo d'yan lumapit kana dito," tawag sa'kin ng baklang si Junior. "Saglit lang kinausap ko pa ang kawawa kong buhok!" Lumapit na ako kay Junior at sinimulan na niya ang walang awang pagputol sa walang kalaban-laban kong buhok. Naluluha kong pinagmamasdan ang mga buhok ko na nahuhulog sa sahig. "Aray!" daing ko ng sapakin ako ni bakla. "Drama mong pangit ka! Tapos na tumayo kana dyan!" Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Maiksi na hanggang balikat na lang ang buhok ko at ni lagyan din ako ni bakla ng bangs na hindi pantay yong patagilid. "Harap ka nga." "Hmm okay naman ang gupit ko ang ganda." "Talikod ka," Agad naman akong tumalikod. Tuwang Tuwang pumalakpak si Junior. "Ang ganda ganda mo Hifone wag ka ng haharap ha! Hahaha" "Bwesit ka ikaw na nga itong pinagbigyan kong lapastanganin ang buhok ko lalaitin mo pa ako!" sigaw ko sa kan'ya habang hinahabol siya at tumatawa lang s'yang tumatakbo palayo. Maaga akong pumasok sa trabaho ngayon dahil maganda ang gising ko at dahil maganda ang gising ko, nag toothbrush ako kaya naman nawala na ang mga nagsangat sa aking ngipin. Nanghihinayang ako dahil sa tipid na ako sa candy kapag may nakasangat sa ngipin ko dahil nalalasahan ko pa yon. Nagpolbo din ako para naman mawala ang pagka oily ng face ko at syempre nagpabango din ako para amuyin ako ng honey myloves ko. "Good morning Jenna," bati ko kay Jenna ng makita ko siya. Todo ngiti pa ako para ipakita ang kumikinang na ngipin ko. "Ayy ang gaga nagtoothbrush!" "Syempre para fresh breath 'diba?" Lumapit siya sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa at di pa siya nakuntento umikot pa siya at tinignan ang likod ko. "In fairness Hifone ha ang ganda mo pag nakatalikod, " seryoso ng sabi niya. Hmmp. Kainis kailan kaya nila ako makikitang maganda sa harap lagi nalang sa likod. Nagsimula na akong maglinis kahit pa di pa naman oras ng trabaho. Hmm~ hmmm~ Kumakanta pa ako habang naglilinis ng may dumaan sa harapan ko. "Excuse me." Gumilid naman ako at ng lingunin ko ito ay sumalubong sakin ang nakangiting si Athena. "Hi Hifone!" nakangiting bati niya. "Hello future pinsan!" masiglang bati ko sa kanya na kumakaway pa. "Future what?" Nagulat ako ng kasunod na pala niya si Lenon myloves. "Ahh wala po yon hihi" sagot ko. Hindi niya na lang ako pinansin at nag lakad na mukhang malungkot parin siya hanggang ngayon. Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay lumingon ulit siya sa'kin. "Nice look Hifone you look fresh." Sabi niya bago tuluyang umalis. Waaaahhhh. Muntik na akong tumili dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD