Maghapon akong nag trabaho na nakangiti dahil sa honey myloves ko.
Nang dumating ang hapon ay agad na akong lumabas para umuwi. Inabutan ko sa labas ng kompanya si Athena.
"Hey Hifone uuwi kana ba?" tanong niya
"Halata ba?"
Hinampas naman niya ako sa braso bago tumawa.
"Hahaha sabay kana sa'kin."
"Hala hindi na hihiintayin ko pa asawa ko," tanggi ko sa kanya.
"Oh my! May asawa kana pala."
"Oo naman pinsan hihi"
Nanlaki naman ang mata niya at agad na na gets ang ibig kong sabihin.
"Hahaha baliw ka talaga, wala na si kuya Lenon kanina pa siya umalis."
Ako naman ang Nanlaki ang mata at kunwari ay nasasaktang humawak sa dibdib ko.
"Papano niya nagawa sa'kin 'to bakit iniwan niya ako," kunwaring umiyak na sambit ko.
Hinampas na naman niya ako sa balikat. Aba nakakarami na to ah kung di lang ito pinsan ni Lenon honey ko sinapak ko na 'tong babae na ito.
"Baliw ka talaga Hifone malungkot lang yon si kuya Lenon kaya maaga umuwi, samahan mo na lang ako magmeryenda tapos hatid na kita pauwi."
Wala na akong nagawa kundi pumayag sa kanya dahil wala naman na pala ang asawa ko nakauwi na, ichachat ko na lang siya mamaya pagkauwi ko ayy! Oo nga pala di pa kami friends sa f*******: iaadd ko pa mamaya aba dapat i-accept niya ako kundi magagamit ako sa kanya.
Matapos ko syang samahan magmeryenda ay hinatid niya na ako sa bahay. Buti na lang at libre niya.
"See you tomorrow Hips," paalam niya sa'kin.
Kumaway naman ako sa kanya at ngumiti lang siya bago tuluyang umalis sakay ng sasakyan niya.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad kong kinuha ang cellphone ko at sinearch ko agad sa f*******: ang pangalan ng honey myloves ko.
'Lenon Grey Santiago'
Agad ko namang nakita nga f*******: niya at agad s'yang inadd. Isang oras na siguro akong nakatitig sa cellphone ay di parin niya ako inaaccept. Nakakainis siya ha baka nangangabit na yon, ayy oo nga pala hiwalay na sila ng kabit niya.
Ibaba ko na sana ang cellphone at magluluto na ng hapunan ko ng makareceive ako ng notification at message. Notification na inaaccept niya ang friend request ko at message galing sa kanya!
Waaaahhhh kilig is real.
"Good evening Hifone."
Message ng asawa ko nanakapagpakilig sa'kin nang sobra.
"Good evening din mahal" reply ko sa kanya.
Haha ang landi ko pero ano bang magagawa ko di ko mapigilan pagdating sa kanya, dati pangarap ko lang na pansinin niya ako ngayon ka chat ko na sa susunod nasa hotel na kami at nagjujugjugan. Ayy! Napaka wild ng imagination ko hihi.
"Haha kumain kana mahal?" tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan ang chat nya. Is it real? Mas real pa sa dalandan?
"Di pa mahal ikaw ba?" maharot na reply ko.
"Di parin, want me to go there? I'll bring food."
"Oo agad mahal wait kita." walang pakipot na sagot ko sa kanya.
Di na s'ya sumagot dahil pupunta siya dito, Lord mukhang naging mabuti naman akong tao nung nakaraag buhay ko dahil ang bait bait niyo sa'kin.
Agad akong nagtungo sa banyo para magtoothbrush at maghugas ng peks para syempre fresh! Hihi.
Nang may kumatok sa pinto ay agad agad akong tumakbo para buksan ito.
"Mahal" masiglang bungad ko sa kanya pero natawa lang siya.
Pinapasok ko na siya sa buhay ko este sa bahay pala at inihain ang dala nyang pagkain, yes Libre na naman.
"Sarap mo siguro ng maging girlfriend" nakangiti n'yang sambit.
"Gusto mo itry?" tanong ko sa kanya.
"Haha the next time I'll open my heart I'm sure it's for you."
Kinikilig ko naman syang hinampas kahit di ko naman masyadong naiintindihan basta kinilig lang ako sa it's you n'yang sinabi.
Matapos naming kumain ay nag kwentuhan kami at kahit tumatawa siya ay kitang kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya.
Natigil lang kami ng tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang mensahe at nagmamadaling umalis.
"Rhea needs me." ang huli ng sinabi niya maiksi ngunit labis labis na sakit ang dulot nun sa puso ko.