Muntik na akong malate sa trabaho dahil sa kadramahan ko kagabi.
"Hipon bakit parang late ka ngayon?" bungad sa'kin ni Jenna.
"Broken ako wag kang magulo!"
"Ayy taray!"
Maghapon akong malungkot lalo na dahil hindi pumasok si Sir Lenon si Athena lang ang dumating para gawin ang trabaho niya.
"Hips let's go hatid kita," aya niya.
Malungkot akong sumakay sa kotse niya.
"Why so sad Hips? Do you miss kuya Lenon that bad?" tanong niya sa'kin.
"Di naman na realize ko lang na wala talaga akong pag asa sa pinsan mo no?"
"I don't think so, kasi 'diba mabait siya sa'yo and out of thousand employees he have sayo lang siya mabait and I heard pumupunta pa siya sa bahay mo."
"Oo pero kasi diba mahirap lang ako, taas naman kasi ng pangarap ko yong boss ko pa."
"When it comes to love walang mahirap walang mayaman at walang pangit at maganda it's all about what we feel inside Hips so don't you ever lose hope okay," nakangiti n'yang sabi.
Tumango na lang ako kay Athena nakakatuwa ng kahit mayaman siya ay mabait parin siya sa'kin at okay lang sa kanya na may gusto ako sa pinsan niya.
Matapos niya akong ihatid ay umuwi narin siya agad pero matapos ang ilang minuto ay may kumatok na sa pintuan ko.
Siguro ay bumalik si Athena
"Athena bakit ka-
" Hifone" lumuluhang sambit ni Lenon sa pangalan ko.
Nanghihina kong pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mata niya at agad syang niyakap ng mahigpit.
Ang rupok ko sobra!
"Bakit mahal, bakit ka umiyak?" masuyong tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mata niya.
"Hindi na naman ako ang pinili niya."
"Ako lagi kitang pipiliin."
"Sana pwede rin kitang piliin Hifone."
Nginitian ko lang siya at niyakap muli. Hinayaan ko syang umiyak ng umiyak sa balikat ko kahit puno na ng sipon ang damit ko.
Dahil siguro sa pagod kakaiyak ay nakatulog na siya. Inihiga ko nalang muna siya sa higaan ko at hinalikan sa noo bago ako lumabas ng bahay.
Sumakay ako ng jeep papunta sa bahay ni Rhea. Nang makarating ako ay agad agad akong nag doorbell at kung swerte nga naman siya pa mismo ang nag bukas.
Wala akong inaksayang panahon at agad syang sinampal. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.
"How dare you!" bulyaw niya sa'kin
"Wag na wag kana ulit lalapit pa kay Lenon" sigaw ko sa kanya.
"Huh! Sayo pa talagang pangit ka nanggaling yan? ang kapal mo naman mahal niya ako at wala kang magagawa."
Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip kung bakit ako sumugod dito e wala nga pala akong karapatan.
"Ano nagising ka sa katotohanan? Wake up Hipon kahit wala na kami never ka nyang magugustuhan look at your face ugh! You're so ugly" nandidiring sambit niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Hifone kasi!" inis na sabi ko sa kanya.
Sinamaan niya lang ako ng tingin bago pumasok sa loob ng bahay at ako naman ay naiwang tulala sa labas.
Siya yong sinampal ko bakit parang ako yong nasampal ng katotohanan.
Maglalakad na sana ako paalis ng may lumabas na sasakyan sa katapat na bahay at wait kilala ko yon ah.
Tumigil ito sa harapan ko at lumabas doon si Athena.
"Hips what are you doing here?" tanong niya sa'kin.
"Ahh may sinampal lang ikaw anong ginagawa mo dito?"
Tinuro niya ang bahay na pinanggalingang niya, "I came to see Kuya Lenon kaso wala pala siya."
Magkapitbahay pala sila Lenon at Rhea papano naman nga nya makakalimutan ang bruha na yon.
"Nasa bahay siya."
Nanlaki ang mata niya at agad na sinundot ang tagiliran ko.
"Yiiiee hatid na kita para makausap ko si kuya."
Pumayag ako kasi syempre para libre narin ang pamasahe ko.
"Sinong sinampal mo Hips?" tanong ni Athena.
"Sino pa ba edi ang kabit ng asawa ko."
Hinampas naman ako sa balikat ni Athena bago tumawa.
"Very good ka dyan Hips nakakainis naman kasi si Kuya Lenon sa dami rami naman ng babae sa mundo bakit yong Rhea pa na yon eh sobrang landi naman."
"Ilakad mo kasi ako kay Lenon my loves ko."
"Hahaha kahit itakbo pa kita."
Nang makarating kami sa bahay ay pinapasok ko din si Athena para makausap niya si Lenon pero nakita namin itong mahimbing ang tulog.
"Ayy Hips siguro bukas ko na lang kausapin si kuya ayoko namang gisingin pa siya kawawa naman."
Tumango lang ako at sinamahan siya sa labas ng bahay dahil uuwi na daw siya. Ang nangyari pala ay hinatid niya lang ako. Tumunog ang cellphone niya at sinagot niya ito.
"Hello tita bakit po?"
"Po? pwede po bang bukas na lang? - - sige po."
Matapos n'yang patayin ang tawag ay lumingon siya sakin ng malungkot.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala pa baka magkameron pa lang."
"Huh?"
"Si tita kasi yon mommy ni Kuya Lenon, pasabi na lang bukas kay kuya pag gising niya gusto s'yang makausap ni tita okay?"
Tumango naman ako at kumaway sa kanya pag-alis niya. Hmm ano naman kayang magiging problema sa mommy ng mahal ko?.