Mayann Hindi maalis sa isipan ko ang malungkot na mukha ni Maria nang ipakilala ako ni Hunter sa kaniya bilang asawa nito. Pero nang tingnan ko siya ulit ay kakaibang tao na ang aking nakikita. Para siyang. . .para bang gusto akong kainin ng buhay! Nangilabot ako at kaagad nagbaba ng tingin kanina. She was different after that Hunter's confession. Nang magpaalam siya kay Hunter na aalis na ay kakaiba na rin ang tunog ng kaniyang boses. Basta ibang iba siya sa Maria na nakilala ko noon. Inahon ko ang sarili sa bathtub at malalim na bumuntonghininga. Pinipilit kong kalimutan ang mukha ni Maria pero hindi siya maalis sa aking isipan. "Baby are you done?" Napaigtad ako nang malakas na kumatok sa pinto ng banyo si Hunter. I drained the water before I answered him. "Sandali. Magbaba

