Mayann Akala ko ay mahihirapan akong pakisamahan si Hunter at manirahan sa tahimik na lugar na ito. Pero sa araw araw na magkasama kami ay unti unti kong nararamdaman kung gaano ko na pala kagustong manirahan rito na kasama siya. Ano bang nangyayari sa akin? Parang hindi ko na maintindihan ang sarili ko at naguguluhan ako sa mga nangyayari. Napapansin ko araw araw na lumalaki na rin ang tiyan ko. Masaya ako. Tanggap ko ng may isang buhay sa loob ng tiyan ko at hindi na ako makapaghintay na mailabas ko ito. Gano'n rin si Hunter. Sa tuwing gabi ay nararamdaman ko siyang hinahaplos ang tiyan ko at binubulungan. Kaya kahit hindi niya nakikita ay napapangiti ako. He will be a good father. Sa pinapakita palang niya sa akin ay nararamdaman ko ng magiging mabuti siyang ama. He work hard for

