Mayann Nagising akong may kumakatok sa pinto. Agad akong napadilat nang marinig ang boses ni Luna. Napabalikwas ako ng bangon sabay check sa sarali ko. Napahinga ako ng maluwang nang makitang suot ko ang puting t-shirt ni Hunter. Tiningnan ko ang sahig. Malinis at wala na roon ang mga damit kong hinagis kagabi. Inayos ko ang sarili. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri. "Mama! Mama! Mama!" She did not stop banging the door. Napangiti ako. "Come in, baby!" Agad iyon bumukas. Tumakbo si Luna papasok at umakyat sa kama. Nahihiyang sumilip si ate Helda. "Pasensya na po kayo ma'am. Kanina pa ako kinukulit. Gusto niyang gisingin kayo." Ngumiti ako kay ate Helda. "Okay lang po iyon ate. Salamat." Iniwan niya kaming mag-ina. Pumaloob rin si Luna sa kunot at humiga. Nagpaalam akon

