Mayann "Mayann stop it. Lasing kana." Mainahon niyang salita sa akin. Kinukulit ko siya kahit nagmamaneho. Lasing na ako pero okay pa naman ako. Matatandaan ko pa bukas ang mga sinasabi ngayon. "Hi-hindi nga ako lasing Hunter...ikaw ang la-lasing. Sabihin mo nga sa akin, anong dahilan mo at sinundo mo ako sa party?" I giggled. Umiling siya. "Wala akong dahilan. Manahimik ka na nga diyan." Humawak ako sa braso niya at hinila iyon. Lumiko ang sasakyan. Malakas akong tumawa. "Please behave. Baka madisgrasya tayo." Pinilig ko ang ulo. Lasing nga ako. Hindi pumasok sa isip ko na puwede kaming maaksidente. Binitiwan ko ang kamay niya at sinandal ang ulo ko. Nanahimik ako hanggang sa makarating kami sa aking apartment. "Nasaan ang susi?" Nakasandal na ako sa dibdib niya. Hawak niya

