Mayann Hinarap namin ni Hunter ang media kinabukasan na magkasama. Nagpa-set ako ng press com para i-clarify ang mga issues tungkol sa akin. Ang tungkol sa amin ni Alejandro na hindi ko pa nalalaman kung sino ang nasa likod nito. Buo na rin ang pasya ko na magpapasa na ako ng resignation papers sa industrya. Gusto ko ng matahimik ang buhay ko at tuluyan iwanan ang showbiz. Alam kong maraming maaapektuhan sa pag-alis ko pero nakapagdisisyon na ako. Walang ibang mahalaga sa buhay ko ngayon kun'di ang pamilya ko. Ang binubuo kong pamilya. Gusto ko pa ng maraming anak. Kaya habang bata pa ako ay hindi ko na palalampasin ang mga pagkakataon. Mahigpit na hawak ni Hunter ang kamay ko habang nagsasalita ako at sinasagot ang bawat tanong sa akin. Wala akong pinalampas na tanong na 'di ko nas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


