James POV "Welcome home, Son." Nakangiting sinalubong ako ng Mama at Papa ko. Hindi na ako nagpasundo sa kanila sa airport kanina dahil si Kuya na lang daw ang susundo sa akin. Niyakap ko silang pareho habang nakangiti. "Thanks, Mom--Dad!" "Magpahinga ka muna anak at maghahanda kami ng hapunan." Mom and Dad let me rest in my old room pero sumunod naman sa akin si Kuya. "Kumusta naman ang buhay mo doon?" Bigla niyang tanong habang inaayos ko ang maleta ko. Alam kong sobra ang pinagdaanan ni Kuya simula nang umalis ako. Hindi niya hinayaan na mawala ang lahat ng nasimulan ko. Ako lang naman ang naduwag at umalis. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sa lahat ng ginagawa ko ay kabangga ko palagi sa business si Andrei Fernandez de Garcia. Isa sa pinaka-mahusay na business man na ma

