Araya Pabaling-baling ako ng higa dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. Masakit sa loob ko mula nang makita ko si James na may kasamang magandang babae. At isa pang bumabalabag sa dibdib ko ay ang babae na 'yon ang kasama niya sa i********: post niya. Bakit ba ako nasasaktan ngayon? Pakiramdam ko ay para akong aping-api. O baka naman 'yon na ang pinalit sa akin? Sa loob ba naman ng dalawang taon imposibleng hindi siya naghanap. Lalaki pa rin siya at may pangangailangan. Iba pa rin sa babae. Iniisip ko tuloy ngayon kong sasama pa ba ako sa parents ko bukas para maki-birthday party sa kanila dahil nga birthday niya o magkuwari na lang na hindi maganda ang pakiramdam ko. Basta bahala na, ayaw ko ng mag-isip, pagod na pagod na ang utak ko at bugbog na rin sa sakit ang aking puso. ***

