Prologue
May sampung minuto na akong naghihintay kay freny dine (dito) sa labas ng main library pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Imposible namang naligaw siya samantalang ako nga itong transferee sa aming dalawa.
Bagot kong tiningnan ang cellphone kong hawak saka muling nag dial sa number niya.
"Answer your phone,freny." Ibinaba ko rin ito kaagad dahil kung talagang sasagutin niya,una ko pa laang (lang) pag tawag ay sinagot na sana niya. Pero heto at pang labing-lima ko ng pag dial ng number niya.
Tiningnan ko ang wrist watch kong suot.
Seven thirty-eight am.
Hindi pa naman ako late sa una kong klase kaya plano ko muna siyang hanapin. Nagtataka rin ako kung bakit wala pa siya sa meeting place namin samantalang ng huli kaming nag usap ay nabanggit niyang nasa student parking na siya.
Hindi talaga bagay sa kanya ang pangalan niyang Kareena. Dapat talaga, AMIA,short for Always Missing In Action.
Nagsimula akong hanapin siya kahit imposible kong malibot ang main campus dahil sa sobrang laki nito. Nakarating ako sa main laboratory at sa music room pero kahit anino ni Kare ay wala. Malamang,kasama niya! Ulaga (Tanga) ka talaga,Jillian! Sita ko sa sarili. Trivia: Alam niyo gang (bang) madalas kong kausapin ang sarili?
May sampung minuto na akong naglalakad pero nowhere to be found pa rin ang drama ni freny. Lagot talaga siya sa akin. Ililibre niya ako ng lunch mamaya!
"Teka,si freny ga 'yon?" Binilisan ko ang lakad ng makita ko ang likod ni freny. Mukhang sa restroom ang deretso niya. "Freny!" Pag tawag ko bago siya makapasok sa rest room. Lumingon siya sa akin saka nanlaki ang mga mata.
"What are you doing here?" Tanong niya saka akmang papasok na ng restroom.
"Hoy, freny, h'wag kang umarte na parang wala kang kasalanan. Itatanong mo pa kung anong..." Napatigil ako sa pag ra-rant sa kanya ng makita ang suot niyang damit. Ang kulay peach niyang damit ay nag kulay tsokolate dahil sa mantsa na nakadikit doon. Maging ang pants niya at puting sapatos ay namantsahin din.
"What happened to you?" Concern kong tanong sa kanya.Tipid na ngiti at bahagyang pag iling lamang ang sagot niya sa akin. "Sinong may gawa niya'n sayo?" Kunot-noong tanong ko. Alam kong napagtripan siya ng kung sino dahil kilala kong maarte siya sa pananamit. Hindi rin siya clumsy kaya hindi niya pwedeng i-dahilan sa akin na dahil lang sa 'katangahan' niya kaya nadumihan ang damit niya.
"Okey lang ako fren..."
"Tell me,who did that to you?" May diin ko nang tanong sa kanya.
"Some stupid students from..."
"Ituro mo!" Hinila ko ang kanang kamay niya.
"Wait freny, h'wag na tayong gumanti."
"Sinasabi mo gang pabayaan na laang natin ang gumawa nito sayo? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo." Inis kong sagot sa kanya ng pigilan niya ako sa paglalakad.Kilala ko siyang matapang.Kung anong tama,iyon ang ipaglalaban niya.Isa iyon sa dahilan kung bakit kami nagkasundo.
"Hindi mo naiintindihan.Mas lalo lang magiging malala ang sitwasyon sa gagawin mo." Pagpigil pa rin niya sa akin. Tumabingi tuloy ang eyeglasses sa mga mata niya.
Sasagot pa sana ako ng may magkagulo na mga estudyante sa di kalayuan. Nakita ko roon ang tatlong babae na nakasalampak sa sementadong sahig.Madumi ang mga suot nilang damit.May mantsa iyon katulad ng mantsa sa damit ni Kare.
Sa harap ng tatlong basang sisiw na babae ay may tatlong taong nakatayo.Isang lalaki,at dalawang babae.Silang tatlo ay naka uniporme na parang sa piloto. Ang pagkakaiba lang ay wala iyong necktie na karaniwang makikita sa uniporme na pang piloto.
Ang lalaki sa kanan ay matangkad at matikas ang tindig.Kung hindi siya naka uniporme na parang sa piloto ay iisipin kong mag do-doktor siya. May kaputian siya at maaliwalas ang mukha.
Ang babaeng nasa kaliwa naman ay tisay. Base iyon kung gaano magningning ang balat niya. Kulang na lamang ay mag kulay type writing siya. Super flawless,bes!Kainggit! Nakapony tail ang buhok niya kaya malayang napapagmasdan ang mukha niya. Mayroon siyang chinitang mga mata. Mukhang may lahi siyang kuripot este Intsik.
Kapansin-pansin ang nasa gitnang babae. May tindig siya na parang sa kawayan. Ang pagkakaiba lang ay mukhang hindi mo siya mapayuyuko.Seksi base kung paano niya dalhin ang uniform na suot. Matangkad siya at mukhang mabango. Marahil dahil sa maputi siya at mukhang gumagamit ng Futta (isang sikat na brand na pampaputi at kinis na ginagamit ng mga celebrities). Naka bun ang buhok niya na kakulay ng tsokolate.Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatunghay siya sa tatlong kawawang estudyante.
"Sila ga?" Tanong ko kay Kare sabay turo sa direksyon ng mga ito.
Nanlaki ang mga mata niya sa itinuro ko kaya nakumpirma kong ang mga ito ang nantrip sa kanya.
"Hey!Please,just calm down." Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko pero agad ko ring inalis ang pagkakakapit niya. "Freny,wait!" Humabol si Kare sa akin dahil patungo na ako sa direksyon ng mga bullies.
"Excuse me!" Pumagitna ako sa kanila kaya nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin.
"Freny,please tumigil ka na!" Patuloy akong hinahatak ni Kare paalis pero nanatili akong nakatayo sa gitna matapos ko siyang bigyan ng nakakamatay na tingin.Ikaw na nga 'tong
ipinagtatanggol! Gusto kong ibulyaw sa kanya pero uunahin ko muna 'tong mga bullies na 'to.
"Anong karapatan niyong manakit ng iba?" Nakapamay-awang akong humarap sa tatlong itlog. Napasinghap ang mga estudyante roon dahil sa sinabi ko. Ang dalawa sa tatlong itlog ay manghang nakatingin sa akin.Samantalang ang babae sa gitna na mukhang lider nila ay nakakunot ang noo.
Pinagmasdan ko ang huli ng wala akong marinig na sagot mula sa kanila.
Sh*t!Sa hindi ko malamang dahilan ay napaurong ako sa paraan ng pag tingin niya sa akin.Siguro dahil nakaka-starstruck ang mga mata niya. Super ganda! Hustisya!
"Freny,hindi mo alam ang ginagawa mo." Para akong nagising sa isang mahabang pagkakahimbing dahil sa bulong ni Kare sa akin at ng tingnan ko siya,mukha siyang natatae na naiihi na ewan.Gusto ko sana siyang pagtawanan pero sabi ko nga,uunahin ko muna ang mga bullies na 'to.
"Ano?Wala gang sasagot sa inyo? Mga pipi ga kayo?" Lakas-loob kong tanong habang paiwas ang tingin sa lider nila.
"Miss, hindi mo ba kami kilala?" Nakangising tanong ng lalaking bully.Good-looking talaga siya at mapapagkamalan mong celebrity. Sobrang tangos ng ilong niya na parang ilong ng loro. Harhar!Kung hindi lang siya bully ay baka nagka crush na ako sa kanya. Sayang!
Muli akong napatingin sa babaeng may misteryoso ngunit nakaka starstruck na mga mata. Bored siyang nakatingin sa akin. I don't know but her eyes stole my words away.
"Cat got your tounge?Sino ngayon sa atin ang pipi?" Nakangising tanong ni Ms.Type writing. Mukha pa naman siyang friendly. Mukha lang pala. To be fair,ang sweet ng boses niya.
"Hindi ko kayo kilala.At wala akong plano na kilalanin kayo." Matapang kong sagot na lalong ikinasinghap ng mga narito.Maging si freny ay parang natuklaw ng ahas sa kinatatayuan niya.
"Palaban!I like it!" Nakangisi pa ring sabi ni Mr.Loro.
Hindi ko siya pinansin at muling nagsalita. "Hindi niyo ga alam na anti-bullying ang school na 'to?O baka naman hindi kayo nag attend ng orientation dahil puro pag gimik ang alam niyo."
"What do you want?" Muli akong napabaling sa nagsalita.Ang lamig ng boses niya katulad kung paano siya tumingin sa akin.Kainis!Nakaka distract ang mga mata niya!
"G-Gusto kong humingi kayo ng tawad sa kanila." Turo ko sa tatlong babaeng nakaupo pa rin sa lapag at parang di makapaniwala sa nangyayari. "At lalo na sa kanya...sa kaibigan ko." Turo ko kay freny na parang tuod pa rin.
Muling nag ingay ang mga estudyanteng narito.May nagbubulungan,may nagtatawanan,may mga masasama ang tingin sa akin.Para bang sinasabi ng mga ito na, 'aabangan ka namin sa labas!'.
"Oh kaibigan mo pala si kutong-lupa." Nakangising sabi ni Mr.Loro habang nakatingin kay freny.Nakatanggap tuloy siya ng irap mula kay Kare.
"I don't wanna waste my time here.Let's go." Bored na sagot ni Ms.Teryoso.
Bago siya tumalikod sa akin ay napansin ko ang dalawang kamay niya na nakasuot sa magkabilang bulsa ng black slacks niya na para gang may ni ru-rub siya mula roon.
"Hoy!Leona!" Sigaw ko sa kanya ng makatalikod siya sa akin.Muling nag ingay ang mga estudyante. Napansin ko naman ang pagpipigil ng tawa ng dalawang kasama niya. Sorry na!Para talaga kasi siyang leon.Mukhang mabangis!
"What did you say?" Humarap siya sa akin pero sa halip na umatras ay hindi ako nagpatalo sa takot.Yes,I am scared of those mysterious eyes,I feel like I might sink and drown and die. Jusko!Ayoko pang mamatay!
"M-Mag sorry ka sa kanila." Lakas-loob kong utos na lalong ikinakunot ng noo niya.Para talaga siyang mabangis na leon na anytime ay lalapain ako.
"Look,mousy..." Walang gana niyang panimula.
"A-Anong sinabi mo?" Taas-kilay kong tanong. Sa dami ng pwedeng ikumpara sa akin,sa daga pa talaga? Bwisit,huh!
"I don't want to repeat it." Sagot pa niya habang tawa naman ng tawa ang mga nakarinig.
"Hindi ako daga!Bwisit ka!" Angil ko sa kanya pero ang hudas hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon.Poker face pa rin siya.
"It does'nt change the fact that you're look like one. Dugyot." Sagot niya matapos akong pasadahan ng tingin.Sa kainisan ko ay hinablot ko ang collar ng suot niya at hinila ito papalapit sa akin.Dahil sa ginawa ko ay nahila rin siya sa direksyon ko.
Ang nagtatawanang mga tao kanina ay biglang tumahimik na parang may dumaang mga anghel.Katulad ng babaeng ito sa harapan ko.Anghel ang itsura,'wag na lang pag uusapan ang ugali.A half goddess,a half hell.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya.Mula sa poker face kanina ay napalitan iyon ng pagkagulat at lumaki ang singkit niyang mga mata. Cute na sana kung hindi lang siya bully!
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa collar ng suot niya kahit medyo nanginginig ang kamay ko. "Akala mo kung sino ka? Napaka asbag (yabang) mo! Mag sorry ka sa kanila!" Bulyaw ko sa kanya na ikinatagis ng bagang niya.Nakita ko kung paano siya magtimpi sa sinabi ko.
Napansin kong hindi pa rin niya inaalis ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa.
"Get your filthy hand off of me." Seryoso niyang utos sa akin pagkatapos makabawi sa pagkabigla.
Naramdaman ko na naman ang panginginig ng katawan ko ng magtama ang mga mata naming dalawa.Napagmasdan ko rin kung gaano siya kaganda sa malapitan. Super kinis ng mukha niya. Maging alikabok ay mahihiyang dumikit dito. May matangos siyang ilong na bumagay sa shape ng mukha niya.May mole siya sa bahagi ng ilong niya na lalong nagpalakas sa charisma niya. Ang kilay niya ay parang ipininta ng magaling na pintor.May mahahaba rin siyang pilik-mata.Kapansin-pansin ang lips niya na korteng cupid's bow. At mukhang natural ang pagka pula nito.But the most attractive features of her face are her eyes.Her eyes were brown, like a flecks of gold danced within the deep swirls of dark chocolate, a mystery hidden inside waiting to be discovered. Joke lang naman kasi 'yung mukha siyang leon.Huhu.
"Let go of me!" Maotoridad niyang utos.Naamoy ko tuloy ang mint breathe niya.Pati na rin ang mabango niyang amoy na parang gusto ng tumira sa ilong ko.Ewan ko ga kung natural niyang amoy iyon o dahil branded ang pabango niya. Pero tama ako, sobrang mabango siya.
"Hey!That's enough!" Seryosong inalis ni Mr.Loro ang kamay ko na nasa kwelyo pa rin pala ni Leona.Hindi ko pala ito naalis dahil sa pagtitig at pag amoy ko sa kanya. Oo na, masarap ang amoy niya!
"Let's go, Ori." Seryosong sabi ni Ms.Type writing.
Hindi pa rin umalis sa kinatatayuan niya si Leona at mariin pa ring nakatitig sa akin.Umurong ako ng konti para dumistansya pero ang ginawa niya ang nagpatindig sa lahat ng balahibo ko sa katawan.
Mabilis niyang nahawakan ang batok ko saka ako hinila papalapit sa kanya. Napatungo pa ako dahil mas matangkad ako sa kanya.
"Don't you ever cross the line again,mousy." Mahina niyang bulong na pansamantalang ikinatigil ng t***k ng puso ko. Nakakakilabot! "Let's go." Maotoridad niyang utos sa dalawa niyang kasama kasabay ng pagtalikod niya sa akin.
Napalunok ako.
Sh*t! I think,I'm in trouble!
A.❤