Camila's POV "Easy ka lang," ani Ernie sabay pigil sa kamay niya sa pagkudkod ng bao. Kulay brown na kasi ang nakakayod niya. Hinihingal na tinigilan niya ang pagkakayod. Nakakapagod pala pero yung hingal niya hindi lang dahil sa pagod at ngawit, hinihingal din siya dahil sa inis. Umalis nga ang talipandas na lalaki, sumama kay Blessilda na m,ukhang japayuki. Samantalang kagabi lang tinatanong siya kung gusto niyang palitan ang apilyido niya. Kung hindi ba naman hunghang. Tatanung-tanungin siya ng ganoon tapos nakakita lang ng bagong mapaglilibangan sumama naman. Sana man lang nagpakita siya ng loyalty niyang letse siya kung talagang seryoso siya sa akin na makipagbalikan. "Akala ko ba ayaw mo ng balikan?" ani Ernie sa tabi niya. Nakangisi ito sa kanya. "Ha?" takang tanong niya rit

