"ATE..." tawag sa kanya ni Popoy. Nilingon niya ang kapatid na naupo sa katapat niyang upuan dito sa lamesa. Tinignan nito ang isang bote ng redhorse, happy mani at kaha ng marlboro. "Makita ka ni Anna. Magsusumbong yun kay Kuya Ernie," ani pa nito. Inirapan niya lang ang kapatid sa ama at binugahan ng usok ng sigarilyo. "Tulog na 'yon." Siniguro niya iyon. Inakyat niya muna ang anak at siniguradong tulog na ito bago siya bumili ng alak. Ayaw rin naman niya na makita siya nitong umiinom at naninigarilyo. Kaso hindi niya lang mapigilan kaya nagpabili siya. Gusto niyang magpakalasing para makatulog siya mamaya kapag nahiga na siya. "Ayos ka lang ba?" Humitit siya at bumuga. "Tagayan mo nga ako," aniya sa kapatid at dinampot ang baso saka iniakma dito. Masunurin naman ang kapatid niya

