MALIIT na nga ang bahay nila mas lalo pang lumiit ng pumasok roon si Percy. Hindi ito pumayag kahit pa halos ipagtulakan niya na ito kanina para umalis. Nagpumulit ito at halos kaladkarin pa siya papunta sa bahay kaya wala na siyang magawa. Nakaupo si Percy na parang isang hari sa maliit na sofa nila. Hindi ito bagay roon. Inilioibot nito ang paningin at bawat panig ng bahay na nasusulyapan nito ay padilim nang padilim ang aura nito. Parang kulang na lang ay silaban nito ang bahay. Naitirik niya na lang ang mga mata. Maayos naman ang tinitirahan nila. Kahit simple lang ang mga kagamitang naroroon. Masinop sa bahay si Ernie. Ito pa nga mismo ang madalas magpatahi ng mga kurtina at sapin sa sofa. Hangga't maaari pinipilit nitong gawing maayos ang buhay nila. Naalala niya oa nga ng lumaba

