Camila's POV Tinanghali siya ng gising kaya pabigla ang pagbangon niya. Una niyang hinanap ay si Ernie. Wala na ito sa tabi niya. Nagtaka siya dahil hindi naman ito nag-aalmusal mag-isa kahit anong late niyang magising ay hinihintay siya nito. Kaya nga pinipilit niyang magising ng maaga para naman hindi ito nalilipasan ng gutom. Nag-inat siya at bumangon. Makulimlim ang langit na natatanaw niya sa labas. Tumayo siya para isara ang bintana dahil umaanggi na. Isasara na lang niya ang bintana ng may matanaw siya sa di kalayuan. Si Ernie. Nakasuot ng grey na t-shirt, maong na pantalon at tsinelas. Bitbit din nito ang Jansport na backpack nito na may sampung taon na ata ang tanda. De pardible na ang hawakan ng zipper no'n dahil bali na. Nakasuot ito ng sumbrelo at nakayuko kaya hindi niya ki

