Chapter 61
Napatingin si Elenor sa kanyang kasama na si Alesa. Sinenyasan niya ito na umalis na. Hinarap niya si Hema na nagpalit na ng anyo. Isa itong babae na kasing edad niya. Mas naramdaman niya na nilalamon na nga ito nang malakas na enerhiyang itiman. Mukhang ginagamit ito at kinokontrol ng kung sino.
“Bakit nandito ka? Bakit ka nagpapanggap na isang tao? Sa ibang katangian? Sabihin mo sa akin ang intensyon mo!” sigaw muli ni Elenor sa mga oras na iyon. Nagtitimpi lang siyang gawan ng masama ang babae.
Nais niya lang malaman kung ano ang dahilan niyo. Ipinagtataka niya ay kung bakit kailangan nitong gamitin ang katawan ng isang tao.
“Saka saan ang nagmamay-ari ng totoong katawan na iyan, Hema?” Dugtong pa niya na siyang dahilan sa pagtawa nito nang malakas.
“Hindi. Wala kang dapat na malaman. Sino ka at bakit mo ako kilala?” sagot naman ni Hema.
Napangisi si Elenor sa mga oras na iyon. Hindi niya sasagutin ang babae. Sino ito para sagutin niya? Wala siyang paki-alam kung hindi man siya nito makilala. “Wala ka na roon. Hindi importante kung kilala mo ako o hindi. Ang mahalaga ay ang matigil a ang kasamaang binabalak mo.”
Gumawa agad ng portal si Elenor. Nakita niya si Alesa sa likuran ni Hema at itinulak ang babae papunta sa portal. Napangisi siya sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi marahil iyon inaasahan ni Hema kaya kitang-kita niya ang gulat sa mga mata nito. Sumunod agad si Elenor sa portal, at natira na lamang si Alesa sa mundo ng mga tao. May kailangan pa itong gawin sa mga magulang ni Sady. At iyon ay kailangan na magawa bago pa dumating ang araw na kailangan niyang lumisan na ng mundong iyon.
Dinala sila ng portal sa isang masukal na gubat. Paniguradong nasa ibang lugar na sila pero nasa mundo pa rin sila ng mga tao.; mabuti na iyon na sa lugra sila na maglaban at waolang madamay na mga inosentent tao kung sakaling magpalabas sila ng kanilang mga kapangyarihan. Kitang-kita ni Elenor kung paano magtaas-baba ang dibdib ni Hema. Mukhang galit na galit nga ito dahil sa kanyang hindi inaasahang ginawa.
“Magbabayad ka sa pagsali sa mga plano ko, babae! Hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!” galit nitong sigaw, habang lumilitaw ang itim na usok mula sa kamay nito na siyang bumubo ng isang espada. Hindi akalain ni Elenor na may ganoong kapangyarihan si Hema. May lahi ba itong isang mahikera? “Halatang nagulat ka, babae? Hindi mo ba inaasahan na kaya kong makabuo ng iba’t ibang sandata gamit ang aking isip at kapangyarihan?”
Napangisi si Elenor. Kung ganoon, kapareho niya pala ang babae. Hindi na siya nagtaka kung bakit siya nga ang pinadala ng Empress para patayin ito. “Nagulat lang ako. pero hindi a akin big deal iyan. Kaya ko rin naman kasi iyan gawin, alam mo na, may lahi rin ako ng pagiging mahikera. Sa totoo nga niyan, kaya kong gawin ang lahat, pwede nga kitang gayahin kung gusto mo, e. pero hindi na, masasayang lang ang oras na patayin kita. Maikli lang kasi ang pasensya ko sa oras.”
Nakita niya ang galit na gumuhit sa mata ni HEma. At natutuwa si Elenor sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung sa tuwing nakikita niya ang galit sa mga mata ng kanyang kalaban ay kakaibang excitement ang nagdadala no’n sa kanyang katawan.
“Kung ganoon, a no ap ang hinihintay mo? Sumugod ka na!” sigaw bigla ni Hema, ramdam ang gigil sa bawat salitang binitiwan nito.
Kumibit-balikat si Elenor. “Ayaw ko, hindi ako ang umaatake ng una. Ayaw ko no’n walang thrill.”
Wala nang hinintay pang oras si Hema at agad itong sumugod papunta sa direksyon ng babaeng kanyang kalaban. Nagagalit siya dahil bigla na lamang ito susulpot saka sisirain ang mga plano niyang gawin sa araw na iyon. Pamilyar ang mukha ng babae, parang nakita na niya ito noon sa mundo ng Verdona pero hindi nga lang niya matandaan ang pangngalan nito. Kung anoman ang intensyon nito laban sa kanya, hindi niya iyon hahayaan na mangyari. Mapapatay niya na muna ito bago siya mapatay.
“Pagsisihan mo ang pagsugod dito at sirain ang mga plano ko, babae! Parang isinugal mo na rin ang sarili mong buhay para sa isang walang kwentang bagay,” nakangisi niyang turan habang walang tigil sa pag-atake ng espada niyang hawak sa direksyon ng babae.
Kailangan niyang madaliin ang kamatayan ng babae. Hindi siya kailangan na pumalpak. Kailangan niyang gawin ang misyon na ibinigay sa kanya, iyon ay manipulahin ang ibang mga tao mula sa kasiyahan at kalungkutan. Kailangan niyang gawing masama nag mga ito at kontrolin para pagdating ng araw ay magagamit niya ang mga ito para talunin nag mga nilalang mula sa mundo ng Verdona at mundo ng Arasor. At sa isang iglap, pipigilan siya ng babaeng ito kung saan unti-unti na niyang naabot ang mga pangarap?
Patuloy naman ang pag-iwas ni Elenor sa mga atake ni Hema. Hindi niya alam na malakas nga pala ang babae, mukhang minaliit niya ito. kailangan na rin niyang sumeryoso, lalo na at kitang-kita niya kung gaano ito kaseryoso. Napahinga siya nang malalim saka lumikha rin ng kanyang espada gamit ang kanyang kapangyarihan. Napatigil ito dahil sa nasaksihan, mukhang hindi nito inaasahan na kaya niya ring gawin ang ginawa nito kanina.
“Gulat na gulat, ah? Hindi ka ba naniwala sa akin kanina nang sinabi ko sa iyo na kaya ko rin gawin ang ginawa mo? Kaya ngayon, humanda ka na dahil lalabanan na kita nang seryoso,” ganti niya kay Hema,
“Heyaaa!” sigaw nito sabay sugod sa kanya. Akma sana siya nitong sasaksakin ng hawak ng espada nang agad niya iyong mapigilan ng kanya ring hawak na espada. Malakas si Hema dahil kaya siya nitong itulak gamit ang hawak na sandata, pero kung gaano na kalakas ang pinapalabas nito ay ganoon din ang pinapalabas niya.
Alam ni Elenor na may kahinaan ang babae. Isang galit. Kapag lamunin ng galit si Hema ay nawawala ito sa katinuan, tulad na lamang kanina. Wala na ito sa plano kung sumugod sa kanya. Kaya iyon ang gagamitin niya para matalo ito, kailangan niya lang umisip ng bagay na mas ikagagalit nito.
Napagusot ang mukha ni Elenor habang pilit na tinutulak si Hema, ginamit niya ang kanyang kanang paa, inipon niya roon ang kanyang lakas at saka niya ito sinipa. Tumilapon si Hema at sumadsad sa mga punong naroroon. Narinig niya ang sigaw nito dahil sa sakit na natamo.
Habol ni Hema ang kanyang sariling hininga nang bumagsak siya sa kupa matapos niyang sumadsad sa tatlong puno. Hindi niya man lang napansin ang pag-atake ng iyon ng babae. Unti-unti siyang tumayo kahit na nanghihina pa nag kanyang katawan, ramdam niya ang bugbog sa kanyang buong buto at maging likuran. Pero hindi iyon ang magiging dahilan para matalo siya. Hindi siya papaya na ang babae na lamang na ito ang makapapatay sa kanya.
Nagpalabas siya ng kanyang itim na kapangyarihan sa dulo ng kanyang hawak na espada. Pinalipad niya iyon papunta sa babae, at mukhang hindi nito iyon nag biglaan niyang pag-atake kaya natamaan ito. napangiti si Hema. Patas na rin silang dalawa. Lumalakad siya papunta sa direksyon ng babae, kita niya nag pagkahandusay nito sa lupa habang umuubo. May mga galos na itong natamo pareho niya. Ngunit kailangan na niyang tapusin ang buhay nito. Akma na sana niya itong sasaksakin ng espada nang maiwasan nito. Pero hindi tumigil si Hema at sunud-sunod ang kanyang pag-atake na iyon pero naiiwasan naman nito.
Ramdam ni Elenor ang pagsabog ng kung ano sa buo niyang katawan. Para siyang binangga sa isang malakas at matibay na bakal dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Hindi niya aakalain na aatake nang ganoon si Hema. At mas lalo siyang naging alerto nang bigla na lamang sana siya nitong sasaksakin. Mabuti na lamang at naiwasan niya agad ang atake nito hanggang sa tuluyan na siyang makatayo.
Hindi niya inaasahan na mahihirapan siya nang ganoon kalabanin si Hema. Masyado nga niya itong minaliit.