Chapter 62
NAPAHAWAK sa kanyang tagiliran si Elenor nang mga oras na iyon. Kanina pa sila naglalaban na dalawa ni Hema, pero parang walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Patuloy na lumalaban si Hema at hindi siya nito hinahayaan na mapatay niya ito. iyon nag unang laban ni Elenor na ikinatagal ng halos ilang oras. Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang labi pero pinunasan lamang niya iyon ng kanyang kamay saka kinuha ang espada na nabitiwan niya kanina dahil sa hindi inaasahang atake na naman ni Hema.
“Isa kang matigas na kalaban, hema. Masyado mo akong pinapahirapan.” Ani niya sabay sugod dito. Ang mga plano ni Elenor ay nawasaik na parang isang bola. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari, hindi niya rin masigurado kung makaliligtas siya sa mga oras na iyon, at hindi niya rin masiguro kung mapapatay niya nga si Hema. Pero hindi siya maaring mamatay, dahil marami pa siyang gagawin. Isa pa baka pagtawanan lamang siya ni Empress dahil sa natalo lamang siya ni Hema.
O kung iyon nga talaga, at pinadala lang iyon sa kanya para tapusin siya. Humigpit ang pagkakahawak ni Elenor sa kanyang espada. Ang empress, inilagay siya sa isang sitwasyon na alam nitong ikamamatay niya. May plano nga talaga siya nitong patayin.
“Pasensya ka na, nbabae. Pero kailangan ko lang din na mabuhay. Kaya tapusin na natin itong dalawa,” pagtatapos ni Hema sa mga oras na iyon.
Walang pinalampas na oras si Hema at agad itong umatakeng muli gamit nag kapangyarihan sa espada nito. Pero agad naman iyong naiiwasan ni Elenor kahit nanghihina na siya sa mga oras na iyon. Nagpakawala siya ng isang iupper side kick dahilan upang matamaan ang kamay ni Hema at nang mabitiwan nito ang hawak na espada. Bubulusok na sana ang babae paibaba sa lupa nang biglang ikulong ni Elenor ito sa loob ng isang bolang bilong na kulay lilac.
Nagpumiglas si Hema sa loob pero wala nang sinayang na pagkakataon pa si Elenor. Kung hindi niya gagamitin iyon, paniguradong magtatagal pa ang labanan nilang dalawa. Bumaba si Elenor saka agad na sinunog ang espada ni Hema. Rinig na rinig niya ang galit na galit na boses nito habang nagagalit ang mga mata na nakatingin sa kanyang direksyon.
“Pasensya ka na, Hema. Masaydo mo kasing pinatagala ng laban. Kinakailangan ko nang madaliin at gamitin ang lahat ng nalalaman ko para matalo ka lang. oo nga pala, hindi ka na makalalabas sa panangga na iyan. Anoman na oras sasabog iyan at makakasama ka roon,” nakangiti niyang turan sabay flying kiss sa babae.
“Hindi! Palabasin mo ako rito! Maawa ka sa akin!” sigaw ni Hema pero lumabas lamang iyon sa kabilang taenga ni Elenor.
Alam niya ang kilos ng isang kalaban. Sa una magpapanggap itong kaawa-awa saka nagsisisi. Pero makaraan ang ilang sandal ay may gagawin na hakbang na pagsisihan ni Elenor, iyon ay ang patayin siya ng kalaban. Kaya mas mabuti na lamang ang mag-ingat siya kaysa ang mamatay nang walang kabuluhan. Bumilang siya ng ilang Segundo hanggang sa marinig niya nag isang malakas na pagsabog kasabay ang iyak at sigaw ni Hema. Kung naisipan niya sana agad ang ganoomng paraan kundi sana ay napadali pa ang lahat at hindi na siya masyadong napuruhan sa pakikipaglaban sa babae.
Napagusot ang kanyang mukha nang maramdaman ang hapdi sa buo niyang katawan. Dumudugo ng kulay lilac ang kanyang mga sugat. Kailangan niyang maka-uwi sa kanyang bahay para makainom siya ng healing potion, kung hindi ay baka doon siya maagahan sa gubat na iyon at baka makita pa siya ng mga tao na magawi sa lugar.
Sa nanghihina nang katawan ni Elenor ay nagawa niya ap ring gumawa ng portal pabalik sa kanyang bahay. Wala roon si Alesa dahil naghahanap pa ito sa mga magulang ni Sady. Sana nga ay mahanap ng babae sa lalong madaling panahon para matapos na niya ang kanyang mga plano. Nakita niya ang dalawang bantay na sumusunod sa kanila na siyang inutusan ni Empress. Mukhang kanina pa siya hinihintay roon sa bahay.
Napa-irap siya sa dalawa. Hindi ba ang mga ito sumunod sa kanilang dalawa kanina ni Alesa at sa portal na pinasukan nila ni Hema? Kung nakasunod man ang mga ito ay hinayaan lang talaga siyang mag-isa na makipaglaban sa babaeng iyon. Plano nga naman ni Empress na patayin siya.
“Ibalita niyo kay empress ang nangyari. O, kaya ay hindi na. alam ko naman na pinapanood niya pa kanina ang laban naming ni Hema. Hindi ba?” tanong niya at sabi sa dalawa na tahimik lamang at hindi nagsasalita.
“Mga walang kwentang ka-usap.” Puna niya sa dalawa sabay iling. “Umalis na kayo. Hindi na kayo rito kailangan.” Pagtataboy niya sa dalawa.
“Ngunit, nais ni Empress na kapag matalo mo si Hema ay isasama ka na naming pabalik sa mundo ng Verdona. May kailangan siyang ipagawa roon sa iyo.”
Napangisi nang nakakaasar si Elenor sa kanyang narinig mula sa dalawang kawal. Siya pinapapabalik ni empress para na naman sa isang misyon? Ano siya isang mandirigma para patayin ang mga kalaban ni Empress? Kung ito ang may atraso sa lahat ng mga pinapapatay nito sa kanya pwes dapat ito ang lumaban at hindi siya. Hindi niya na susundin ang kahit na anong iutos nito. Iyong kay Hema na lamang ang huli niyang pagsunod dito at wala nang susunod pa.
“Sabihin niyo sa kanya, hindi na ako makikipaglaban para sa kanya. Hindi niyo ako mapapabalik ngayon sa mundo ng Verdona,” pinal niyang sabi sabay ngisi nang nakakaasar sa dalawa.
Pero mukhang walang balak ang dalawa na umalis sa mga oras na iyon. Kaya napilitan siyang itapon ang mga ito sa labas at naglagay siya nhg panibagong panangga na hindi makapapasok ang kahit na sino sa loob ng kanyang bahay maliban sa kanilang dalawa ni Alesa.
Alam naman niya na hindi siya titigilan ni Empress sa mga oras na iyon. Kailangan niya nang madaling kumilos para puntahan si Alesa. At baka ito ang puntahan ng dalawang kawal na iyon. Kung bakit kasi sakit sa ulo niya ang empress nila? hindi na lamang siya hayaan nito sa kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.
**
Palinga-linga sa paligid si ALesa habang nakatingin sa isang piraso ng papel kung saan nakasulat doon ang address ng mga magulang ni Sady. Nakuha niya lang iyon sa kanyang pinagtanungan kanina nang ipakita niya ang picgture ng mag-asawa sa f*******:. Mabuti na lamang at may internet kung hindi ay baka matagalan na talaga sila sa paghahanap sa totoong mga magulang ni Sady.
Huminga siya nang malalim bago pinindot ang doorbell na naroroon. Kailangan niyang maka-usap agad ang mga ito bago pa makabalik si Elenor. Ayaw na rin niyang dumagdag pa iyon sa problema ng babae, lalo na at alam niya na nakikipaglaban ito sa babaeng naabutan nila na gumagawa ng masama. Nasabi na iyon sa kanya ng amo, kaya naiintindihan niya ito. mahirap nga talaga ang pagiging isang witch. Kaya masasabi niyang maswerte siya bilang isang tao, pero alam naman niya na gagawin siyang kanang kamay ni Elenor at handa na siya sa bagay na iyon.
May bumukas ng pinto sa loob saka tumungo sa gate. Binuksan iyon ng isang babae na nakilala agad ni Alesa. Iyon ang totoong ina ni Sady. Kitang-kita niya ang pagkakapareho ng dalawa. Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ng matandang babae na nasa kanyang harapan. Mukhang nagulat ito at kinikilala siya kung kilala ba siya nito o hindi..
“Sino po sila?” tanong nito, habang pinapasadahan siya ng tingin. Mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.
Humugot nang malalim na hininga si Alesa bago nagsalita. “Kayo po ba ang totoong ina ni Sady Elstona?”
Pagkabigkas pa lamang niya sa pangngalan ni Sady ay biglang nag-iba ang emosyon sa mukha ng babae. Mukha itong nagulat at parang maiiyak. “KIlala mo ba siya?”
Tumango siya rito bilang sagot. “Opo, hinahanap po naming kayo dahil kailangan na po niya ng tulong ninyo,” ani pa niya habang nakangiti rito nang maluwag.
“Pasok ka na muna. Tatawagin ko lang ang asawa ko. kasama mo ba si Sady?”
Umiling si Alesa. Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Pero pinapasok pa rin siya nito sa loob. Pina-upo siya sa sala. May dalawang batang kapatid si Sady na nakita ni Alesa na naglalaro sa salas.
Pero natigil ang mga ito nang makita siya. Nagpaalam muna sa kanya ang ina ni Sady para tawagin nito ang asawa. Mukhang nakaangat na a buhay ang mag-asawa. pero hindi ba ng mga ito hinanap si Sady?
Hindi niya alam kung ano ang rason ng mga ito pero hindi na lamang siya nagsalita. Wala siyang paki-alam pa roon.
Makalipas ang ilanhg sandal. Bumalik ang ginang kasama ang asawa nito. Sinabi ni Alesa kung nasaan naroroon si Sady at sinabi niya rin ang mga pinagdaanan nito. Iyak nang iyak ang ginang habang ang asawa naman nito ay nagpapatahan sa asawa. Ramdam ni Alesa a nagsisisi ang mga ito sa kanilang ginawa na pagbibinta nito sa sariling anak. At ramdam naman niya ang pagmamahal na mayroon ang mga ito sa kanilang mga anak. Natutuwa siya sa katotohanan na iyon.
Ang mahalaga ay may pag-asa pa na magkaayos ang kanilang pamilya--- ang pamilya ni Sady.
Nang matapos ang usapan ay agad naman nang nagpaalam si Alesa. Nagawa na rin niya ang inuutos sa kanya ni Elenor. Natutuwa siya sa magandang balita na ibabalita niya rito mamaya. Ngiting-ngiti siya habang naglalakad siya papunta sa paradahan ng jeep. Pero napatigil siya nang matanaw niya ang dalawang kawal na bantay nila ni Elenor. Napakunot ang kanyang noo, mukhang iba yata ang naramdaman niya nang mga oras na iyon.
Unti-unti siyang umtras habang hindi niya inaalis ang tingin dito. Pahakbang naman nang pahakbang ang mga ito patungo sa kanya, base sa tingin ng mga ito ay mukhang may masamang balak laban sa kanya.
Wala nang sinayang na pagkakataon pa si Alesa at tumakbo na siya nang mabilis. Pero hinarangan siya ng isa sa kanyang harapan at ang isa naman ay sa kanyang likuran. Nation pa na walang tao na nagagawi sa lugar na iyon. Napahinga nang malalim si Alesa. Ano na naman ang plano ng mga ito sa kanya? May nangyari bang masama kay Elenor? Pero sabi ni Elenor sa kanya, kapag makaramdam siya ng paparating na panganib kailangan niya lang umiwas at tumakas.
Lumitaw ang magic broom na ibinigay sa kanya ni Eole nor sa kanyang tabi at agad siyang sumakay roon. Gulat na gulat naman ang dalawang kawal dahil sa mabilis na pangyayaring iyon. Pero hindi siya hinayaan nito na makatakas. Agad siyang sinundan ng dalawa. Hanggang sa marating na nila ang napakataas na bahagi ng langit.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may tumama na kung anong kapangyarihan sa magic broom ni Alesa dahilan para bumulusok siya sa ibaba. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa mga oras na iyon, katapusan na nga ba niya?
Sumunod sa kanya ang dalawang kawal habang may malaking ngisi sa mga labi ng dalawa. Handa na siyang mamatay sa mga oras na iyon.
“Katapusan mo na, Alesa. Wala si Elenor para iligtas ka mula sa iyong kamatayan. Kapag mawala ka na ay mapipilitan na lamang siyang sasama sa amin. Gaya nga ng kagustuhan ng aming Empress.”
“Sige subukan mo ang binabalak mong iyan, nang sumabog ang bungo mo sa lupa,” isang pamilyar na boses ang bigla na lamang lumitaw at alam ni Alesa ang pagmamay-ari kung kanino iyon.
“Elenor!” sumigaw ang dalawang kawal nang makita nito ang kinatatakutan na witch.
“Hindi niyo talaga ako kilala, ano? Binantaan ko na kayo kanina.”
malakas na pinalipad ni Elenor nag kanyang kapangyarihan papunta sa dalawang kawal. Tumama iyon sa ulo ng dalawa dahilan upang sumaboig iyon ayt tuluyang masunog ang buong katawan.
Nang makabawi na si Alesa ay napatayo agad siya at hinarap si Elenor. Tuwang-tuwa siya sa mga oras na iyon. Niligtas siya ng babae at sa pangalawang pagkakataon na naman.
“Huwag ka nang umiyak.”
Hinila na siya nito saka bumalik na sila sa kanilang bahay.
“Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo?” tanong sa kanya ni Elenor habang ginagamot nito ang kanyang sugat.
“Natagpuan ko na ang mga magulang ni Sady. At mukhang pupuntahan na nila siya.”
“Kung ganoon. Tuloy tayo sa sunod na tutulungan ko.”