Chapter 63
Nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay nang mga oras na iyon. Hindi alam ni Elenor kung paan o niya kukunin ang magical tree kapag nakita na nila ito. Kanina pa silang naglalakad, at hindi pa rin nila matagpuan ang kinaroroonan. Tila mahaba pa ang daan sa kanilang nilalakaran kaysa sa mapang hawak-hawak ni Damien. Hindi nila maintindihan kung bakit hindi pa rin sila makarating-rating sa pupuntahan. Isa pa, mabibigat ang kanilang mga paa habang naglalakbay sa mahaba at masukal na daang iyon. Para silang pinaglalaruan ng mga nilalang na naroroon sa Doco. Hindi alam ni Elenor kung siya lang ba ang nakapansin ng bagay na iyon o maging ang kanya ring mga kasama?
Biglazng hinawakan ni Randal ang kanyang braso. Ramdam niya ang paghingal nito nang mahina, sunud-sunod iyon na tila bang pagod na pagod na mula sa paglalakad. Inilibot niya ang paningin sa paligid, at ganoon din ang ibang mga kasamahan. Maging siya ay nakaramdam din ng pagod. Nakapagtataka na ganoon na lamang ang nangyari sa kanila, gayung sa tiyantya niya ay kaunti pa lang na distansya ang kanilang nalalakad, mula sa pagpapahinga kanina. Nag-isip siya nang malalim. Parang may mali sa sitwasyong iyon. Pinaglalaruan ba sila ng mga naroroong nilalang? Hindi ba sila nakaramdam ng presensya ng mga ito kanina habang naglalakad sila?
Pinakiramdaman niya ang buong paligid. Naghahanap siya ng enerhiya kung mayroon mang kakaibang nilalang sa gubat na iyon. Pero nabigo si Elenor dahil wala man lang siyang naramdaman kahit na kaunti. Nakap-agtataka, nawala na ba ang kakayahan niya na sumagap ng enerhiya dahiln sa labis na paggamnit niya ng kanyang kapangyarihan? kung ganoon, wala na iyong epekto sa kanya. Posibleng nawala rin ang iba niyang kakayahan. Ang powerful black magic niya kaya y nawala rin? Bigla siyang nabahala sa siiping iyon, napansin ni Elenor ang paghigpit ng hawak sa kanya ni Randal sa kanyang kamay. Napatingin siya ulit sa lalaki.
“Elenor, pagod na pagod na kami. Pwede sigurong magpahinga na muna tayo kahit na saglit lang. mukhang malayo pa ang lalakbayin natin bago natin mahanap ang magical tree na iyon,” ani Randal habang habol ang mabigat na hininga.
Waala na siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ang mga ito na magpahinga. Nagpahinga naman sa isang tabi si Randal at nag mga kasama nila sa ilalim ng puno. Habang siya ay nakatayo at malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaganoon. Napasabunot siya sa kanyang buhok, kumubli siya sa isang puno na hindi makita ng mga kasama. Umupo siya roon saka huminga nang malali. Hindi niya talaga maintindihan, magulo na ang isip niya sa pag-aalala. Ramdam niya ang pagbabago sa katawan, maging sa kanyang nerhiya. Hindi na iyon tulad dati na malakas. Ano ang nangyari sa kanya? Dapat na ba niya iyong ikabahala?
“Ayos ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo,” biglan untag sa kanya ni Asora nang tumabi ito sa kanya. Akala niya ay komportable na ito sa pinapahingahang puno pero hindi. Lumapit pa pala ang babae sa kanya, nakita siguro siya nito na malalim ang iniisip.
Umiling siya bilang tugon dito. Ayaw naman niyang maging pabigat sa mga ito. Mahirap na ang isipin pa siya ng mga kasama, kaysa na magical tree ang kanilang problemahin ay dumagdag pa siya. Hindi pa nfga sila makaalis-alis sa malawak na gubat na ito. Kanina pa sila naglalakad pero hindi pa rin makarating sa kanilang paroroonan, mukha ngang pinaglalaruan silang lahat.
“Hindi mo ba napapansin ang lahat? Kanina pa tayo naglalakad pero mukhang hindi naman tayo nakaalis sa pinanggalingan natin kanina pa,” pagpapaliwanag ni Asora sa kanyang saloobin kay Elenor.
Huminga siya nang malalim. Akala ni Elenor siya lang ang nakaaalam no’n o ang nakapansin, pero maging ang mga kasama niya rin pala. Napahawak siya sa kanyang ulo. Kailangan nilang mag-usap lahat at gumawa ng plano kung paano nila malalampasan ang problemang iyon.
Tumayo mula sa kinauupuan si Elenor sdaka hinila patayo si Asora. “Kailangan nating mag-usap at gumawa ng hakbang. Mag-isip tayo kung paano natin malalampasan ulit ang pinangagawa sa atin ng mga nakatirang nilalang dito,” anyaya niya kay Asora.
Tumango naman ang babae saka sumunod sa kanya. Napansin naman iyon ng kanilang mga kasama, kaya madali silang nagtipon-tipong lahat para gawin ang napag-usapan. Bumilog silang lahat sa gitna ng isang lilim ng puno. Si Elenor ang nagsimula ng kanilang pag-uusapan, habang mataman namang nakikinig ang mga ito sa kanya.
“Hindfi niyo ba napapansin na kanian pa tayo naglalakad. Pero hindi pa ri9n tayo nakkalahati sa gubat na ito? May napansin ba kayong kakaiba kanian pa?” panimula niya saka tanong sa mga kasama.
Nagkati8nginan ang lahat, pinag-iisipan kung ano ang isasagot sa sinabi niyang iyon. Pinag-aaralan ng mga ito ang nartamdaman kanina habang naglalakad sila sa gubat na iyon. Wala naman silang naramdaman na kakaiba, iyon ang mga nasa isip ng lahat. Nagsalita si Randal. “Wala naman kaming napansin na kakaiba, o ng isang enerhiya. Normal namnan ang lahat, maliban na lamang sa mabilis na mapagod kahit na kaunti pa lamang ang nalalakad. Baka nga may mga nilalang na pinaglalaruan tayo kanina pa.”
Tumango si Elenor bilang tugon kay Randal. Kung ganoon nga ay tama ang hinala niya na pinaglalaruan siola ng mga niallang na naroon. Iyon nga ay wala slang ideya kung paano nila iyon lulutasin. Lalo na sa mga oras na iyonm, wala silang magawa. Wala ring alam si Elenor kuyng paano mawawala ang ganoong klaseng mahika. Hindi pa niya iyon nababasa sa itim na librong walang pamagat.
“kailangan nating mag-isip ng plano kung pano malalampasan ang mahikang ito. May alam ba kayo sa mga ganitong bagay? kahit ideya lang na makatutulong sa atin kung ano ang magiging hakbang natin sa susunod na plano. Baka iyon ang simula para malampasan natin ang bagay na ito.”
Tiningnan niya nang isa-isa ang mga kasama. Bawat isa sa mga ito ay nauwi sa malalim na pag-iisip, iniisip at inaalala kung ano ang kanilang nalalaman sa bagay na iyon. Paano nga ba matatalo ang mga nilalang na mahilig paglaruan ang mga nilalang na pabagalin ang paglalakad? na papagurin agad kahit na kaunti pa lamang ang nalalakad? Ano nga ba ang makatatalo roon at paano nilang malalampasan? Kailangan nilang makapag-isip agad.