Chapter 64
Huminga nang malalim si Elenor habang hinihintay ang mga kasama. Kahit anong piga niya sa kanyang ulo para alalahanin kung may nabasa na ba siya na ganoong bagay o may naikwento na sa kanya ang mga magulang, pero wala man lang kahit ni sa siyang natatandaan. Mukhang wala nga siyang nabasa tungkol doon, at wala ring sinabi ang kanyang mga magulang. Ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang mga kasama na patuloy pa rin sa pag-iisip nang mga oras na iyon. Hindi rin malaman ni Elenor kung ano ag gagawin. Naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari.
“Sa tingin ko, kailangan nating pagbaliktarin ang mga damit natin. Iyon ang narinig jko sa mundo ng mga tao, kapag naliligaw sila. Iyon ang paniniwala nila. Na-eengkanto raw sila sa ganoong pangayari,” ani ni Damien sa seryoso na tono.
“galing ka sa mundo ng mga tao?” tanong niya sa lalaki, nakakunot nag kanyang noo. Hindi niya aakalain na galing din pala sa mundo ng mga tao ang lalaking ito. Akala niya ay siya lamang ang nakatira sa mundo ng mfga tao sa grupong iyon. Hindi pala, kundi may kasamahan din siya.
Tumango ang lalaki bilang tugon sa kanya, habang nakakamot sa batok. Hindi alam ni Elenor kung nahihiya ba ito sa kanya o hindi. Kung ganoon ay tama nga ang hinala niya, wal apa siyang halos alam sa mga kasama. Kailangan nga niyang malaman ag mga itinatagong sikreto ng mga ito. Nang sa ganoon ay may alam naman siya kahit papaano. Hindi iyong maghuhula na lamang siya at mangangapa kung ano ba talaga ang totoo sa hindi. Mas mabuti na ang ma bala siya kung sakaling may magtanong sa kanyam, nang hindi naman siya masabihan na walang alam sa mga kasamahan.
“Oo, galing kasi ang mga magulang ko noon sa isang misyon. Kaya naisipan nila akong ipasyal muna sa mundo ng mga tao, para hindi naman ito maiba sa akin. Nagkataon na sa gubat kami noon at may mga nakilalang tao, nagkataon na naligaw kami sa gubat. Ilang beses kamiong naglakad oero hindi kami makaalis-alis sa iisang lugar na iyon. Madali rin kaming mapagod tulad nito. Kaya naman, nang sabihin ng mga kasama naming tao na kinakailangan namiong baliktarin ang mga damit namin ay pinaniwalaan namin sila. Ayon, nakalabas kami ng gubat na iyon. Epektibo nga ang sinabi ng mga tao na iyon.”
Tumango-tango silang lahat. Kung ganoon, wala na silang pagpipilian kundi ang paniwalaan na lamang ang kwentong iyon ni Damien. Wala namang mawawala sa kanila kung paniniwalaan nila ang bagay na iyon. Tumayo si Elenor, saka inumpisahan na ang paghuhubad ng kanyang cloak.
“Teka, anong ginagawa mo, Elenor?” biglang tanong ni Randal, habang nanlalaki ang mga mata. Tinatabunan nito ang mga mata ng kanyang kasama na mga lalaki.
Tawang-tawa ang mga kasama nila sa reaksyong iyon ng lalaking kasama. Hindi alam ni Elenor kung matatawa sa reaksyong iyon ni Randal o ang batukan niya ang lalamki dahil sa pinagsasabi nito at inaakala. Kung anoman ang gagawin nila ay hindi niya alam kung bakit ganoon ang ginagawa niya.
“Ang over acting mo naman, Randal. Ibabaliktad ko lang ang damit ko. Kung gusto niyong mapabilis ang paghahanap at ang makrating sa kinaroroobnan ng magical tree, dapat ay sunibn niyo ang sinabi ni Damien. Baka nga umepekto sa atin. Wala namang mawawala kung susubukan,” ani niya habang iniengganyo ang mga kasama.
Tumungo siya sa isang malaking puno saka mabilis na binaliktad ang suot na itim na damit na napapaibabawan ng cloak. Maging ang cloak ay binaliktad niya rin. Wala namang mawawala kung susubukan, saka ito lang din ang tangi nilang paraan. Iisang paraan para mahanap ang magical tree. Nanag tapos na siya ay agad siyang bumalik sa mga kasama, siya pa lang yaa ang nakapagbabaliktad ng damit at si Asora. Hanggang sa nagsunud-sunod na ang mga kasama niyang bumalik sa kanilang pwesto kanina.
“Ngayon nang naibaliktad na natin ang ating mga damit, kailangan nating subukan kung epekti8bo nga ang ginaawa nating ito. Simulan muli natin ang ating paglalakbay,” anyaya niya sa mga kasama.
Nang oras ring iyon, nagsimula na nga ulit suilang maglakad patungo sa kung saan ang magical tree. Sa pagkakataong iyon napansin nga nilang napabilis ang kanilang dinadaanan na mga puno at mga talahib, hindi na katulad kanina na ang bagal-bagal nilang makaalis sa iisang lugar. Napahiyaw ang kanyang mga kasama habang pinupurfi nila si Damien.
“Mabuti na lamang at naalala mo ang bagay na iyon, Damien. Kung hindi aka hanggang ngayon hindi pa rin tayo nakaalis sa lugar na ito,” puri ni Adoe sa kasintahan nito inakbayan naman ito ng lalaki. Saka hinalikan sa pisngi. Agad namang nag-react ang mga kasama nila na ang sweet daw at ang lagkit ng mga oras na iyon napangiti na lamang siya sa biruan ng mga kasama.
“Pasensya ka na sa naging reaksyon ko kanina. Akala ko kasi talaga maghuhubad ka sa haraopan naming lahat,” biglang hinging paumanhin sa kanya ni Randal nang sumabay ito sa kanyang paglalakad.
Tumango siya saka ngumiti sa lalaki. “Ayos lang iyon. Ang mahalaga ngayon ay malapit na tayong makarating sa kinaroroonan ng magical tree.”
“kaya nga, pero ano nga ba ang gagawin natin kapag. Paano makuha na natin ang magical tree? Paano tayong makababali sa mundo ng Verdona?” tanong ulit ni Randal na siya namang dahila para mapa-isip siya nang malalim.
Ano nga ba an gagawin nila sa magical tree/ paano nga ba sila makababalik muli sa mundo ng Verdona wala siyang asagot kay Randal nang mga oras na iyon, dahil maging siya ay hindi rin alam kung papaano. Maari bang hindi na lamang niya iyon saguti8n at magkunwaring hindi niya narinig ang tanong nito? Pero mukhang wala yatang balak na palampasin siya ni Randal, dahil siniko siya nito sa kanyang tagiliran.
Kung sabagay, may makulit nang lahi ang lalaking katabi niya. Kung bakit ba naman kasi maraming mga tanong si Randal at ang kulit pa? tanging ito lamang yata ang nakaka-usap niya nang matagal sa lahat ng mga kasamahan nila. Hindi na nga niya alam kung paano ito sasagutin. Paano nga ba?