Nagising si Elenor sa sigaw ni Randal na nasa kanyang tabi lamang. Ganoon na lamang ang panlalaki niya ng mga mata nang makita ang buong paligid. Puro itim at may nilalang na nakapalibot sa kanya.
“Oh, s**t! This is the thrill I've been waiting for!” sigaw ni Randal nang makita ang mga kalaban na nasa kanilang harapan.
Napailing na lamang si Elenor sa kagaguhan ng lalaki. There must be not enjoyable in this moment. Binatukan ni Adoe si Randal sna nasa tabi lang din nito.
“Hiniling mo kasi ito! Kung sana maayos na ang pagpahinga natin. Na-isturbo na ng mga ito," suway nito sa kaibigan.
“Tama na iyan. Ano na ang gagawin natin. Para matalo natin ang kalaban?" tanong namn ni Damien habang atras naman sila nang atras na papalapit nang papalapit naman sa kanila ang mga kalaban.
Napaisip nang malalim si Elenor. Pinagmasdan niya nang maigi ang mga kalaban sa harapan. They have sharped fangs, and they are dark. No faced but have fangs. May mga mahahabang mga kuko sa mga kamay at paa. Paniguradong matalim ang mga iyon, at talagang mahahati sila kapag magkataon.
“We need to run! Ikaw na ang mauna, Damien!” utos naman ni Asora.
Sumigaw pa si Hilbert nang tumakbo na silang lahat.
“Mauna ka sa amin, Damien. Ikaw ang may alam ng daan! Bilisan mo!" sigaw ni Randal habang tumatakbo sila sa matataas na talahib.
Mabilis naman sa pagsunod ang mga nilalang sa kanilang likuran. Si Elenor ang nasa hulihan, at mas gugustuhin niya nga ang mahuli kaysa naman siya ang mauna. Hindi alam ni Elenor kung saan nanggaling ang nilalang na iyon. Pero nakita na niya ang mga ito sa kanyang libro na binabasa. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang mga Darko. Ang mga itim na nilalang na kumakain ng ibang nilalang na tulad nila.
Nabasa niya rin ang mga kahinaan nito. Kung hindj siya nagkakamali sa pagtanda ng bawat detalye.
“Bilisan niyo! s**t! Mabibilis din sila!" sigaw ni Asora na nasa unahan.
“Tarantado ka kasi Randal! Bakit ka kasi nanghingi ng thrill? Tapos bahag naman pala ang buntot mo!” ani naman ni Hilbert, habang sinksikap nitong makalayo sa mga nilalamg na mabibilis tumakbo.
Napailing na lamang si Elenor. Kahit hindi naman hiniling ni Randal na magkaroon ng thrill, darariting at darating ang mga kalaban nila. Maraming mga malalakas na enerhiya ang nasasagap niya sa paligid. At anomang oras, magpapakita na ang mga ito para sirain ang misyon nila.
“Tumahimik ka nga, Hilbert! Kanina ko pa sila naradamdaman no. Hinihintay ko lang silang dumating!” sagot naman ni Randal na siyang dahilan para ikatigil niya sa pagtakbo.
Napatigil din ang mga nilalang na nasa kanyang likuran. Wari bang may napagtanto siyang isang lihim na noon niya lang nalaman. Hindi matanggap ni Elenor na may kapareho siyang may ganoong abilidad. Ano ang ibig sabihin no'n? Sino ba talaga si Randal?
Marami pa siyang hindi alam sa mga kasama. Bukod sa paghahanap ng tunay na nngyari sa kanyang mga magulang, ay kailangan niya ring tuklasin ang mga kwento ng kasama at ang tunay na pagkatao ng mga ito.
“Elenor!" rinig niya ang sigawan ng lahat nang makita siyang hawakan ng kalaban sa kanyang baywang.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng lahat nang kinain siya ng halimaw.
Napanganga sina Randal sa nasaksihan. Hindi sila makapaniwala sa nangyari kay Elenor. Napakabilis lahat ng pangyayari, hindi sila nakakilos sa kanilang kinatatayuan. Nanginginig ang buo niang kalamnan habang taas-baba ang kanilang mga dibdib.
“s**t! Takbo!” sigaw ni Asora nang muli na naman silang hinabol ng mga halimaw na nilalang.
“Paano si Elenor? Kailangan natin siyang iligtas!” sigaw ni Randal. Sumusunod siya sa likuran ng lahat.
Hindi siya makapaniwala na wala na si Elenor. Hindi niya matanggap ang lahat. .
“Wala na siya, Randal! Hindi mo ba nakita kung paano siya kinain ng halimaw na iyon?” ani ni Adoe.
Wa na siyang magawa kundi ang sumunod sa mga ito. Hindi niya maiwasang isipin kung bakit bigla na lamang napatigil si Elenor sa kanyang pagtakbo. At bakit hinayaan lamang ng babae na kainin siya ng halimaw?
“Elenor, ano ang ibig sabihin sa ginawa mo?” bulong na tanong ni Randal sa sarili habang patuloy sa pagtakbo.
Samantala, si Elenor naman ay hindi makahinga sa loob ng bituka ng nilalang. Hindi naman malagkit sa loob. Hindi naman siya basa, hindi lang siya talaga makahinga sa baho. Sinadya niya talaga ang magpakain sa halimaw para magawa niya ang pinaplanopara talunin ito.
Iyon nga lang, kailangan niyang bilisan para makahinga na siya nang maayos. Kung hindi, ikamamatay niya ang kawalan ng oxygen sa loob ng tiyan ng halimaw na iyon.
Pumikit siya nang mariin, saka walang tigil sa pagbigkas ng mga latin na salita, na siyang ritwal para matalo ang mga ito. Kailangan niya lang ulitin ng dalawampung beses para tuluyang sumabog anv mga nilalang na iyon. Iyon ang pinakabisa sa lahat, ayon sa kanyang nabasa sa itim na librong walang pamagat.
Hindi makapaniwala si Elenor na madali niyang natandaan ang lahat. Alam niyang iyon ang kanyang maipagmamalaki. Maganda ang magbasa siya nang magbasa ng mga libro. Marami siyanv natututunan.
Napangiti siya nang tuluyan niyang natapos ang dalwampung beses na pagbigkas ng ritwal na iyon. Iyon lamang ang kanyang hinihintay, sala tuluyan siyang kinapos ng hininga. At least naramdaman niyang nakawala siya samasikip na lugar na iyon at sumalubong sa kanya ang liwanag.
***
Napatigil sila Randal nang makitaang liwanag na sumabog sa kanilang likuran.
“Si Elenor," biglang bulong ni Asor habang hindi napigilan ang pagluha.
“Sinadya niya ba ang pagpakain sa nilalang na iyon para mapatay niya?" tanong ni Damien, na siyang naging liwanag sa kanilang lahat.
Kung ganoon, kailangan nilang hanapin ang magical tree para kay Elenor. Hindi nila hahayaan na mapunta lamang sa wala ang sakripisyo ng babae.
“Hindi ko matanggap na gagawin niya iyon sa atin.”
Napakuyom ang kamao ni Randal nang marinig ang sinabi ng kasama.
Kung hindi ba siya naghanap ng thrill kanina, hindi ba iyon nangyari kay Elenor? Siya ba ang dapat na sisihin?
“Damn it, Elenor.”