Napatigagal si Randal sa kinatatayuan, maging ang kanyang mga kasama. Hindi sila mkapaniwala na magagawa iyon ni Elenor para iligtas sila. Kasama nang namatay at sumabog ang babae sa nga halimaw na iyon. Hindi makapaniwala ang lahat sa nasaksihan. This is must be crazy! But it's not! Anim na lamang sila.
“We should continue to searching. Hindi natin dapat sayangin ang pagsasakripisyo ni Elenor ng kanyang buhay para iligtas tayo,” ani Randal habang nakakuyom ang kanyang kanang kamay.
Tumango si Asora bilang sang-ayon sa sinabi ng kasama. “Tama, gagawin natin ng lahat para kay Elenor.”
“Halina kayo. Kailangan na nating makarating agad sa Doco.”
Sumunod agad siang lahat kay Damien nang magsimula na itong maglakad. Hindi alam ang kanilang mararamdaman ng mga oras na iyon. Kahit na hindi pa nila kilala si Elenor nang lubusan, napalapit na rin sa kanila ang babae. Kahit na ganoon, alam nilang mabait si Elenor.
Si Randal ang hindi makapaniwala sa nasaksihan, hanggang sa mga oras na iyon hindi mawaglit sa kanyang isipan ang babae. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung hindi lang siya naghanap ng thrill sana walang nangyaring masama kay Elenor.
“Huminto muna tayo rito at kumain. Nagugutom na ako,” biglang litanya ni Damien habang humihingal na nang malalim.
“Oo, ako rin. Nagugutom na rin ako. Kailangan natin ng lakas sa katawan," dagdag naman ni Hilbert.
Tumango si Randal at hinayaan ang mga kasama na maupo sa lilim ng puno. Nanatili siyang nakatayo habang tanaw ang kawalan. Iniisip kung ano ang kanilang susunod na kakaharapin sa mga oras na iyon, kung
makararating ba silang anim sa Doco. Ngayon ay nabawasan pa sila ng isang miyembro at si Elenor pa.
Kumuyom ang kanang kamay habang nakapikit nang mariin. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Pero hindi naman niya inaasahan ang pangyayaring iyon. Gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang mga kasama sa mga darating nilang kalaban.
“Ayos ka lang, bro?" Tumabi sa kanya si Damien habang may dala itong dalawang mansanas.
Mukhang nakapitas na ang mga ito ng prutas. Tiningnan niya ang mga kasama. Kumakain na ang mga ito ng sari-saring prutas. Napangiti siya.
“Ayos lang ako. Iniisip ko lang ang nangyari kay Elenor. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon para iligtas tayo," ani niya sabay buga nang hangin.
Tinapik siya ni Damien sa kanyang balikat. Binigay nito ang isang mansanas sa kanya.
“Huwag mo na iyong isipin, bro. Hindi nga rin ako makapaniwala sa ginawang iyon ni Elenor. Niligtas niya rin tayo mula sa patay na gubat na iyon. Hanggang dito rin. Malaki ang utang na loob natin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi na natin alam kung buhay pa ba tayo sa mga oras na ito o patay na."
“Tama ka. Magpahinga na muna tayo at maglalakad muli tayo mamaya. Hahanap tayo ng tutuluyan kapag gumabi na mamaya,” ani niya, saka tinapik din si Damien sa balikat nito.
Bumalik ang lalaki sa kinauupuan nito kanina saka nagpatuloy na sa pagkain.
Siguro nga ay tama si Damien, hindi na lamang niya dibdibin ang nangyari. Marami pa siyang isipin bukod doon. Napatingin siya sa mansanas saka iyon kinagatan.
**
Nakatingin siya sa malayo habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Pinapakiramdaman niya iyong dumaloy hanggang sa kanyang kaibuturan. Tanaw na tanaw niya ang malapad na lupain ng Edona.
Hindi niya alam kung nasaan na siyang parte ng lupain na iyon. Sigurado rin siyang malayo siya kila Randal.
“Sigurado ka bang ayaw mo ng tulong ko?" tanong sa kanya jg isang nilalang na may mahabang puting buhok. Nakalutang ito sa ere habang nakaharap sa kanya.
Maganda ang nilalang na iyon, hindi siya pwedeng magkamali. . . isa itong diwata sa lupaing iyon. Tagabantay ng mga bulaklak.
“Oo, baka mamaya magulat sila. Ayaw ko silang gulatin, magpapakita ulit ako sa kanila kapag handa na ako. Magmamasid na lamang ako sa kanila mula sa malayo."
Ngumiti sa kanya ang nilalang matapos niya iyong sabihin. “Kung gayun, tutulungan na lang kitang ituro sa iyo ang daan na kanilang tinahak. Para mapadali ang paghahanap mo sa kanila.”
“Maraming salamat sa tulong mo. Kakailanganin ko iyan," ani ni Elenod habang seryoso pa rin ang kanyang mukha na nakatingin sa kaharap.
Tumango ito saka ikinumpas ang kamay. May isang ilaw itong ibinigay sa kanya na lumulutang sa ere. Wari bang may buhay ito. “Siya ang magtuturo sa iyo kung saan ang iyong mga kasama. Sundan mo lamang siya.”
“Maraming salamat sa iyong tulong. Hanggang sa muli,” paalam niya saka rito yumuko.
“Walang anuman, Elenor. Iligtas mo ang iyong mundo."
Pagkatapis nito iying sabihin, naglaho na lamang itong bigla sa ere. Napatingin si Elenor sa liwanag na tila kanina pa sa kanta naghihintay. “Ituro mo sa amin kung saan ang mga kasama ko.”
Lumukso-lukso ito sa ere hanggang sa itinuro na nito sa kanya ang daan. Wala siyang pag-aalinlangan na sundan ito sa hulihan.
Kung ganoon, sa hinuha ni Elenor. Hindi lang ang mundo ng Verdona ang nanganganib at ang kanilang isla. Kundi maging ito ring mundo. Ang a
edona at ang Doco ay mortal na magkaaway. Nagkakasiraan din kaya nadalas na may mga masasamang nilalang ang napupunta rito sa Edina mula sa Doco.
Iisa lang sa isip ni Elenor ng mga oras na iyon. Kailangan niyang makuha ang magical tree para mawakasan ang kasamaan sa daigdig na iyon. Maliwanag na sa kanya ang lahat, kapag sino ang may haaak ng magical tree na iyon, siya ang susundin ng lahat. Kailangan hindi iyon mapunta sa kaaway. Kapag mangyari, wala na silang maaasahan pa; wala na silang pag-asa para lumaban muli.
“Kaya kailangan ko iting sugpuin, habang nabubuhay pa ako at may kakayahan. Hindi ko hahayaan na manaig ang kasamaan sa kabutihan. We should be equal in the eyes of evryone.”
Kumuyom ang kanyang kanang kamay habang iniisip iyon. Sana nga ay magawa niya, sana nga ay magtagumpay sila. Sa ngayon, kailangan niya munang hanapin ang mga kasama kung ligtas pa ba ang mga ito o hindi na.
“Ituro mo sila sa akin, ha. Huwag mo akong ililigaw. Gagawin kitang sunog na baka.”