Chapter 59
NAKAMASID sa paligid si Elenor habang pinapakiramdaman ang dalawang babae sa kanyang harapan si Gawe at Dina. Hindi niya alam kung ano na namana ng binabalak na masama sa kanya ng kanilang Empress, siguradong papatayin na ytalaga siya nito sa mga oras na iyon. Pero hindi siya papaya, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. Marami pa siyang gagawin sa mundo ng Verdona at sa Witches Island na siyang makapagbabago ng Sistema at pamamalakad doon. Pero hindi pa iyon ang taamang oras para gawin iyon. Naghahanap pa siya ng tamang panahon na alam niya ay makapagbabago ng mundo. She is sure that Empress has something fishy with her plan.
Tumikhim siya para maagaw nag atensyon ng dalawang witches. Walang kamalay-malay ang mga ito na wari bang walang pinaplano na masama laban sa kanya. “Ano ba talaga ang gusto ng Empress. Paano niya nalaman na nasa mundo ako ng tao gayung wala naman nakakaalm sa kung saan ako pumunta?”
Nagsalita si Gawe dahil sa tanong niyang iyon. “Nakita lang niya. Alam mo naman ang Empress, mnarami siyang paraan na makita ka kahit magtago ka pa sa kung saan.”
Napataas ang kanyang kilay sa sinabing iyon ng babae. Tinatarayan ba siya nito. “As if, nagtatago naman ako. nagliliwaliw lang ako at ayaw ko ng isturbo. Kaya mas pinili ko na walang makakaalam,” sagot niya naman.
“Huwag ka nang komontra, Elenor. Sumama ka na lang sa amin, inaasahan na ng mahal na Empress ang pagdating mo,” bigla namang suway sa kanya ni Dina.
Napa0irap na lamang siya sa kawalan. Nanggigigil na siya sa dalawa na iyto. Kung umasta ay parang kung sino. Pero pagdating naman sa labanan ay hindi naman makapalag. Napahinga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. baka mamaya at mapuno siya hindi na maakabot ang dalawa sa mundo ng Verdona at siya na lamang na mag-isa ang makararating doon.
Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makabalik na rin siloa wakas sa mundo na kanyang pinanggalingan. Naramdaman niya agad ang kakaibang awra ng mundo sa mga oras na iyon. Parang may kung anong mangyayari na kakaiba kahit na anong oras, mukhang nababalot ang ilang parte nito ng isang itim na mahika. Sa ilang taon niyang pagkawala ay mukhang mas lalo pa yatamng lumala ang mundo na iyon. Hindi nabago ang Sistema at mas lalo lamang sumama ang ilan sa mga nilalang na naninirahan doon.
Bumulusok silang tatlo paibaba nang makarating na sila sa Witches Island. Sa garden sila ng Witch empire bumaba. Mukhang kalian lang ay maliit lamang ang empire nilang iyon dahil sa kakasimula pa lamang. Pero sa mga oras na iyon ay sobrang laki na niyon at hindi na matanaw sa ibaba ang pinakadulo no’n. napapalibutan din ng mga witches army ang buong paligid, nagkalat din ang mga itim na bulaklak at mga puno sa paligid. Madilim pa rin, kaya medyo hindi sanay si Elenor, dahil may liwanag kasi sa mundo ng mga tao at may gabi rin. Sa witches island kasi ay gabi lang talaga at walang araw.
Sinundan niya ang dalawa na pumasok sa loob ng empire. Pinagtitinginan siya ng mga kawal na nagroronda sa mga oras na iyon. Mukhang mga bago kaya siguro hindi siya namukhaan, pero walang pakialam si Elenor sa mga ito. ang paki niya ay kung ano na naman ang ipapagawa sa kanya ng kanilang Empress. Sana naman talaga ay may thrill at hindi siya madalian. Kapag madali lang para sa kanya, hindi niya tatanggapin. Masasayang lang ang oras niya.
“Marami na rin palang nagbago sa empire. Sino ang nagplano ng mga bagong desenyo?” tanong niya sa dalawa na kanina pa walang kibo, mukhang inis na inis yata ang mga ito sa kanya.
Kumibit-balikat na lamang si Elenor. Well, kung wala ang mga ito sa mood na kausapin siya ay wala sa kanya iyon. Nagsasalita lang siya para kahit papaano ay mailto niya ang dalawa. Baka sakaling dumulas nag mga bibig nito at masabi sa kanya ang totoo. Pero mukhang mahirap makipag-usap ang dalawa. Pinili nga ng empress ang dalawang ito na talagang tapat lamang sa pinuno nila.
“Hindi namin alam. Huwag ka nang magtanong. Hindi naman iyon importante,” masungit na sagot ni Gawe.
Naiinis na si Elenor sa babae. Kanina pa niya ito bigyan ng samole pero pinipigilan lang niya ang sarili. baka mas lalong magalit sa kanya si Dina at ang Empress kapag ginawa niya iyon. O, baka mas madagdagan pa ang mga nilalang na may galit sa kanya dahil sa mga kagagawan niya na hindi naman talaga niya sinasadya. Nakikipaglaban lang siya sa mga ito, tinuturuan din niya ng leksyon ang ilan. Pasalamat na lang talaga nag hinihintay niya sa lahat nang ginawa, pero galit lang ang natanggap. Ang hirap talagang i-please ang mga nilalang sa mundo ng Verdona, maging sa mundo rin ng tao ay ganoon. Wala naman sigurong mundo na naiiba sa lahat. Balance ang namamayani sa tatlo.
Sa lalim ng kanyang iniisip ay nakarating na pala sila sa empire tower. Kung saan naroroon nakatira ang kanilang Empress na pagkaliit-liit pero makapangyarihan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang taas ng matanda.
Pagkarating nila sa malaking pinto ay napatingin sa kanya angd alawang kawal na mukhang bago rin. Pinakatitigan siya ng mga ito. pero may sinabi sina Gawe at Dina sa dalawa kaya pinapasok nila si Elenor sa loob. Hindi sumama ang dalawa at hinayaan lamang siya na mag-isang harapin ang empress.
Rinig na rinig ang tunog ng kanyang sapatos sa makintab na sahig. Mukhang nakatatakot tuloy na maka-iwan siya ng dumi sa loob. Baka magalit ang empress at iyon pa ang magiging dahilan para bumaba ang reputasyon niya.
Napangiti siya nang umikot ang upuan na siyang pagmamay-ari ng matandang Empress. Sumalubong sa kanya ang hindi katas na matandang nilalang.
“Kumusta, empress? Nangulila ka ba sa kain kaya mo ako pinahanap o hinanap at pinapunta rito?” salubong niya rito nang wala man lamang paggalang at pagyuko rito.
Kaso sanay na ang matanda kaya hinayaan lamang siya nito sa bastos niyang pag-uugali at aminado naman si Elenor sa katotohanan na iyon. Bastos nga pero may ginintuan naman na puso.
“Ipinatawag kita dahil may ibibigay akong isang panibagong misyon sa iyo. Alam ko na ikaw lang nag makagagawa nito,” panimula nito, sabay kuha ng isang piraso ng papel sa ilalim ng mesa nito.
Hinintay ni Elenor ang sunod na sasabihin ng matanda. Hindi siya naroon para sayangin lamang ang kanyang oras sa walang kwentang bagay. “Ano na naman iyan? Maganda ba ang balitang iyan na ipapagawa mo sa akin o isa na namang walang kwenta?”
Itinapon ng Empress ang isang piraso ng papel sa ere, in short, pinalipad nito iyon papunta sa kanya. Agad naman niya iyong hinawakan saka tiningnan. Isang pangalan lamang ang nakasulat doon. “Hema? Sino naman ito? ipapahanap mo na naman sa akin?” magkasalubong ang kanyang dalawang kilay nang itanong niya iyon.
“Oo, at nasa mundo siya ng mga tao. Kung hindi mo siya mahanap agad, at mapatay, baka kung ano pa ang gawin niya sa mundo ng pinagtataguan mo.”
Napatango si Elenor. Gets na niya nag nais na iparating nito. “Bakit hindi mo na lang ipahanap sa mga kawal na pinagkakatiwalaan mo?”
“Masyado siyang malakas para lang sa mga kawal ng witches island. Ikaw lamang ang tanging makatatalo sa kanya at ang tamang kalaban na naayon sa kapangyarihan niya,” sagot naman agad nito.
“Ano naman ngayon? Bakit ka naangingialam sa mundo ng mga tao? Wala ka nang paki-alam kung anoman ang gawin niya sa mundo ng mga tao.”
“to stay it in balance, Elenor. Kaya kinakailangan mo na gawin kung ano ang iuutos ko,” galit at inis ang mababatid sa boses ng kanilang empress. Mukhang nawala na ang mahabang pasensya nito dahil sa katigasan ng kanyang ulo.
Matanda na nga ito ay pinapasakit pa ni Elenor ang ulo. Mukhang mas tatanda pa ang matanda.
‘Hindi ko gagawin. Hindi ako sasaya sa misyon na ito. kung gusto mo na manatiling balanse ang tatlong mundo. Ikaw nag humarap sa Hema na iyan. Hindi ko na tungkulin ang bagay na hindi naman dapat ako ang gumagawa. Tungkulin mo iyan hindi ba?” ikaw nag pinuno ng witches island na ito. pwes ipakita mo kung gaano ka karapat-dapat na maluklok diyan. Hindi iyong uupo ka lang at saka mang-uutos. Ako ang ipapagawa mo tapos sa iyo mapupunta ang mga papuri ng angkan?” mahaba niyang litany na siyang dahilan upang mas mainis ang empress sa kanya.
Napatawa si Elneor sa nakikitang galit sa mga mata ng matanda. Kung ganoon, apektado ito sa mga sinabi niya. Kung hindi naman totoo ang pinagbibintang niya rito ay hindi naman ganoon ang magiging reaksyon nito.
“Pasensya ka na, nadala lang ako. huwag kang agad magalit,” awat niya nang makita nag bumubuong awra sa katawan nito.
Hidni naman iyon sinabi ni Elenor dahil naduduwag siya, kung tutuusin ay handa na siyang labanan ang empress at ang talunin ito sa isang labanan. Pero hindi pa iyon ang oras para roon. Hindi pa, dahil sa susunod na lamang niya iyon gagawin. Para hindi na magduda ang matanda sa kanyang mga salitang binitiwan ay tatanggapin na lamang niya ang misyon na ibinibigay nito sa kanya. Saka para mas maging matagal pa ang pags-stay niya roon. May oras pa siya na mahanap ang dalawang tao na tutulungan niya. Kahit i-huli na olang niya nag misyon na ito.
“Sige na nga, gagawin ko na. huwag ka nang malungkot, Empress.”
Lumiwanag naman ang mukha nito sabay ngiti nang pagkalapad-lapad. Napa-irap na lamang sa kawalan si Elenor. Kung talagang papaya siya ay nag-iiba ang awra nito. Pero kapag hindi galit na galit agad.
Gusto lang talaga siyang ipahamak nito kaya ibinigay sa kanya ang misyon na iyon. “Pero baka matagalan ko ang pagsimula sa misyon ha? May nauna pa kasi akong plano na gagawin. Siguro pagkatapos na lang ng mga dalawang araw.”
“Huwag mo masyadong tagalan, Elenor. Hindi natin alam kung ano pa ang gagawin ni Hema sa mundo ng mga tao kapag ipatagal mo pa. bukas na bukas ay magsimula ka na agad, para walang problema,” kontra nito habang seryoso ang mga matang nakapukol sa kanya.
Kung ganoon ay pababantayan talaga siya nito sa mga kawal para siguraduhin na gagawin na nga ang misyon na ibinigay sa kanya. Mukhang wala na talaga siyang takas. Bantay sarado na talaga nag bawat gagawin niya. Napahinga na lamang si Elenor nang malalim, habang nakatitog sa papel kung saan nakasulat ang pangngalan ang kanyang kalaban.