Chapter 58

2001 Words
Chapter 58 NAGKATINGINAN sina Elenor saka Alesa dahil sa kanilang napanood na nakaraan kay Sady. Nilagyan na ni Elenor ng isang vanish potion ang kumukulong tubig. Doon lang din pala niya makikita ang nakaraan ng babae. Hindi na niya pala kailangan pang maghanap o magtanong sa iba’t ibang tao na nakakikilala rito. Napahinga silang dalawa habang malungkot ang mga mukha. Hindi aakalain ni Elenor na may ganoon din na mga ugali ang tao, akala niya ay sa mundo lang ng Verdona at masasaksihan niya sa mga kasamang lahi. “Hindi ko kinaya ang lungkot na nadarama ni Sady. Kailangan nating hanapin ang totoo niyang mga magulang,” usal ni Elenor, habang inaayos na ang mga gamit niya. Tumango si Alesa habang tinutulungan ang kanyang amo. Hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakita. Bigla tuloy siyang naawa kay Sady, ganoon din ba nag ginawa sa kanya ng mga magulang? iniwan siya nito kaya lumaki na lamang siyang palaboy-laboy sa kalsada? Mabuti na lamang at mabait si Elenor, tinutlungan siya nito. Binigyan ng matitirhan na bahay, pinainom ng tubig at pinakain kung ano rin ang kinakain nito. Sa kabila ng kasamaan ay may mga mababait pa rin na handa silang tulungan, tulad na lamang ni Elenor. Kung maraming katulad ni Elenor sa mundo ng mga tao, paniguradong maraming magbabago. Hindi nga lang mawala-wala ang kasamaan, mangyayari at mangyayari pa rin iyon. Patra manatili ang balanse. “Maghanda na tayo, Alesa. Papasok na tayo. kailangan kong matapos ang lahat bago dumating ang tamang araw ng pagbabalik ko sa mundo ng EVrdona. Baka matagalan ako at bago muling makabalik dito.” “Bakit, Ma’am? Ano po ba ang misyon niyo roon? Si Sady na lang po ba ang huli sa inyong listahan?” tanong ni Alesa, habang magkasalubong ang kilay. “Hindi, may dalawa pa akong tutulungan, bago ako bumalik sa aking pinanggalinga. Kaso wala pang pangalan ang dalawa, at wala pa akong nakikita na kung sino ang karapat-dapat doon,” sagot naman ni Elenor. Matapos nilang mag-ayos ay pumunta na agad sila sa school. Gaya ng nakagawian, naghiwalay silang dalawa ni Alesa. Tumungo sa room si Elenor, at sinalubong naman siya ni Mmaurisa. Pero pinatahimik niya nag babae at saka tumungo kay Sady kung saan mag-isa na namang naka-upo sa isang sulok. Ano kaya ang maitutulong niya sa babaeng ito? Natigil lamang siya nang bigla siyang hilahin ni Patrick at ito ang pumalit sa kanya. Pinagmasdan na lamang niya ang dalawa kung paano ang mga ito magligawan. May biniling bulaklak si Patrick saka chocolates para kay Sady. Hindi maipagkakait ang malaking ngiti na sumilay sa mga labi ng babae. Kitang-kita ni Elenor kung gaano ito kasaya, pero may kulang. Iyon ay alam na niya, ang pagkakaroon ng pamilya. Mukhang kailangan na naman niyang sundin ang babae mamaya kapag uwian. Hihintayin na lamang niya na magsapit ang dapit-hapon. Siniko siya ni Maurisa nang mapansin nito na bigla na lamang siyang natulala. Inirapan niya ito saka unaupo sa kanyang upuan. “Ang lalim ng iniisip natin, nagseselos ka ba roon sa dalawa?” tanong na naman nito na wala namang saysay kung totoo ba ang suspetsya nito o hindi. Napahinga na lamang nang malalim si Elenor. Hindi niya alam kung talagang malisyosa si Maurisa o sadyang ganito lang talaga ito mag-isip dahil noon ay may gusto sa kanya si Patrick, at baka naisip nito na huli na lang niya na-realized na nagugustuhan niya rin pala ang lalaki. Napairap na naman siya ulit nang makaramdam ng inis. “Hindi nga, may naisip lang ako.” Tumango-tango si Maurisa at hindi na siya nito kinulit tungkol sa bagay na iyon. Dahil kahit magtanong naman ito ay hindi naman niya sasagutin. Mabilis na sumapit ang dapit-hapon. Naghiwalay agad sila ni Maurisa, isinama na rin naman niya si Alesa sa misyon na masasabi niya. Sinundan nila si Sady, mabuti na lang at hindi nakasunod si Patrick sa mga oras na iyon. Malaya silang masusundan ang babae. “Paano kapag sa bahay pa rin siya ng dati niyang tinitirhan? Paano natin malalaman kung sino ang totoo niyang mga magulang,” tanong bigla ni Alesa sa kanyang amo. “Hindi ko alam, pero maghahanap ako kahit isa lang na makukuha kay Sady. Tapos iyon nag gagamitin ko para makita ang mga totoo niyang magulang. kailangan lang natin magmadali,” sagot naman niya. Tumango na lamang si Alesa at mas kumapit pa nang mabuti kay Elenor habang nakasakay silang dalawa sa magic broom. Mabuti na lamang at walang makakikita sa kanila dahil abala ang mga tao sa kabi-kabilang mga trabaho, kung may makatingin man sa kalangitan, pagkakamalan lang din naman sila ng mga ito na isang malaking ibon. At wala roong paki-alam si Elenor kung may makakita man sa kanyang mga witches doon na nagpapanggap ding isang tao. Hindi naman niya ang mga ito pinapaki-alaman, kaya dapat hindi rin siya ng mga ito papaki-alaman. Kung may mga tulad lang din ni Herio na biglang susulpot o may magbabalita man sa mga barkada nito na siya ang nakapatay sa kanilang kaibigan, handa siyang labanan ang mga ito. ilalaban niya na hindi siya ang may kasalanan kundi si Herio. Kasalanan nito kung bakit ito namatay, bigla na lang kasi sumugod sa kanyang tahanan na wala man lang warning. Isa pa hindi muna nito inalam kung ano ang totoo kaysa sa hindi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin mawala ang inis sa dibdib ni Elenor. Lalo na at nang maalala na naman niya kung paano magtago si Herio sa likuran ni Alesa na walang malay. Kung hindi agad siguro siya naka-isip ng sasabihin at nagpatalo na lang, poaniguradong siya ang patay o si Alesa. Huminga na lamang siya nang malalim saka bumulusok paibaba nang makita niyang tumigil ang sinakyang tricycle ni Sady kanina. Luminga-linga muna sa paligid si Elenor at baka may tao roon at makita silang dalawa ni Alesa na nakasakay sa isang mahiwagang walis. Isa pa naman sa mga pinaniniwalaan ng mga tao ay masasama silang witches. May masasama naman talaga pero hindi naman lahat, may mabubuti naman at iyon ay matatagpuan sa mundo ng Verdona. Pero ang ilan ay hindi naman talaga mabait talaga. Balance para manatili ang mundo sa kung saan ito naroroon. “Dito ka lang Alesa, hintayin mo ako rito. Kung kailangan mong umalis ay sakyan mo lang itong walis. Susundan ko lang si Sady at kukuha lang ako ng maari kong magamit para makita kung sino ang mga pamilya niya.” Tumango si Alesa sa bilin na iyon ni Elenor. Nagpaiwan nga siya sa labas at si Elenor naman ay pumasok sa loob ng bahay ni Sady. Kukuha lang siya ng buhok nito o kaya kapiraso ng damit. Magagamit niya iyon mamaya sa kanyang orasyon para makita ang totoong mga magulang nito. Iyon lamang ang kanyang naisip na paraan para matulungan ang babae. Nakita niyang may sumalubong kay Sady na isang matandang babae. Nagpanggap siyang isang paro-paro para hindi siya ng mga ito makita kahit na nasa malayo. Nanatili lamang siya sa itaas na lumilipad, pasalamaty na lamang siya na mataas ang kisame kaya hindi siya mahirapang lumipad. Maganda ang bahay ni Sady, mukhang galing ito sa magandang angkan. Umakyat si Sady sa hagdan at pumasok sa isang silid. Sumunod naman agad siya at mabuti na lamang hidni siya nahuli bago isinara nito ang pinto. Agad siyang tumungo sa mesa kung saan naroon ang mga suklay ng babae. Hinintay na muna niya na pumasok ng banyo ang babae bago siya mag-anyong katawang tao para makuha nag kanyang kailangan. Nang dumating ang pagkakataon na iyon ay wala nang sinayang si Elenor. Agad niyang kinuha ag ilang hibla ng buhok na naiwan sa suklay. Pagkatapos no’n ay agad siyang nagbalik anyo sa pagiging isang paro-paro at saka siya dumaan sa may bintana. Napangiti si Elenor, naabutan naman niya si Alesa sa labas at naghihintay pa roin ito sa kanya. Ang solid lang talaga ni Alesa at hindi siya iniiwan. Agad silang dumating sa kanilang bahay. Gumawa ng isang kumukulong tubig si Elenor at nagsagawa ng orasyon at inilagay ang ilang hibla ng buhok doon ni Sady. Nagdasal siya ng ilang sandali hanggang sa ipatak niya ang vision potion doon. Napangiti siya nang makita ang mga magulang na totoo ni Sady. Napatingin siya kay Alesa at kita niya ang pagkamanghya sa mga mata nito. “Ngayon, alam na natin kung sino ang mga magulang ni Sady. Bukas na bukas din ay hahanapin natin sila. Huwag ka na munang pumasok.” “opo, Ma’am. Pero alam mo po ba kung saan sila naroroon?” “Oo, ituturo iyan sa akin ng aking kapangyarihan. Marami pa akong nalalaman Alesa. At ituturo ko naman iyon sa iyo pagdating ng panahon. Saka natuto ka na sa kjapapanood sa akin,” sagot niya habang nilalagay ang ilang sangkap pabalik sa pinanggalingan ng mga ito. Naglagay ng isang patak si Elenor sa isang cup mula sa kumukuong tubig. Iyon ang gagamitin niya bukas kung paano niya mahahanap ang mga totoong magulang ni Sady. Sa kalagitnaan ng gabi, naisipan ni Elenor na bumalik muna sa mundo ng Verdona. Kailangan niya lang sumilip muna doon para malaman kung ano ang nangyayari sa mundong iniwan niya. Alam niya na matagal na ang nakalilipas mula noong lisanin niya ang mUndo ng Verdona dahil sa mapait na nakaraan na kanyang dinanas doon. Alam naman niya na malapit pa rin sa kanyang puso ang Verdona, naging mapait lang ang dahil sa nawala niyang mga magulang at mga karanasan. Umaasa siya na sa tagal ng kanyang pagkawala ay may nagbago na kahit papaano sa pamamahala ng kanilang Empress. Kung anoman ang sasalubong sa kanya roon, ay kailangan niya lang magingb handa. Saka iyon lang din nag kanyang pagkakataon lalo na at nagpapahinga na ng mga oras na iyon si Alesa. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ay may bigla na lamang siyang naramdaman na malakas na emerhiya. Mula sa kanyang mga kalahi, sigurado siyang mula iyon sa mundo ng Verdona. Kalaban man iyon o kakampi ay kailangan niyang paghandaan ang pagsalubong sa kanya ng mga ito. kung anoa ng rason ng pagparito ng mga ito sa kanyang teritoryo ay wala siyang paki-alam. Kinuha niya ang kanyang magic broom at ang kanyang magic hat. Pati na rin ang cloak na kanyang gamit palagi. Gumawa muna siya ng barrier para kay Alesa, nang maprotektahan ito mula sa mga kalaban anomang oras. Wala siya roon hanggang umaga kaya hindi niya sigurado kung bigla na lamang may sasalakay sa kanila. Lumabas siya ng bahay at namataan sa hindi kalayuan aang hindi niya inaasahan ang panauhin. Mukhang may nagpapasundo na sa kanya sa mga oras na iyon. Lumapit siya sa dalawang babaeng witch, kilala niya nag mga ito. kung hindi siya nagkakamali si Disa iyon at Gawe. “Ano ang rason ninyo at naparito kayo?” tanong niya agad na siyang ikinangiti ng dalawa. “Pinapasundo ka ng mahal na Empress, Elenor,” sagot ni Gawe sa mga oras na iyon. “Bakit? Ano ang kailangan niya sa akin?” “Hindi namin alam. Malalaman mo iyon kapag magkaharapan na kayong dalawa.,” si Disa naman ang sumagot sa mga oras na iyon. “Kung ganoon, mauna na kayo at susunod ako. hindi ako ma-uuna. Baka kung ano pa nag gawin ninyo sa akin. baka may binabalak pala kayong masama sa akin,” ani niya na may pagdududa sa dalawa. Kahit na mula ang mga ito sa kanyang angkan ay wala pa rin siyang tiwala. Minsan na kasi siyang naloko noon, kaya medyo nawalan na siya ng tiwala. “Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala sa amin, Elenor. Sige, susundin naming kung ano ang gusto mo.” Tumango si Elenor sa hinayaan na ang dalawa na maunang lumipad. Sumunod naman siya sa mga ito, pero nakahanda na siya sa kung ano ang maaring mangyari sa mga oras na iyon. Pero walang paki-alam si Elenor dahil alam niyang hidni naman siya agad papatayin. Kailangan pa siya ng witches Island. Sigurado siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD