Chapter 57
ANG NAKARAAN sa buhay ni Sady. . .
Nakatingin sa malayo si Sady sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Madilim an g buong paligid. Nakasira ang pinto at maging ang ilang bintana. Tanging iisa lamang ang nakabukas kung saan siya nanonood sa buwan at mga bituin. Ang tunog ng orasan ang maririnig sa awat sulok ng kanyang silid, habang walang maririnig na hikbi pero tahimik na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi. Nakabaluktot ang kanyang dalawang paa, na wari bang niyayakap na lamang ang sarili dahil sa labis na kalungkutan na nararamdaman.
Iyon kasi ang araw nang maabutan niya ang kanyang mga magulang na nagtatalo dahil sa kanya. Parang sirang plaka na paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang pinag-aawayan ng mga ito.
“Andres! Alam mo naman na kasama pa natin si Sady, bakit hindi ka na lang tumino at itigil mo na iyang pakikipagkita sa kabit mo?!” sigaw na galit ng kanyang ina, nang madatnan niya ang mga ito na nag-aaway nang hapon na iyon.
Kagagaling niya lang sa kanilang school a dumiretso siya agad ng uwi dahil alam niya na uuwi sa ganoong araw ang kanyang daddy sa kanilang bahay. Sa araw ng biyernes. Iyong araw lang kasi ito palagi umuuwi ng bahay. Hindi niya na alam kung saan ito nagpupunta kapag lunes hanggang huwebes. Gusto niyang malaman pero ayaw naman niyang magtanong. Baka magalit pa ito sa kanya at sigawan na naman siya. Kaya kahit na marami siyang gustong itanong dito ay kinikimkim na lang niya sa kanyang sarili. hindi naman iyon mahalaga, sa isip-isip niya.
“Alam mo naman na hindi natin anak si Sady, Flora! Kaya maghiwalay na tayo! isa lamang siyang ampon na inako mo para lamang ikulong ako sa isang responsibilidad na hindi naman talaga akin!” sigaw pabalik nito sa asawa.
Dahil sa narinig ni Sady ay napatago agad siya sa likuran ng pinto at hinayaan ang sarili na makinig sa usapan ng kanyang mga itinuring na magulang. ang totoo pala ay hindi, hindi siya totoong anak ng mga ito. kung ganoon, sino siya? Sino ang totoo niyang mga magulang?
Kaya naman pala, hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng kanyang daddy at mommy. Kapag nagkukwento siya ng mga nangyayari sa kanya sa school, kung paano siya awayin ng mga kaklase ay hindi siya ng mga ito pinapakinggan at walang paki-alam. Iyon pala ay hindi naman pala siya anak ng mga ito.
“Maghiwalay na lang tayo, Flora! Sawa na ako sa pag-uugali mo! Palagi mo na lang ako pinaparatangan ng isang bagay na hindi ko naman ginagawa. Magsasama na talaga kami ng babaeng mahal ko. at ako sa iyo, maghanap ka na lang ng paglilibangan niyang pagmamahal mo na walang katuturan!” sigaw ulit ng daddy niya.
Narinig ni Sandy ang pagtunog ng sapatos nito na papunta sa kanyang kinaroroonan. Sa takot na baka makita siya nito ay agad siyang nagkubli sa likuran ng halaman. Mayabong iyon kaya hindi agad siya mapapansin na naroon. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito habang binubuksan ang pinto ng kotse. Nang makapasok ay agad nito iyong pinaandara at mabilis naa pinasibad ang sasakyan paalis sa kanilang bahay.
Nakita niyang tumatakbo ang kanyang mommy palabas ng bahay. Mukhang susundan nito ang daddy. Akma na Sanaa siyang lalabas mula sa kanyang pinagtataguan nang makasakay na rin ito ng sasakyan at pinasibad din paalis.
Naiwan siyang nakatulala lamang doon habang walang tigil sa pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi niya aakalain na iiwan siya ng mga ito na mag-isa. Ano na lang ang magiging kapalaran niya pagkatapos?
Naabutan siya ng kanyang Yaya Pia. Agad siyang inalalayan nito papasok sa loob. Wala na siyang lakas sa mga oras na iyon. Parang hinugot na ng lahat ng kanyang emosyon. Parang pinipiga nag kanyang puso, hanggang sa maubos na ang katas niyon.
Hindi niya alam na ganoon na pala kawalang gana ang mabuhay. Parang walang kwenta kung magpapatuloy pa siya.
Maliwanag ang buwan at ang mga bituin sa langit. Hindi niya alam kung ano ang magagawa sa oras na iyon. Hindi na nakabalik ang kanyang itinuring na mommy at daddy. Kanina pa siya nakaabang pero wala ang inaasahan niya. Ikinulong na lamang niya ang sarili at umiyak nang tahimik.
Natatakot siya na mabasag ang katahimikan dahil sa kanyang hikbi. Ang katahimikan lamang nag nagbibigay sa kanya ng kapayapaan. Nakita niya na umilaw nag screen ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon na umaasang nag-text ang kanyang mommu o daddy. Pero hindi iyon ang sumalubong sa kanya kundi ang text lamang iyon ng isang prepaid brand.
Makaraan ang ilang araw ay ganoon na lamang ang naging pagitan sa mga araw ni Sady. Hindi siya pumasok sa kanyang paaralan, hindi rin halos makakain. Ang tanging si Yaya Pia niya lamang ang kanyang kasama palagi—ang tanging nag-aalala sa kanya.
Nanood na lamang sa buong maghapon ng movie si Sady, umaasang makakalimutan ang masakit na pangyayari sa kanyang buhay. Pero hindi. Isa lamang iyon na pagkakamali. Kasi kahit anong pilit ng limot niya ay sariwa pa ring bumabalik ang lahat sa kanyang alala.
Hindi na bumalik ang kanyang daddy at mommy. Nabalitaan na lamang niya kay Yaya Pia na nagkaroon na ang mga ito ng ibang pamilya. Perob hindi pa rin naman daw ng mga ito ititigil ang sustento na ibibigay sa kanya ng mommy niya. Tinuturing na lamang iyon ni Sady na kabayaran na ipagkait nito sa kanya ang katotohanan. Kung bakit siya ginamit nito para lamang sa pagmamahal ng isang lalaki na kailanman hindi mapapalitan ng kung ano.
Napasabunot siya sa kanyang buhok at saka sumigaw ng pagkalakas-lakas. Hindi niya ang mga ito mapapatawad. Kahit na ganoon lang ang kanyang dinanas ay is aiyong malaking dagok sa kanyang buhayk, na habang-buhay niyang dadalhin sa kanyang puso at isipan. Napakuyom ang kanyang kamay habang pinipigilan ang emosyon an lamunin siya at ang kanyang pagkatao. Magpapatuloy siya, at hindi susuko. Alam niyang malalampasan niya ang lahat kapag magpapakatatagf siya at gagawin na inspirasyon ang mga bagay na nangyari sa kanya. Iyon na lamang ang kanyang tanging hiling at wala nang maipagpapalit.