Chapter 56

1969 Words
Chapter 56 Hindi makapaniwala si Elenor sa kanyang nakita. Pagkabulusok niya ay agad niyang nilapitan si Alicia na wala nang malay. Nanlilisik ang kanyang mga matang bumaling ang tingin sa kasamang lalaki ni Herio. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Alicia. “Ikaw!” “Bakit? Ginawa ko lang ang nararapat sa kanya, Elenor. Pasensya na at kinakailangan ko ring iligtas ang sarili ko mula sa kamatayan. Isa pa, ayaw ko ring magalit sa akin si Herio,” sagot naman ni Dawa kay Elenor na ngayon ay nanginginig na sa galit. Napatingin muli si Elenor kay Alicia at napakuyom ang kanyang kamay. Unti-unti siyang binalot ng isang mahiwagang liwanag na kulay lilac, na siyang nagbugay sa kanya ng lakas sam ga oras na iyon. Biglang umtras si Dawa sa kanyang nasaksihan. Malakas ang enerhiya na nagmumula kay Elenor at alam niyang naramdaman din iyon ni Herio. Pumwesto ang kanyang amo sa harapan para protektahan siya laban kay Elenor. Kitang-kita ang galit sa mga mata ng babae, nilamon na iyon ng kulay puti. Nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanilang direksyon. “Mas lalo siyang lumakas, Dawa. Masyado siyang nagalit sa ginawa mo sa kanyang kasama. Umalis ka na, ako ang bahala sa kanya.” “Ngunit Herio, hindi ko hahayaan na ikaw lamang ang makipaglaban sa kanya. Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kaya dapat lang na ako ang haharap sa kanya. Handa na akong mamatay, kung iyon lang din naman ang kinakailangan.” Bumaling si Herio sa kasamang si Dawa dahil sa kanyang narinig. “Umalis ka na! Ayaw ko ulit na may mawala pang isa na itinuring kong pamilya. Saka dinala lang naman kita dito, kaya tungkulin ko ang protektahan ka. Umalis ka na at iwan mo na ako rito. Hindi ka maaring mamatay lang dahil kay Elenor!” Nanlilisik din ang mgamata nito na labis ikinatakot ni Dawa. Wala na siyang nagawa kundi sundin na lamang kung ano ang kagustuhan nito. Wala na rin siyang magagawa, kapag magpumilit pa siya. Si Herio na rin mismo ang magbabalik sa kanya sa mundo ng Arasor. Kaya kahit na labag sa kanyang kagustuhan ay umatras siya at mabilis na sinakyan ang kanyang magic broom. Pero hindi pa siya nakalilipad nang bigla na lamang hindi siya makakilos mula sa kanyang pwesto. Wari bang may kuryentena nanuot sa loob ng kanyang katawan para sipsipin no’n ang kanyang dugo. “Dawa!” rinig niyang sigaw ni Herio. Pero alam na ni Dawa na anong oras na lamang ay malalagutan na siya ng hininga. Bumaling siya kay Herio, tinignan ito sa mga mata. Humihingi siya ng tulong, na gumawa ito ng paraan para mawala ang sobrang sakit sa kanyang loob ng katawan. Pakiramdam niya ay sinusunoh ang buo niyang kalamnan. Gusto niya ring ipaabot sa lalaki na tumakas na ito habang maaga pa. Sobrang lakas na ni Elenor sam ga oras na iyon. At hindi niya man lang napansin na umaatake na pala ito. Kumapos ang hininga ni Dawa, hanggang sa unti-unti siyang nanginig at naging abo na lamang na sumunod sa hangin. Hindi makapaniwala si Herio sa kanyangnasaksihan. Parang namamalik-mata lamang siya sam ga oras na iyon. Wala na si Dawa? Paano iyon nangyari?! Paano nagawa iyon ni Elenor?! Bumaling siya sa kanyang kalaban, at kitang-kita pa rin niya ang nakakatakot na itsura ni Elenor. Nanlilisik pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero wala siyang pakialam! Hindi siya natatakot dito! Kahit na anoman ang mangyari, lalabanan niya pa rin ito. Kahit man langmagalusan niya ito ay ayos na sa kanya, ang mahalaga ay maiparamdam niya ang sakitna dinanas ng kanyang in asa mga kamay nito. Isa pa at nang maipaghiganti na rin niya si Dawa na namatay sa kanyang harapan bago lang. “Wala kang puso, Elenor! Magbabayad ka sa kasalanang ginawa mo!” galit niyang sigaw sabay palipad ng mga dum isa direksyon nito. Pero hindi pa lang iyon nakakaabot sa babae ay waring may kung ano na nagkuryente sa mga iyon hanggang sa maging na lamang na pumunta sa lupa. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi iyon makita. Ibig sabihin, iyon ang pumatay kay Dawa. Kaya pala hindi niya na tulungan ang lalaki. Napakuyom ang kanyang kamay dahil sa inis. Kung ganoon sobra ngang makapangyarihan si Elenor. “Ang sama mo! Dapat ka ngang mamatay, Elenor!” Nagpakawala siya ng napakaraming dust sa hangin hanggang sa ginawa niya iyong ipo-ipo palibot sa babae. Pero hindi niya man lang makitaan ng takot sa mga mata si Elenor. Wari bang nasisiyahan pa ito sag alit na nakikita sa kanya. Nakita niya kung paano gumapang ang kuryente sa kanyang ginawang ipo-ipo. Wala siyang pinalampas na pagkakataon at nagpakawal ng kanyang itim na kapangyarihan papunta sa direksyon ni Elenor. Pero agad naman iyong naiwasan ng babae. Mabilis itong kumilos, hindi siya nag-aksaya ng pagkakataon at sinundan si Elenor na lumipad na gamit ang magic broom. Sinundan niya ito habang walang tigil sa pagpapa-ulan niya ng black magic sa direksyon nito. Dahil sa sunud-sunod niyang pagkawala ng kapangyar, natamaan niya rin ito sa wakas. Rinig ni Herio ang sigaw nito na puno ng sakit. Bumulusok pababa si Elenor at sinundan niya naman ito. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para ikulong ang babae sa loob ng ginawa niyang ipo-ipo. Nararamdaman na niya ang rurok ng kanyang tagumpay sa mga oras na iyon. Alam na niya kung ano ang kahinaan ni Elenor. Pumunta agad si Herio sa tabi ni Alicia at hinawakan ito sa buhok. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin itong malay. Ibig sabihin, mukhang napalakas nga ang pagsuntok dito ni Dawa. “Elenor, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa alaga mong mababang-uri na ito. Pero hindi ko siya tutuluyan kung susuko k asa akin at hayaan mong patayin kita. Pwera lang kung mas piliin mong mabuhay kapalit ng buhay niya,” nakangisi niyang sambit. Handa na ang kanyang kapangyarihan na lamunin ang babaeng hawak sa mga oras na iyon. Iisa lang ang kanyang hinihintay, ang magiging sagot ni Elenor. “Mag-isip ka nang mabuti, Elenor. Alam ko na binabalak mong gawin ang ginawa mo sa aking kasama. Pero hindi tatalab iyan sa akin hanggang nakasangga ang babaeng ito,” dugtong pa niya. Alam na niya kung paano kumilos ang babae. At nabasa niya iyon kanina pa. Mukhang naipit si Elenor sa sitwasyon na iyon. Kailangan niyang makapag-isip agad ng paraan kung hindi ay malalagay sa panganib si Alicia. Buhay pa ang babae, kailangan niya lang makahanap ng pagkakataon para pagalingin ito. Napakuyom siya ng kanyang kanang kamay. Ramdam na niya ang hapdi mula sa natamong sugat sa kapangyarihan ni Herio. Bukod pa pala sa hangin at dumi na kapangyarihan ay mayroon pa pala itong tinatago. Pero alam niyang mahina lang ang lalaki. Sadyang nagtatago lang ito sa magiging kahinaan niya kaya hindi niya nagagawang makabwelo. “Huwag kang magtatago sa iba, Herio. Kung malakas ka ngang talaga, huwag mong gagamitin ang mga sa tingin mo ay kahinaan ko.” Isang ngisi ang pinakawalan niya para insultuhin ang lalaki. Mukhang naapakan ni Elenor ang ego ni Herio sa pagkakataon na iyon. Inis nitong binitiwan si Alicia na walang kamalay-malay. Bigla naman na nag-alala si Elenor sa kalagayan ng babae pero mamaya na lamang niya iyon titingnan. Ang unahin niya sa oras na iyon ay ang patayin na si Herio. Masyado nang nauubos ang oras, kailangan niya pang magpahinga nang maaga dahil may pasok pa siya bukas. At aalamin pa niya ang problem ani Sady. Nasayang ang ilang oras dahil sa lalaking ito na bigla na lamang sumugod sa pamamahay niya. Ang rason na kailanman ay hindi niya ginawa, ni hindi nga niya kilala kung sino si Feria at wala siyang matandaan na may nakalaban mula sam undo ng Arasor, kung mayroon man ay sa kabilang dimensyon iyon at ang ilan ay ang mga kalahi niya. Nagpakawala siya ng isang nolang kulay lilac na usok. Pinalipad niya iyon papunta sa kinatatayuan ni Herio. Pero agad na nakaiwas ang lalaki. Ngunit hindi siya tumigil sa pag-atake, ginaya niya lang din ang estilo nito. Ang bawat kilos nito ag kokopyahin niya, at alam niyang mapapagod ito hanggang sa ito na ang susuko. Lumipad siya nang pagkataas-taas gamit ang kanyang magic broom, sinundan naman siya ni Herio. Bumulusok agad siya paibaba hanggang sa sinundan na naman siya. Paglalaruan niya ito hanggang sa mahilo. Pabalik-balik siya sa kung saan hanggang sa tumigil si Elenor at hindi agad nakapansin si Herio roon. Kaya naman nasakal niya ang lalaki. Nagpumiglas ito pero hindi niya hinayaan na makawala ang lalaki. Binalutan lang naman niya ito ng usok para hindi na makagalaw. Isang hipnotismo na kanyang ginawa. Ngumiti si Elenor habang unti-unting nangisay si Herio mula sa mahigpit ng kanyang pagkakasakal dito. “Pasensya na, minadali koang lahat. Ayaw ko kasi na sinasayang ang mahalagang oras sa isang walang kwentang bagay,” usal niya sabay paggapang ng kuryente sa buong katawan ni Herio. Nangisay ito haggang sa bawian na ng buhay at tuluyan nang maging abo. Ganoon lang pala kadali na talunin ang lalaki. Bumulusok muli paibaba si Elenor at hinanap agad ng kanyang mga mata si Alicia. Pinuntahan niya ito saka naupo sa tab ing babae. Kinuha niya ang magic potion na healing. Sana ay maging epektibo iyon sa babae para mabawi nito ang lakas na nawala. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyari ritong masama. Isang pamilya na ang turing niya kay Alicia. Hindi ito ganoon kahalaga sa kanya kung hindi. Ang babaeng ito ang nagparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Isa nang kapatid at kaibigan si Alicia sa kanyang buhay. Umusal siya ng dasal nang maipatong niya ang card sa noo nito. Hinayaan niyang sumalin ang likido sa katawan ng babae. Iyon lamang ang tanging paraan para mabuhay muli si Alicia. Makaraan ang ilang sandali naramdaman niyang gumalaw ito. Pero agad niyang ginamitan ng pampatulog para hindi na ito magtaka kung bakit sila nasa damuhan. Mas mabuti na rin ang alisin niya ang masamang alaala sa isipan na iyon ni Alicia, at napagdesisyunan ni Elenor na papalitan din ang pangalan ng baba. Nang maging maayos na ang lahat, agad kunilos si Elenor saka kinarga si Alicia pabalik sa kanyang bahay. Pinahiga na muna niya ito sa kama, bago siya lumabas. Pumwesto siya sa labas at tiningala ang malaking bahay. Pumikit siya nang unti-unti, habang nakataas ang dalawa niyang kamay sa kanyang magkabilang gilid. Umusal siya ng isang lengwahe. “Asur adi kwatruma.” Pagkatapos no’n ay agad na may isang barrier na kulay lilac ang bumalit sa buong bahay. Iyon ang magiging panangga para hindi makita ng kanilang mga kalaban ang bahay na iyon. Iyon ang magiging proteksyon nila ni Alicia. Pumasok siya muli sa loob saka tiningnan ang mahimbing nangnatutulog na babae Pumikit siya saka inilagay ang kanyang hintuturo sa noo nito. Inihipan niya iyon pagkatapos. “Mula bukas, hindi na Alicia ang panggalan mo kundi Alesa.” Kinaumagahan bigla na lamang nagising si Alesa sa kanyang kinahihigaan nang marinig niya ang ingay mula sa kanyang kinahihigaang kama. Magaan ang kanyang pakiramdam habang sapo-sapo ang kanyang ulo. Napatingin siya sa paligid, naalala niya na maaga pala sila ngayong araw na papasok sa eskwelahan ni Elenor. Dali-dali siyang lumakad palabas ng kanyang silid. Mukha yatang nahuli siya ng gising at naumagahan. “Ma’am! Kanina pa po ba kayo gising? Pasensya na po at naumagahan ako,” ani niya sabay tulong na dito sa paghahain ng pagkain nila sa mesa. “Alesa na ang magiging pangalan mo simula ngayon.” Agad na nagsalubong ang kilay niya. “Bakit po, Ma’am?” “Para sa bagong simula.” Hindi man maintindihan ni Alesa ang sinasabi ni Elenor ay napatango na lamang siya. Kung sabagay, maganda rin naman ang pangalan na iyon. Hindi na siya kokontra pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD