Chapter 55

2052 Words
Chapter 55 MATIGAS ANG MUKHA ni Elenor habang pinapasadahan niya ng tingin ang lalaking witch na kanina pa nakangisi sa kanyang harapan. Hindi niya ito kilala, kung ganoon ay mula nga ito sa mundo ng Arasor. Hindi siya pwedeng magkamali, at iang mga taga roon lamang ang may kapal ng mukha na hamunin siya sa isang labanan. Ang rason ng lalaki na makipaglaban sa kanya ay hindi pa niya alam sa mga oras na iyon. Pero sisiguraduhin niyang malulumpo ito at ibabalik niya sa pinanggalingan ang lalaki. Unang tingin pa lamang niya rito ay hindi na niya gusto. Parang may kung anong kayabangan na dala ang lalaki na parang gusto siya nitong patayin. Kung ganoon, pareho lang sila ng gusto na mangyari iyon. Napangisi si Elenor, saka inihanda na ang kanyang mga sandata sa oras na iyon, wala siyang sandata kundi ang tanging kapangyarihan niya lamang. “Baka pwedeng magpakilala ka muna? Para naman maalala kita kung sino ang mapangahas na isang taga Arasor ang sumugod sa akin dito sa payapa kong pagpapahinga,” sabi niya, sabay bigay ng isang matalim na tingin dito na ikinatawa lang ng huli. Naramdaman niya na pumwesto sa kanyang likuran si Alicia. Sana naman ay maging sapat ang mga ituinuro niya rito para malabanan nito ang lalaking kasama pa ng kanyang kalaban na tinatawanan lang siya. At hidni napigilan ni Elenor na mainsulto sa klase ng tawa nito. Inihanda niya ang kanyang magic broom at saka ang kanyang mga magic cards. Naiinis na siya sa lalaki, ang bagal nito at nasasayang na ang kanyang oras. “Herio. . .ako ang anak ng pinatay mong matanda na si Feria. Naalala mo ba siya? Ina ko siya, at narito ako para kunin ang hustisya at ang patayin ka,” galit na galit na bigkas ng lalaki. Ramdam na ramdam ni Elenor ang emosyon nitong nagagalit sa kanya. Lumalaki na lumalaki iyon dahilan para mabalot ang puso ni Herio ng galit at poot. Pero walang maalala si Elenor na may nakalaban siyang Feria. At kalianman wala pa siyang nakalaban na mula sa mundo ng Arasor. Kung ganoon, isa iyong bitag, mukhang gumagawa na talaga ng hakbang ang pinuno ng Arasor para siya ay tugusunb. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ng mga ito. pero kailangan niya munang magbigay ng atensyon sa labanan na magaganap sa oras na iyon. Baka nililinlang siya ng lalaki, at kukunin nito iyon para siya ay matalo. “Hindi ako ang pumatay sa iyong, ina. Kung iyon ang iyong pag-aakala. Pero kahit sabihin ko man sa iyo ang totoo, ang kasinungalingan pa rin ang pipiliin mo. Huwag kang mag-alala, at ibibigay ko ang gusto mong makalaban ako. magsimula ka na,” hamon niya sa lalaki sabay ngisi rito. Hinanda na ni Elenor ang kanyang sarili para sa atake nito. Hindi napigilan ni Herio ang emosyon na namayani sa kanyang puso. Galit na galit siya habang nakatitig nang matalim kay Elenor. Hindi pa nito inaamin na ito ang pumatay sa kanyang ina. Napakasinungaling ng babae. Kailangan na nga niya itong tapusin. Sa pagtakbo niya papunta sa direksyon nito ay ang kasabay ng pagpapalabas niya ng isang bolang itim na usok papunta rito. Kontrolado niya ang hangin at ang mga alikabok sa paligid, alam niyang matatalo na niya ang babae sa mga oras na iyon. Malakas nag kutob niya na mangyayari iyon, at hindi nba siya makapaghintay na maging taugmpay. “Ako ang witch ng dumi at ng hangin, Eolenor. Kaya wala ka nang kawala pa. kung gusto mo nang sumuko ngayon din, gawin mo na! huwag ka nang magsayang ng kapangyarihan mo at lakas!” sigaw niya, saka muli na naman niyang kinontrol ang hangin habang umuusal ng isang dasal na siyang magbibigay ng buhay sa hangin at mga dumi sa paligid. Napangsi si Elenor. Malakas nga si Herio, at hindi nga dapat niya ito maliitin. Mukhang mapapalaban talaga siya ng seryoso rito. Pero mukhang hindi siya makalalaban nang ganoon kaseryoso, lalo pat inaalala niya si Alicia na ngayon ay nakikipaglaban din sa kasama ni Herio. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kailangan niya munang iligtas si Alicia, kaysa ang makipaglaban kay Herio. Umatras siya nang umatras para lamang maiwasan ang mga atake na ginagawa ni Herio sa kanya. Sumakay si Elenor ng kanyang maguic broom at ganoon din ang kanyang kalaban. Mukhang hidni talaga siya nito tatantanan hangga’t hindi siya nito matamaan. Lumipad sila sa pagkataas-taas. Isang malaking nagawa na desisyon ni Elenor, dahil sa kontrolado ni Herio ang hangin. Hindi man lang siya nakagawa ng atake dahil sa mabilis itong kumilos at hindi siya binibigyan ng pagkakataon. Naiinis siya sa kanyang kahinaan, hayaan na muna niya ito hanggang sa mapagod, at iyon ang kanyang gagamitin na pagkakataon para matalo ito. “Sige, Elenor! Umatake ka! Huwag kang duwag!” Pumuno sa himpapawid ang halakhak nito na wari bang iniinsulto siya sa lahat ng mga nangyayari. At napangisi na lamang si Elenor doon. Hayaan na muna niya na magsaya ito, hanggang sa siya naman ang papalit ng halahak. Ang tanging ginawa lamang ni Elenor sa mga oras na iyon ay ang lumipad nang lumipad habang iniiwasan ang atake na ginagawa ni Herio. Maging ang hangin na pabulusok sa kanyang kinaroroonan ay iniiwasan niya. Habang marami namang mga dumi ang sumusunod sa kanya. Nakapalibot iyon sa isang ipo-ipo na ginawa ni Herio. Mukhang hindi nga agad matatapos ang labanan nilang dalawa. Ramdam na rin ni Elenor na kinokontrol na rin ni Herio ang direksyon ng hangin dahilan para maiba rin ang kanyang tinatahak na daan, mukhang kontrolado na nito ang kanyang sinasakyang magic broom. Napamura ng ilang beses si Elenor, habang nakakapit nang mahigpit sa hawakan ng sinasakyang walis. Hindi niya alam kung ano ang makatatalo sa hangin. Kailangan niyang makapag-isip agad ng paraan at ng isang cards kung paano ito matatalo. Pero hindi siya makiapag-isip nang maayos dahil mas iniiwasan niya ang mga atake nito. Lalo na at nang makita ni Elenor kung paano mat8uma si Alicia dahil sa kapangyarihan ng lalaking kasama ni Herio. Nanlaki ang mga mata ni Elenor at walang pagdadalawang-isip na bumulusok paibaba para tulungan ang babae. ** “ISA KANG tao, hindi ba?” tanong ng lalaking nagpa-iwan para labanan si Alicia. Hindi alam ni Alicia nag gagawin, pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay nanginginig ang kanyang tuod habang inuusig siya ng kaduwagan sa kanyang dibdib. Pero hindi niya maaring maramdaman iyon lalo na at kailangan niyang maging malakas, gaya ni Elenor. Hindi niya dapat na biguin ang babae, lalo na at ito na lamang ang nagpapalaki sa kanya. Kahit sa paraan lamang na iyon ay maipakita niya kay Elenor na karapat-dapat siyang pagbigyan ng oras na nito, at sa pagligtas nito sa kanya. Huminga siya nang malalim habang nilala banan ang takot na namumuo sa kanyang dibdib. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. “Wala ka nang paki-alam kung isa akong tao. Ano naman ngayon? Handa pa rin kitang labanan kahit na ano ang mangyari.” “Ibang klase, ah. Isang matapang na mababang-uri. Sabihin mo nga sa akin, bakit kasama ka ng babaeng iyon? Iyong babaeng mangkukulam mula sa mundo ng Verdona? Bakit hindi ka niya pinatay? Bakit ka naninirahan kasama siya? Ano ang koneksyon mo sa kanya?” sunud-sunod na tanong ng lalaki na hindi aakalain ni Alicia. Kahit ilang tanong pa ang ibato nito sa kanya, buo na ang kanyang pasya na hidni iyon sasagutin. Alam niya na naghahanap lamang ito ng mga kasagutan. Alam ni Alicia na kapag malaman ng lalaking ito kung ano ang koneksyon niya kay Elenor ay gagamitin nito iyon laban sa kanyang amo. Kaya hindi niya hahayaan na mangyari iyon. “Huwag mo ako batuhin ng mga tanong na wala naman akong maisasagot. Bakit hindi ka na lang lumaban sa akin? nang sa ganoon ay hindi naman masayang ang pagsama mo sa iyong amo?” matapang na hamon niya na alam naman ni Alicia na dehado sa kanyang sitwasyon. Tama si Elenor, hindi dapat siya nagpapakaduwag sa mga kalaban, mas mabuti nang mamatay nga siyang nakikipaglaban. Ngumisi ang lalaki sa kanyang harapan. “Alam ko na dehado ka sa akin, wala kang kapangyarihan.ako mayroon. Kaya para maging pantay, sa kamay na lamang at paa tayo magbabasehan. Payag ka ba roon?” Alam ni Alicia kung ano nag gusto nitong mangyari. Gusto nitong makipaglaban gamit ang kamay at paa. Suntukan at saka sipa. Mabuti na lamang at nakapag-aral siya ng karate dahil sa tulong ni Elenor. Kung ganoon ang gusto nitong mangyari ay ibibigay niya. “Sige, payag ako. huwag ka lang mandadaya na gagamitan mo ng iyong kapangyarihan ang ‘yong suntok at saka sipa.” Ngumisi ang lalaki saka tumango. “Makakaasa ka. Simulant na natin!” sigaw nito sabay takbo papunta sa kanyang direskyon. Nabitawan agad ni Alicia nag kanyang hawak na magci broom at saka inihanda ang sarili para sa atake nito. Humugot siya ng hangin mula sa kanyang baga para patigasin ang kanyang katawan. Nagpaulan ng ilang suntok ang lalaki, at agad naman iyong naiwasan ni Alicia. “ano ang pangalan mo? Ako nga pala si Alicia.” Pagpapakilala at tanong niya rito sa kalagitnaan ng pagsuntok nito sa kanya. Pero mabuti na lamang at mabilis ang mga mata niya at kumilos nag katawan para maiwasan niya ito iyon. “Dawa. Ikinagagalak kitang makilala, Alicia.” Hanggang sa umindayog ito para magpakawala ng isang malakas na sipa papunta sa kanya. Hindi iyon inaasahan ni Alicia kaya natamaan siya kanyang pisngi. Pakiramdam ni Alicia y analog ang buong pagkatao niya dahil sa sobrang lakas no’n, medyo nahilo pa siya nang kaunti. Ipiniki-pikit niya nag kanyang mga mata para umayos ang nanlalabo niyang paningin. Kailangan niyang bumalik sa normal, hindi dapat niya mabigo si Elenor. Sa kalagitnaan ng pagbawi niya sa kanyang katinuan ay isang suntok ulit ang pinakawalan ni Dawa papunta sa kanyang tiyan. “Ahh!” napasigaw siya sa sobrang sakit. Wari bang hinihiwa ang kanyang kalamnan sa loob, habang unti-unting nawawalan siya ng ulirat. Napakagat siya sa kanyang labi habang hawak-hawak ang tiyan at namilipit sa sakit. Lumapit sa kanya si Dawa saka kita niya kahit na Malabo ang pagngisi nito. Hinawakan niya nito sa buhok at pinatingala. Ramdam niya ang pag-agos ng mainit na likido mula sa gilid ng kanyang labi. “Mukhang mamatay ka na ngayong gabi, Alicia. Wala rito ang amo mo para ipagtanggol ka. Suntukan pa lang iyon, pero mukhang hindi mo na kinaya. Paano na lang pala kung ginamitan ko ng kapangyarihan? Isang patama ko pa lang siguro sa iyo ay mababawian ka na ng buhay.” Iyon ang pagkakataon ni Alicia para muli niyang maipon ang kanyang lakas at nang makabwelo naman siya sa lalaki. Kahit na nanghihina pa rin siya sa suntok nito sa kanyang tiyan ay hinugot niya ang buong lakas para magpakawala ng isang malakas na sipa sa mukha nito. Ibabalik niya lang kung ano ang ginawa nito sa kanya. Halatang nagulat si Dawa sa kanyang atake na iyon. Mukhang hindi iyon inaasahan ng lalaki. “Huwag mo akong maliitin, lalaki!” nakangisi niyang sigaw sabay pakawala pa rito ng isang sipa mula sa kanyang kanang paa, hanggang sa sinundan pa niya ulit iyon ng isang nakakalutong na suntok sa panga ni Dawa. Sumadsad sa lupa si Dawa. Ramdam niya ang pagkaalog ng kanyang mga ngipin at ng kung ano sa kanyang ulo. Hindi pa siya nakababawi mula sa pagkahilo nang bigla na lamang siyang sakyan ni Alicia sa ibabaw ng dibdib at nagpakawala pa ito ng isa pang suntok sa kanyang pisngi. Mukhang mawawalan ng huwisyo si Dawa sa mga oras na iyon. Pero hindi siya magpapatalo rito. Bumuo siya ng isang kapangyarihan mula sa kanyang kamay na binigay lang din sa kanya ni Herio. Isa iyong magic potion na magpapalakas sa kanya. Pasensyahan na lamang kung hindi siya patas na makipaglaban. Nang maramdaman niyang unti-unti nang bu,mabalik ang kanyang lakas. Agad niyang nasalo ang kamay ni Alicia na papasuntok na naman sana ulit sa kanyang pisngi. Halatang nagulat ang babae sa biglaan na iyon. “Pasensya na, pero hindi ako sumusunod sa usapan,” ngising sambit niya, sabay bwelo para bigyan ito ng napakalutong na suntok sa pisngi. Rinig niya ang pagkawasak ng bungo ni Alicia sa mga oras na aiyon. Tumilapon ito at sumadsad sa damuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD