Chapter 54
Uwian na at napansin ni Elenor na hindi na siya ang sinusundan ni Patrick kundi si Sady na. Iisa lang ang ibig sabihin no’n, gumana ang love potion na ginawa nilang dalawa ni Alicia. Napangiti siya para sa dalawa, iba rin pala talaga kapag may nagagawa siyang tama. Hindi na mawawala ang bisa ng love potion na iyon sa dalawa. Dahil sinigurado na niya na walang makababawi o makasisira no’n, gusto niya na maging masaya ang dalawa para kahit wala na siya sa mundo ng mga tao ay maging maganda ang pagsasama ng mga ito.
Bakita ni Elenor na paqpalapit sa kanyang kinatatayuan si Maurisa. Nakasunod din ang tingin nito kina Sady at Patrick. Hindi maiwasan ang pagtataka sa mukha nito nang bumaling sa kanya. “Hindi ka na ba gusto ni Papa Pat?”
Umirap siya sa kawalan at hindi pinansina ng tanong nito. Marami pa siyang dapat na alalahanin kung ano ang mga agay pa na pwede niyang gawin kay Sady. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang babae, wari bang takot ito sa kanila at hindi nakikihalubilo, pero kung kakausapin naman ay kinaki-usap sila. Nakapagtataka lang kung bakit ganoon, kailangan niyang malaman kung bakit.
“Wala, huwag mo na silang intindihin. Mabuti nga iyan, hindi na siya manggugulo sa akin.” awat niya sa babae. Naupo siya sa may bench. Hinihintay na naman niya si Alicia, nauna na naman kasi ang uwian nila. mukhang isang oras ulit ang paghihintay niya sa babae.”Nga pala, Mau. May alam ka ba tungkol kay Sady? Bakit siya ganoon?”
“Si Sady?” kunot-noo na tanong ni Maurisa, sabay upo nito sa kanyang tabi. Mukhang handa na naman na makiusyoso ang babae sa kanya. Hidni tuloy malaman ni Elenor kung sadyang likas ba ang ganoong ugali sa mga tao.
Pero wala na siya roong pakialam. Ang mahalaga sa kanya sa mga oras na iyon ay ang malaman kung ano ang nalalaman nito tungkol kay Sady, dahil nasasayang ang oras niya na pakinggan ang mga bagay at pagtuunan ng pansin ang bagay na hindi magiging kapaki-pakinabang sa kanya.
“Oo, si sady. Napapansin ko kasi na kung bakit ganoon siya? Hindi ba siya sanay na may kumakausap sa kanya?”
Huminga nang malalim si Maurisa saka napa-isip nang malalim. “Hindi ko alam, pero naririnig ko kasi noon nang wala ka pa ha. Biktima kasi siya ng pang-aaway dati ng mga dati niyang kaklase. Walang gustong sumama sa kanya dahil nerd daw siya at weird. Kaya walang gustong makipagkaibigan sa kanya o kaya ang gusto man lamang siyang kausapin. Kaya siguro ganoon, nakasanayan na niya ang maging tahimik sa buong klase at ang umiiwas sa ating lahat,” mahabang kwento ni MAurisa na siyang ikinatango ni Elenor.
Kung ganoon ay may pinagdadaamam pala ang babae na problema ng mga tao sa mundong iyon. Hindi na rin pala na-iiba nag sitwasyon na pinagdadaanan ni Sady sa kung ano ang piinagdaanan niya rin noon sa mundo ng VErdona. Dahil sa kanyang pagkakaiba ay hindi rin siya ginustong maging kaibigan ng lahat, itinuring na kalaban.
“Pareho pala kami. Kawawa naman siya.gusto ko siyang tuluyan na lumaki ang tiwala niya sa kanyang sarili at hindi na niya kailanganin pang alalahanin ang mga nang-aaway sa kanya.”
“Iyan lang, Ele. Kaso mukhang pili lang ang kinakasama iyang si Sady. Kaso nakapagtataka lang at hinayaan niya si Papa Pat sa pagkuha ng bag niya at sinabayan oa siya sa paglalakad palabas ng gate. Dapat nga sa iyo ginagawa iyon ni Patrick, e. pero hindi pala at kay Sady na. pero bagay silang dalawa, ah!”
Napailing na lamang si Elenor dahil sa kadaldalan ng babae. Iisa lang ang tinanong niya rito kanina, pero naparami na yata agad ang mga sinabi nito na hindi naman nakakonekta sa binitiwan niyang tanong. Madldal lang talaga si MAurisa. Ewan niya lang kung bakit? Siguro mahilig ito sa mga usapan na wala namang kakwenta-kwenta.
“Thanks, Mau, ah? Wala pa rin ba ang sundo mo?”
“O, speaking. Kanina pa pala naghihintay sa akin sa labas. Hindi ka na ba sasabay sa akin?”
Umiling agad si Elenor bilang sagot sa kaibigan. “No, hihintayin ko pa kasi ang kapatid ko.”
“Sige, Elenor. Mag-iingat ka ha? Alis na ako,” paalam naman ni Maurisa sa kanya sa mga oras na iyon.
Nang makalayo na sa kanya si Maurisa ay napahinga siya nang malalim. Sa mga oras na iyon ay iniisip niya kung paano niya matutulungan si Sady. Kung ganoon, biktima rin pala ito ng panlalait tulad niya. Bumangon muli ang galit sa kanyang dibdib. Wari bang pinipiga iyon ng galit at sobrang kalungkutan. Naawa siya kay Sady, hindi niya lubos maisip na may ganoon din pala sa mundo ng mga tao. Akala niya ay sa mundo lamang ng Verdona. Mayroon na pagkakaiba ang dalawang mundo, pero mayroon din na pagkakapareho.
Napahilot siya sa kanyang sintido, hanggang sa may naramdaman siyang enerhiya. Isang napakalakas na enerhiya. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling, ngunit alam niya na isa rin itong katulad niya. Isa nga lang na masamang witch. Inihanda niya agad ang sarili, kung ganoon nasa delikadong sitwasyon ang mundo ng mga tao. Napapalibutan na ba ng masasamang witches ang mundong iyon? Bakit hindi na lamang nanatili ang mga ito sa mundo ng Arasor? Nang sa ganoon ay magtahimik na ang mundo ng mga tao na wala namang ginawang masama sa kanila?
Mukhang hindi lang iyon ang magiging problema niya, kundi mayroon pa palang iba. Ang daming problema na naman na binibigay sa kanya. Kalian pa ba siya mananahimik? Ano ba talaga ang mayroon sa kanya at sinusundan siya ng kasamaan?
Pinakiramdaman niya nang mabuti ang enerhiya. Palakas iyon nang palakas. Kaunti na lamang at malalaman na niya kung saan ito nanggagaling. Pero hindi natuloy dahil bigla na lamang dumating si Alic ia, nawala tuloy ang focus niya. Wrong timing na naman ang babae, kung saan na nga malapit na niyang maramdaman kung kanino iyon ay saka pa ito darating.
“Panira ka talaga, Alicia.” Gigil na gigil siya sa mga oras na iyon, habang nililibot ang paningin sa buong paligid. Iyon na lamang sana, kaso nasira pa.
“Bakit po, ma’am?” inosenteng tanong nito, walang kaalam-alam.
Hinawakan niya na lamang ang kamay nito. Masama ang kutob niya sa mga oras na iyon. Alam niya na may nakikinig sa kanya. Mukhang siya yata nag punterya sa mun dong iyon kaya nagparoon ang mga masasamang witches.
“Kailangan na nating umuwi. Masama ang pakiramdam ko. madali ka,” bulong niya kay Alicia.
Hindi alam ni Elenor kung narinig ba iyon ng babae. Pero hindi na niya ito hinayaan pa na magsalita. Gumamit siya ng invisibility para hindi sila makita ng kanilang mga kalaban. Gumawa agad siya ng portal at pumasok sila roon ni Alicia. Hindi niya hahayaan na doon sila aatakehin ng kalaban. Mas mainam na kapag sa kanyang bahay sa gubat, nang walang madamay na inosenteng mga tao.
Pagkarating nila sa bahay ay taking-taka si Alicia sa kinikilos ni Elenor. Bigla na lamang kasing nag-iba ang awra nito, ramdam niya iyon, at hidni siya pwedeng magkamali. May mali talaga sa nangyayari. Hindi naman ganoon ang awra nito simula noon, itong mga oras lang nagbago. Ano kaya ang iniisip ng witch na amo niya?
“Ma’am, may problema po ba?” tanong na lamang niya kapagdaka. Hindi na rin niya maiwasang mag-alala para rito.
Inayos ni Elenor ang kanyang magic broom, ang kanyang m,agic hat, at ang cloak nito. Maging ang mga magic cards kung saan ang mga magic potion ay nakatago roon. Hindi sinagot ni Elenor si Alicia sa mga oras na iyon. Abala siya sa kanyang pagliligpit ng mga gamit. Nararamdaman na niya na paparating na ang kanilang kalaban sa mga oras na iyon. Kailangan niyang magmadali, kung hidni ay baka sila pa ang matalo.
“Madali ka, Alicia. May kalaban na paparating,” bigla niyang sambit na ikinagulat naman ng kanyang kanang kamay na si Alicia.
Hindi alam ni Alicia kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Para siyang natuod sa kanyang kinatatayuan. Pero madali siyang kumilos at agad na kumuha ng mga gamit na kanyang gagamitin sa pakikipaglaban. Kung ganoon, sasabak sila sa isang madugong geyra.
“Sino pong mga kalaban, ma’am?”
“Hindi ko rin alam. Pero malakas siya. Kanina ko pa nararamdaman ang enerhiya niya. Kailangan natin na magmadali.”
NAKATINGIN sa isang malaking bahay ang isang lalaking witch. Malakas ang enerhiya na tinataglay nito, isang itim na awra. Napangiti siya nang malapad nang maramndaman ang enerhiya ni Elenor na naroon sa loob ng bahay na iyon. Hindi lang iyon ang nararamdaman niya kundi ang maging isang enerhiya rin na mahina. Sigurado siyang mapapatay niya sa gabing iyon ang banta sa lahat ng mga nakatira sa mundo ng Arasor. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataon na iyon. Ang makalaban si Elenor nang harapan. Ito lang kasi ang makapagbibigay sa kanya ng mataas na rango. Nag-uunahan silang hanapin ang babae. At tama ang kanyang hula, nasa mundo ng mga tao si Elenor. Sa wakas, matutupad na rin ang mga balak niya.
Bukod sa kanya ay may kasama pa siyang isang lalaki na kanyang kanang kamay.
“Mahal na Herio, sigurado po ba kayo na riyan nakatira si Elenor?” tanong nito, may bahid ng pag-aalala sa mukha at boses. Hindi niya alam kung natatakot ito na mamatay sa gabing iyon, o nag-aalala para sa kaligtasan nilang dalawa?
Kahit na ano pa man iyon, wala siyang paki-alam. Ang mahalaga sa kanya sa mga oras na iyon ay ang mapatay si Elenor. Iyon ang pangakong binitiwan niya bago mamatay ang kanyang ina. Ang ina na tanging kasama niya mula pa noon, at dahil kay Elenor ay namatay ito, nawalan siya ng lakas muli na mamuhay nang payak. Pero nagising siya sa katotohanan, kailangan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. At matatahimik lamang siya kapag napatay na niya si Elenor.
Mahabang panahon nag kanyang ginugul sa pag-eensayo, sa tingin niya ay handa na siya sa mga oras na iyon. Sisiguraduhin niyang hindi masasayang ang lahat ng kanyang pagod, kaalaman na nakuha sa pag-eensayo, at ang lakas na kanyang inipom. Iyon na lamang ang kanyang panghuhugutan ng lakas at ang kanyang ina na sa kung saan man ito naroroon. Mahalaga sa kanya ang bagay na iniwan nito at hindi niya iyon sasayangin.
“Huwag kang duwag, Dawa;. Alam mo naman na handa na ako sa pakikipagkita ngayon kay Elenor. Kung ayaw mong makipaglaban, manood ka na lamang sa amin. Ako ang bahala sa kanya, hindi mo kailangang mamatay nang dahil lang sa kaduwagan na namamayani diyan sa pagkatao mo,” pangaral niya sa lalaki.
Napulot lang din naman niya noon si Dawa sa mundo ng Arasor nang matapos maglinis ang mundo ng mahihinang nilalang. At isa si Dawa ang nailigtas niya. Gagawin niya ang lahat para mapaloakas ito, ito na rin ang tinuring niyang pamilya kahit na papaano. Pero bmukhang da dugo talaga nito ang kaduwagan kaya hindi niya alam kung paano pa ito poprotektahan mula sa kanyang mga kasamahan.
Pero kapag siya ang makapatay kay Elenor, marami ang magbabago sa buhay niya. Bibigyan siya ng isang malakas na kapangyarihan ng kanilang Haring Arasor at ibibigay sa kanya ang bawat kanyang hihingin.
Maya-maya ay narinig nila ang pagbukas ng pinto. Napangiti siya, dumating na nga rin ang paghaharap nilang dalawa ni Elenor.
“MA’AM, handa na po ba kayo? Pwede naman po tayong tumakas. May oras pa po tayo,” anyaya ni Alicia kay Elenor nang palabas na sila ng bahay.
Nanlilisik ang mga mata niya nang bumaling sa babae. Hindi siya isang duwag para lamang atrasan ang kalaban na pumunta sa kanyang teritoryo. “Mas mabuti na nag mamatay ako na nakipaglaban, Alicia. Kung ayaw mo, pwede ka nang tumakbo ngayon din. Hindi ako magkakamali na lalaban sa oras na ito. hindi na magbabago ang isip ko. buo na ang pasya ko. may oras ka pa na iwan ako, Alicia. Kaya ko ang sarili ko, kaya hindi mo kailangan na alalahanin ako.”
Pagkatapos niya iyong sabihin ay mabilis siyang naglakad kung saan natatanaw niya na ang bulto ng kalaban. Kung ganoon, mula nga sa mundo ng Arasor ang makakalaban niya ngayong gabi. Dito pa talaga ito manghahasik ng lagim sa mundo ng mga tao.