Chapter 53

2071 Words
Chapter 53 NAKANGITI si Elenor nang makabalik na siya sa kanilang room nang hapon na iyon. Hindi na nakabalik pa si Maurina dahil inasikaso nito ang kapatid, wala itong alam sa kanyang ginawa at mananatili na lamang na lihim iyon habang-buhay, dahil hindi naman siya magtatagal sa mundo ng tao at babalik na siya s amundo ng Verdona—kung saan nararapat ang mga witch. May kailangan pa siyang pabagsakin na mga kaaway roon, para malupig na ang kasamaan sa mundo. At hindi niya hahayaan na masira nang tuluyan ang mundo ng Verdona. Napatingin siya kay Patrick nang nakatingin ito sa kanya sa mga oras na iyon. Kailangan na niya talagang humanap ng babae na siyang nararapat dito. Binaling niya ang kanyang paningin sa buong klase at naghanap ng mga babaeng makakaagaw ng kanyang pansin. Hanggang sa makita niya si Sady, ang babaeng walang kaibigan at palagi na lang mag-isa. Paano ba naman kasi ay palagi itong inaaway ng mga kaklase kaya walang kaibigan. Isa pa mukhang mahina kaya madaling api-apihin. Napahinga siya nang malalim, mukhang kailangan niya munang gumawa ng love potion. Iyon lamang ang madaling paraan para magmahalan ang dalawa. Uwian na at hinintay niya si Alicia. Naunang natapos ang klase niya at ito naman ang nahuli. Kakailanganin niya muna ang tulong ng babae sa mga oras na iyon para matuloy ang mga plano niya kay Sady at Patrick. Natanaw niya sa hindi kalayuan si Patrick na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Napairap sa kawalan si Elenor. Ayon na naman ang kakulitan ng lalaki. Hindi nagtagal at tuluyan nang nakalapit ito sa kanya. Ngumiti agad ito. “Hi, Elenor. Iniiwasan mo ba ako?” Gusto niya itong sagutin pero pinigilan niya ang sarili. hindi niya alam kung paano ito susungitan. Wala naman kasi itong ginawa sa kanyang kasalanan. “Hindi naman, may hinihintay lang ako,” sagot niya, sana naman ay iba ang ma-gets nito mula sa sinabi niya. Agad na nagsalubong ang kilay ni Patrick. “Sino? Lalaki ba?” “Hindi, si Alicia. Kasamahan ko sa bahay.” Natanaw ni Elenor si Sady na papalabas na ng room at papauwi na. hindi niya alam pero agad na may pumasok na ideya sa isip niya. Ngumiti siya nang nakakaasar na tila ba may plano siyang kakaiba. “Pat, baka pwede mong ihatid si Sady? Kawawa naman,” ani niya, hinaluan pa niya iyon ng kaunting sweetness ang boses. Mukha namang nagulat si Patrick sa kanyang sinabi. Napatingin din ito kay Sadyb na papunta nang gate. Mukhang nagdadalawang-isip kung susundin ba nito ang sinabi niya. “Please? Promise magde-date tayo bukas!” dugtong pa ni Elenor na dinagdagan pa ng pang-aakit na ngiti. Iyon lang din ang tanging paraan parqa mapapayag niya ito. pasalamat na lang siya sa mga movies na pinapanood sa kanya ni Alicia. Marami siyang natutunan na mga ganoong estilo ng mga tao. Mukha namang lumiwanag ang mukha ni Patrick pagkarinig sa sinabi niya. “Sige, ba! Basta bukas ha? Sinabi mo iyan, Elenor.” Tumango siya saka ngumiti nang pilit. Pero hindi na talaga mangyayari iyon, Patrick. Pasensya ka na, pero magagawa mo na iyon kay Sady. Naisatinig ni Elenor sa kanyang isip. Hindi na niya iyon pinarinig pa sa lalaki, baka mamaya ay hindi siya nito sundin, maudlot na naman ang plano niyang pagpapalapit sa dalawa. Tanaw niya ang dalawa na papalayo sa kanya, napangiti siya nang makita ang dalawa na bagay sa isa’t isa. Perfect match ang mga ito. hindi siya nagkamali. Hinintay pa niya talaga ng isang oras si Alicia, bago ito tumungo sa kinaroroonan niya. Sobrang bagal pa niti maglakad kaya siya na lamang ang tumayo mula sa bench saka nilapitan ang babae. Kung ganito kabagal ang kasama niya ay ewan na lamang niya kung masasabayan pa niya sa paglalakad ito. isa pa naman siyang mainipin na klaseng witch. “So, ano po ang nangyari sa araw ninyo, MA’am?” tanong nito agad sa kanya nang makalabas na sila ng campus. Balak niya muna na maglakad-lakad sa araw na iyon, kaya hindi na muna sila gagamit ng portal ni Alicia. Kwenento niya ang lahat kay Alicia, mula sa paglabas ng room ni Maurina hanggang sa pagpapagaling niya sa kapatid nito na muntikan nang binawian ng buhay. “Naku, kung hindi ko agad siguro dinasal iyong latin, ewan ko na lamang kung nagamot ko ang kapatid niya. Baka namatay na talaga,” ani pa niya habang napasapo sa kanyang noo. Mabuti na lamang talaga at mabilis siyang kumilos kung hindi ay baka kulilat na siya agad sa kanyang unang misyon. “Mabuti nga po, ma’am, at nagawas niyo. Kahit papaano ay may maiiwan ka na magandang alalaa kay Maurina,” nakangiting turan ni Alicia, na ikinangiti niya rin. Iba pala sa pakiramdam kapag nakatulong siya sa mga tao, kahit hindi na alam ng mga ito ang tungkol doon. Kaya talagang gagawa na siya ng love potion mamaya para vsa dalawa na si Patrick at Sady. “Dahil sinabi mo iyam tulungan mo ako at samahan sa paghahanap ng sangkap para sa dalawang hindi makita nag pag-ibig na kanilang hinahanap.” Napakunot ang noo ni Alicia sa narinig na sinabi ni Elenor. “Ano na naman po ang pinaplano ninyong gawin?” “Gagawa tayo ng love potion mamaya. May paggagamitan lang ako sa dalawa kong kaklase. Iyon ang magiging simula ng lahat para maging maligaya na silang dalawa.” “Sino po ang dalawang tao na ito?” “Si Patrick at Sady,” diretsa niyang sagot na ikinalaki ng mga mata nito. “Si Patrick at Sady? Ma.am, hindi mo po ba alam na may gusto po sa inyo iyon?” gulantang na tanong ni Alici. “Wala namang nagkakaila na gusto niya ako. ang ayaw ko lang ay ang mahulog siya nang tuluyan sa akin at nang maging masaya rin naman siya. Deserve niya ang bagay na iyon. At hindi ako, dahil aalis din naman ako sa mundo ng Verdona. Saka pa bagay na bagay silang dalawa no’ng Sady.” Ani iya na siyang ikinatangio nito. Minsan talaga kailangan niyang sabihin sa lahat ang mga nalalaman niyang bagay sa para matauhann ang mga ito. hindi niya makakapayag na wala siyang gagawin “Tara na nga, Ma’[am, parang iiyyak na po kayo .”” yaya sa kanya mi Alicia. Kahit kalian otalaga nagbubuking itong kasama niya. Sabi niyang ayos lajng siya at hindi nito kayang gawin sa pinaparatang na mgabagay. Pumunta muna silang dalawa ni Alicia sa gubat para kumuha ng mga sangkap na gagamitin para maging tagumpay ang kanyang loob. Hindi na niya siguro deserve ang masaktan at lalo na ang magkaroon siya ng relasyon mula sa mundo ng mga tayo. hindi niya forte ang bagay na iyon. Kapag maging tagumpay ang kanilang paggawa ng love potion mamatay ay talagang gagamitin niya ang bagay na iyon para kay Patrick at Sady. Hindi na siya makapaghintay pa na magagawa niya ang kanyang plano sa pangalawang pagkakataon. Nang makumpleto na nag mga dahoon ng iba’ibang puno ay dumeretso sila sa bukal ng tubig para kumuha doon ng bilang siyang gagamitin niyang pinakuluan sa malaking kawa. Nakakuha na rin sila ng mga iilang insekto na mahirap hulihin, pero dahil hindi siya tao naging madali na lamang sa kaniya at kay Alicia ang lahat. Paga-uwi ay agad na nagluto silang dalawa at kumain, pagkatapos no’n ay ginawa na nilang dalawa ang love potion para sa dalawang si Patrick at Sady. Isa na rin iyong paraan para matuto na si Alicia kapag gawin na niya itong kanyang kanang kamay. Para kung sakaliman na tanggapin iyon ni Alicia ay kaunti na lamang ang kanyang ituturo sa babae. “Talagang magiging epektibo ito, Ma’am.” Umirap siya kay Alicia nang sabihin nito iyon. “Talaga naman. Tayong dalawa na ang gumawa. Oo nga pala, tulungan mo ako bukas kung paano ko ito magagamit kina Patrick at Sady.” “Gawan na lang natin sila ng pagkain, Ma’am. Ilan po ba kayong lahat?” suhetsyon bigla ni Alicia na ikinasalubong ng kanyang noo. “Ano ang ibig mong sabihin? Bibigyan ko lahat ng mga kaklase ko ng pagkain?” tanong niya ulit. “Oo, ma’am. Para sa ganoon ay hindi magtaka nag dalawa kung bakit sila lang ang binigyan niyo ng pagkain. May naisip na po akong pagkain na makatitipid tayo. saka madali rin lang po iyon sa inyo. You have magic.” Inirapan niya ito. iyon lang din naman kasi ang advantage, may magic pala siya kaya madali rin lang iyon. “Tapos ma’am, dalawa lang na pagkain ang lalagyan niyo ng love potion. At iyon ang ibibigay mo sa kanilang dalawa,” dugtong pa ni Alicia na ikinatango niya. Maganda ang naisip nitong paraan. Pero tatapusin na muna nila ang paggawa ng love potion para hindi maunsume ang kanyang plano. Kinabukasan ay maaga silang naghanda ni Alicia ng isang lumpia na pagkain, iyon daw ang nakita ni Alicia at naalala nito na pagkain na patok na patok. Sinabi na rin nito na ang magiging palusot niya kung tatanungin siya bakit siya nagbigay no’n ay dahil birthday ni Alicia. Tumango-tango na lamang si Elenor. Ibang klase rin kung mag-isip si Alicia, hindi sablay at makikinabangan nga talaga. Nang nasa school na sila ay agad siyang iniwan ni Alicia nang bigla na namang suimulpot si Maurina. Halatang ang saya-saya na ng babae at parang walang masamang nangyari rito kahapon. Isang mapagpanggap pala na ngiti ang mga nakikita ni Elenor sa babae noong mga ilang araw at simula nang makilala niya ito. pero sa mga oras na iyon ay iba na nag ngiti ng babae. Isang tunay na ngiti na nakakasilaw. “Hi! Elenor!” “Ang saya natin, ah. Anong mayroon?” tanong niya, hinuhuli niya lang kung may sasabihin ito. “Masaya ako kasi gumaling ang kapatid ko. nawala ang kanyang sakit, Elenor. Hindi ko alam kung isang himala ba iyon o ano. Pero thankful talaga ako,” ani nito na siyang ikinatango niya. “Tulungan mo ako sa pagdala nito. Birthday kasi ng kapatid ko, at ito lang ang naisipan kong ibigay sa inyo.” “Naks naman! Iba ka talaga!” masayang wika nito na ikinairap na lamang niya. Pasimple siyang pumitik ng kanyang daliri saka pinalutang nang kaunti sa ere ang dala niyang box. Pumasok na silang dalawa sa loob. Sana ay maging tagumpay ang kanyang gagawin sa mga oras na iyon. Napatingin ang lahat sa kanilang direksyon nang bigla na lamang sumigaw si Maurina. Napahinga na lamang nang malalim si Elenor. Kahit na kalian talaga ay ang ingay ni Maurina. “Birthday ng kapatid ni Elenor. Dali may threat siyang food sa atin.” Pinamigay na nilang dalawa ang mga lumpia. Pero siya ang nagbigay kay Patrick na labis ikinatuwa ng lalaki. Lumapit naman siya kay Sady. Halatang nagulat ito sa biglaan niyang pagsulpot. “Kunin mo na, wala namang lason iyan.” Nakangiti pang hikayat niya kay Sady, napatingin ito sa kanya, habang nanginginig ang kamay na kinuha nito ang pagkain mula sa kanya. Mas lalong napangigti si Elenor. “Try mo nga kung masarap. May sobra pa roon,”: dugtong pa ni Elenor, hanggang maari ay masiguro niyang kakainin nito iyon. “S-salamat,” ani ni Sady, sabay dahan-dahang kinagat ang lumpia. Hanggang sa naging sunud-sunod. Tagumpay. Hihintayin na lamang niya mamaya ang resulta ng gayuma. Hindi na siya makapaghintay na matulungan pa ang ibang mga kaklase niya, at mukhang may kailangan pa siyang ayusin kay Sady. Kaya ito ang isusunod niya sa kanyang listahan. Nagsimula na ang klase. Hindi mawala-wala ang mga mata ni Elenor sa dalawa. Hinihintay niya kung naging effective ba ang kanyang ginawang gayuma. Mamaya ay susundan niya ang dalawa kapag palabas na sila ng room. “Elenor, ayos ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo.” Biglang salita ni Maurina sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip. Kahit kalian talaga panira ito. pero hindi na niya sinagot nag babae at nakinig na lang sa klase. Pero mayroon siyang ibang enerhiyang nararamdaman na noon niya lang nasaksihan. Mukhang naroon din sa loob ng room nila. pero hindi pwede na nag love potion iyon dahil wala naman iyong kapangyarihan. Hinanap ng kanyang mga mata kung sino ang nagmamay-ari ng malakas na enerhiyang iyon na siyang mula sa masamang witch. Pero wala siyang makita. Ibig-sabihin, nagpapanggap din ito na isang tao. Masama ang kutob ni Elenor sa bagay na iyon. Kailangan niyang mahanap kung sino iyon habang maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD