Chapter 52

2060 Words
MAAGANG nagising si Elenor para gawin ang kanyang pinaplano sa mga oras na iyon. Oras na para maghanao siya ng mga taong pwede niyang tulungan at ang mga masasamang tao na babaguhin niya. Sinabi niya kay Alicia ang plano nang umagang iyon at agad itong komontra. “Baka po, Ma’am , gamitin mo ang kapangyarihan mo laban sa kanila. Hindi naman po siguro tama iyon?” may bahid talaga ng pagdisgusto sa boses nito na ikinairap ni Elenor. “Pwede ba, Alicia, minsan suportahan mo na lang ako? Hindi naman ako masamang witch.” Naiinis na siya sa pagigung masyadong judgmental ng babaeng ito. Hindi niya tuloy maintindihan kung sa kanya ba ito kumakampi o sa komokontra ito. Kinagat nito ang sandwich na kanyang ginawa kanina. “Siyempre po, Ma’am, iba po kasi kayo mag-isip. Baka mamaya mawala sa isip niyo na tao pala ang nasa harapan niyo at akalain ninyong witch na kalaban.” Kung sabagay, may punto ito. Pero hindi naman iyon ang magiging rason para kontrahin siya nito. “Basta! Wala nang makababago sa desisyon ko. Gugustuhin mo man iyon o hindi. Tulungan mo lang ako mag-target ng mga taong alam mo na kailangan ng tulong at kailangan na magbago,” pagtatapos niya sa usapang iyon. Kahit na napipilitan ay tumango na lamang si Alicia. Nang matapos silang kumain ay gumamit ba lamang siya ng portal papunta sa banyo ng paaralan, para kahit papaano ay hindi sila mapanain na bigla na lamang dumating sa kung saan. Baka matakot ang mga ilang estudyante at mahimatay pa. “So sino ang unang target natin ngayon?” Tanong niya kay Alicia habang naglalakad sila sa hallway. Napatingin si Alicia sa papalapit na babae sa kanilang direksyon. Alam na niya kung sino ang unang target sa mga oras na iyon. “Si Maurina!” bulong niya sabay iwan kay Elenor. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Alicia at si Maurina ang nakita nito. Napakagat na lamang sa kanyang labi si Elenor habang pinipigilan ang sarili na magalit. Ano naman ang aalamin niya sa kanyang babaeng kaibigan kuno? “Elenor! Omg~ makakasabay na rin kita pagpasok ng room. Ang aga mo yata ngayon, ah?” bati agad nito sa kanya na ikinangiwi niya. Kung makaakto ito ay parang walang kasalanang nagawa sa kanya. Sariwa pa sa isip niya ang pag-iwan nito sa kanya kahapon habang naroon si Patrick. “May gana ka pa talaga akong kausapin pagkatapos mo akong iwan kahapon?” nagtatampo niyang sambit sabay patiuna na sa paglalakad. Wala siya sa mood na makipag-usap dito. Ano na ang gagawin niya? Paano niya malalaman kung saan may problema si Maurina? Masyado naman kasing madaldal ang babae at wala na itong itinago sa kanya simula moong unang buwan ng pagkakakilanlan nilang dalawa. O, baka may itinatago nga ito na hindi sinasabi sa kanya? Maski nga si Elenor ay may tinatago siyang malaking sikreto. Si Maurina pa kaya? Wala bamang pagkakaiba ang mga tao sa kanilang mga nilalang o witches. Ang pinagkaiba lang ay mayroon silang kapangyarihan. “Ito naman tampo agad. Hindi naman sa gamoon, Elenor. Ang akin lang para mabigyan kayo ng oras ni Patrick na mag-usap.” Humabol ito sa kanya saka sumabay sa kanyang paglalakad. Totoo ba iyon? Duda siya sa pinagsasabi nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Kung paano magsisimula sa kanyang misyon. Huminga siya nang malalim. Okay, tatanggapin na lamang niya kung ano ang sinabi nito. Wala na rin siyang magagawa kapag hindi niya ito pakikinggan. “Oh, siya, sige na nga. Basta huwag mo na ulit iyon gagawin, ha? Magtatampo na talaga ako nang tuluyan sa iyo.” “Oo, Elenor! Promise!” Itinaas pa nito ang kanang kamay bilang pangako sa kanya. Napa-irap na lamang siya sa kawalan. Ang mga estilo ng mga tao na natutunan niya nang lahat at dahil sa pagpapanggap niya at tinuturo na rin sa kanya ni Alicia. Pero may mga bagay pa naman siyang hindi alam. At iyon pa ang gusto niyang matutunan sa mga susunod na araw. Pumasok sila sa room, maingay, maraming nagbabatuhan ng kung ano, at sa nakasanayan ni Elenor ay napatingin sa kanya ang lahat. Minsan nga sinabihan siya ng iba na weird, dahil totoo naman iyon. Hindi naman talaga kasi siya tao at isa siyang witch. Kaya noong napuno na ang taenga njya ay sinara niya ang bibig ng mga ito sa buong araw. Mabuti na lamang at hindi nagtaka ang mga ito kung paano iyon nangyari. Wala naman kasi siyang iniwan na hint na siya ang may gawa. Isa pa binura niya rin ang mga alaala ng mga ito, kaya nakalimutan na ng mga ito ang tungkol sa bagay na iyon. Sa kalagitnaan ng kanilang klase ay panay ang tingin ni Maurina sa hawak nitong cellphone. Nalaman niya lang kay Alicia na iyon ang tawag sa kakaibang gadget na iyon na kayang tawagan ang nasa ibang lugar. Iyon ang maituturing ni Elenor na kapangyarihan ng mga tao, ang teknolohiya at ang katalinuhan. Napansin niyang medyo nag-aalala ang mukha ng babae habang nakatingin ito roon. Mukhang kailangan nito ng tulong na hindi siya napapansin. At kailangan niyang malaman kung ano ang problema na kinakaharap nito. Hindi na yata siya witch, mukhang tagatupad na siya ng mga gustuhin ng tao. Kaso iyon naman talaga ang plano niya, para kahit papaano ay may maiwan siyang magandang alaala sa mundong iyon. Pagkatapos kay Maurina ang isusunod niya ay si Patrick. Hahanapan na lamang niya ito ng isang babae na mamahalin nito, ‘yong makakasama ng lalaki habang buhay at hindi iiwan. Hindi isang tulad niya, pansamantala lamang sa mundo ng mga tao, at kinakailangan nang bumalik sa Verdona kahit na kailan niya gustuhin. Sa mga oras na iyon ay maghahanap langs iya ng labing-isang mga taong tutulungan. Ang nasa una na kasi ng kanyang listahan ay si Alicia at ito na rin ang kanyang ipapahuli. “Excuse me, Ma’am! Emergency!” Biglang sigaw ni Maurina sa kalagitnaan ng klase. Wala nang nagawa ang kanilang guro kundi ang hayaan na tumakbo palabas ang babae habang bitbit nito ang bag. Pinalipas niya muna ang sandali saka siya sumunod sa babae. Sinigawan pa siya nito pero wala na siyang pakialam. Lihim niyang sinundan si Maurina. Sumakay ito ng isang itim na van, na siyang alam niyang pagmmamay-ari nito. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Elenor. Kung ganoon, ano ang ibig sabihin ni Maurina kanina? Saan pupunta ang babae at bakit nagmamadali ito? Agad siyang nagkubli sa isang tagong poste saka siya nagpalit ng anyo sa isang uwak. Sinundan niya ang van na sinakyan kanina ni Maurina. Hindi naman kasi talaga niya problema ang mga tao, pero dahil gusto niya ng thrill ay makikisawsaw siya. At ito na nga ang simula, kahit papaano ay naging malapit din sa kanya ang babae. Kaya kung anoman ang problema na kinakaharap niyo ay handa siyang tumulong. Mabilis ang pagpapatakbo ng van kaya mabilis din ang paglipad ni Elenor hanggang sa tumigil iyon sa isang malaking gusali. Nakita niyang nagmamadaling lumabas si Maurina sa van kaya naman mabilis na pumasok si Elenor sa loob gamit ang kapangyarihan na invisibility na siyang magic potion niyang ginawa noon. Hindi niya aakalain na gagamitin na takaga niya sa pagkakataon na iyon. Sinundan niya si Maurina hanggang sa makapasok ito sa isang silid. Kung ganoon, nasa hospital sila. Sinabi na rin sa kanya ni Alicia ang mga lugar na maaring puntahan ng tao kapag emergency. Kaya siguro narinig niyang binigkas iyon kanina ni Maurina. Kung ganoon, sino ang nasa loob ng silid na iyon? Luminga-linga sa paligid si Elenor. Hindi siya nakikita ng mga tao sa corridor kung saan siya naroroon. Kung ganoon effective nga ang magic potion, iyon nga lang ilang oras lamang ang itatagal no’n at mawawala na agad ang bisa. Kailangan niya lang na magmadali at gawin kung ano ang maari niyang maitulong para kay Maurina. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Naabutan niya si Maurina na umiiyak. Hawak nito ang kamay ng isang batang lalaki. Wala na itong buhok, putting-puti ang buong balat at maging ang mga labi. Iisa lang ang isang ibig sabihin no’n. Malubha ang karamdaman ng kapatid ni Maurina. “Lumaban ka, Dave, please. Narito si ate. Huwag mong iwan si ate Mau, please?” Paki-usap ni Maurina sa kanyang kapatid. Naawa siya sa kalagayan nito. Hindi niya alam ang gagawin, wala siyang alam kung paano ito matulungan at maialis sa labis na sakit na nararamdaman nito. Lumalaban ang kapatid niyang si Dave,sampung taon pa lamang ito pero ito na ang dinaranas. Wala na rin silang maasahan kundi ang isa’t isa. Wala naman kasing pakialam ang kanilang mga magulang sa kanila simula noong maghiwalay ang mga ito. Napabayaan na silang dalawa ni Dave nang magkaroon na ng pangalawang pamilya ang mga ito. Kaya labis na pangungulila ang kanilang nararamdaman habang nagagalit at napopot si Maurina sa kanilang mga magulang. Hindi naman siguro deserve ng kanyang kapatid na mapunta sa ganoong kalagayan? Alam naman na nila mula pa noon ang tungkol sa sakit nito, pero hindi naman nila aakalain na hanggang dito na lang talagaang oras nito. Napakadaya ng mundo, wala man lang kahit isang warning. “A-ate, h-hindi ko na po kaya. . . hayaan mo na po ako please?” garalgal ang boses na sambit at paki-usap sa kanya ng kapatid. Hindi mapigilan ni Maurina ang mapaluha sa mga oras na iyon habang pakiramdam niya ay unti-unting binibiyak ang puso niya sa pira-piraso. Hindi niya aakalain na darating ang araw ng kinatatakutan niya— ang mawala si Dave, ang tanging nag-iisang taong karamay niya sa lahat. “Iiwan mo na ba si ate? Hindi mo na ba ako sasamahan? Ang mga pangarap natin, Dave? Hindi na ba iyon matutupad?” Umiyak na rin ito dahil sa mga sinabi niya. Naawa at nasasaktan ito para sa kanya, pero mas naawa na rin siya sa kanyang kapatid. Ilang taon na rin itong nagtitiis dahil sa sakit na iyon. Siguro kahit namasakit yata tanggapin na lamang niya ang katotohanan, na hanggang doon na lang talaga. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Dave saka dinala sa kanyang pisngi. Hinalik-halikan niya iyon pagkatapos. Tumango siya nang paunti-unti habang nakangiti nang pilit. “Sige na, Dave, kaya ko. Kakayanin ko. Huwag ka nang mag-alala para kay ate. Magiging okay ako, itutuloy ko pa rin ang pangarap nating dalawa kahit nasaan ka man naroroon pagkatapos nito. Babantayan mo palagi si ate, ha? Huwag mo siyang pababayaan. Pangako mo ba iyon?” Sa bawat salita na binibitiwan ni Maurina ay parang punyal iyon na tumatagos sa kanyang dibdib. Parang isang kasalanan ang pagsabi niya ng mga iyon. Parang binitiwan na rin niya ang kanyang kapatid. Napahinga nang malalim si Elenor habang nakikita kung paano magpaalaman ang dalawang kapatid. Masakit talaga sa mata kapag ganoon ang mga eksena na nakikita niya. Kinuha niya ang card ng magic potion of healing sa kanyang dalang pouch bag. Mabuti na lamang at mayroon siya no’n na inimbento. Ewan nga lang niya kung tatalab iyon sa kapatid ni Maurina, kung hindi ay wala na siyang magagawa. Nang makuha na niya iyon ay agad siyang lumapit sa kalapit ng kama nito ay ipinatong niyaang card sa noo ng kapatid ni Maurina. Gulat na gulat naman si Maurina sa biglaang paglitaw ng isang card na hindi niya maintindihan. Napanganha pa siya at halos hindi makakilos sa kanyang kinauupuan. Pero noong mahimasmasan ay tangka na sana niya iyong kukunin mula sa noo ng kapatid, nang bigla na lamang may pumigul sa kanya dahilan para hindi matuloy ang kanyang balak. Napailing na lamang si Elenor. Ayaw ba ni Maurina na pagalingin niya ang kapatid nito? Napailing na lamang siya. Ibang klase. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka nag-usal ng dasal para sa paggaling ng kapatid ni Maurina. Makikita naman niya iyon mamaya kung epektibo ba ang potion o hindi. Makalipas ang ilang sandali ay iminulat ni Elenor ang kanyang mga mata. Nakita niya na unti-unti nang nagkakulay ang kapatid ni Maurina. At ang kanyang masasabing kaibigan ay tila natulala sa mga pangyayari. Mabuti na lamang at hindi siya nakikita nito. Napahinga siya saka ibinalik ang card sa kanyang pouch. One down, 10 to go. Tapos na ang tulong niya kay Maurina. Ang isusunod naman niya ay si Patrick. Kailangan niya lang maghanap ng babaeng karapat-dapat para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD