Chapter 51

2013 Words
Ang nakaraan sa mundo ng mga tao, kung saan nanirahan pansamantala si Elenor… "BILISAN MO! Tumakbo ka pa! Hahaha! Wala ka pa ring takas sa akin!" Isang sigaw ng lalaki habang parang isang demonyo na humahalakhak. Binilisan ng takbo ng isang babae, na gusot-gusot na ang kaniyang mga damit. Hindi niya akalain na dito siya hahantong sa pagmamahal lang sa lalaking ito. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali at ganito ang ginagawa ng lalaki sa kaniya. Saan ba siya nagka-mali? Bakit siya binugbog ng lalaki?! Kanina ayos pa ang pakikitungo nito sa kaniya. Kanina, sinabihan pa siya nito na 'mahal na mahal kita'. Pero ano ngayon? Parang baliktad na yata? "Sige! Tumakbo ka pa! Hinding-hindi ka makakatakas sa akin! Akin ka lang! Dahil girlfriend kita! Ayaw kong may kasama kang ibang lalaki! Dapat ako lang!" Umalingaw-ngaw sa buong gubat ang sigaw nito. Biglang kumalabog ang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung mahal pa ba niya ang lalaki o kinamumuhian na niya ito. Wala na siyang maramdamang pagmamahal para dito. Kundi galit na at poot. Sobrang seloso pala ang boyfriend niya. Nagka-mali siya ng minahal. Sana kinilala niya muna ang lalaki bago niya ito sinagot. Sana, hindi nangyayari ito ngayon sa kaniya. Kahit wala na siyang lakas, pilit niya paring tumakbo. Kahit puro na galos ang kaniyang katawan at naliligo na siya sa dugo. Basta ang importante sa kaniya'y maka-takas siya sa lugar na iyon at maka-layo sa kamay ng lalaki. Mas gusgustuhin niya pang mamatay kaysa ang magahasa ng lalaking iyon. Iyon ang pakay nito simula pa pala noong una sa kaniya. Ang pagka-babae niya. Hinding-hindi niya ito mapapatawad. Nagtago siya sa lilim ng isang puno. Hingal na hingal na siya dahil sa pagod. Kailan pa siya makakalabas sa lugar na ito? Bakit ba kasi sumama siya sa lalaki? Anong kahibangan kaya ang pumasok sa isip niya kanina? "Akala mo, makakatakas ka sa akin? Haha! Wala!" Mulagat ang mga mata niya habang nakatingin sa kaniyang harapan. Nakatayo doon ang lalaki habang ang laki ng ngisi sa labi nito. Tumayo siya't akma na sanang tumakbo nang mahawakan agad siya nito sa kaniyang braso. "Wala ka nang takas ngayon sa akin!" Iginapos siya nito saka ipinahiga sa damuhan. Nag-pupumiglas siya't nagsusumigaw. "Walang hiya ka! Pagbabayaran mo itong, hayop ka! Demonyo ka! Sana hindi na lang kita minahal! Sana mamatay kang hayop ka! Mag-babayad ka!" Ngunit nginisihan lang siya nito saka sinimulan na siyang halikan nito sa kaniyang leeg. Iyak at hinagpis ang kaniyang nararamdaman sa oras na iyon. "Hinding-hindi kita mapapatawad! Papatayin kita! Isinusumpa ko iyan. Bitawan mo ako! Maawa ka sa akin! Papatayin kita!" Ngunit tilang bingi ang lalaki at nag-patuloy lamang ito sa ginagawa. Simula ng araw na iyon kinamumuhian niya ang lahat ng lalaking nagkaka-gusto sa kaniya. Pinapangako niya iyon! “Mahal na Elenor, ano po sa tingin ninyo ang inyong nabasa na kwento?” tanong ni Alicia sa kanyang amo. Ibinigay niya kasi ang isang libro na pinahiram din sa kanya ng kaibigan sa paaralan na kanyang pinapasukan. “Maganda. Gusto ko tuloy pumasok sa paaralan. Gusto kong paglaruan ang mga iilan doon. Bored na bored na ako rito.” *** "ALAM MO, Elenor. Kanina pa, tingin nang tingin sa'yo, ang lalaking iyan. Kilala mo ba, kung sino iyan?" Kumunot ang noo niya nang marinig ang tanong sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na si Maurina Lopes. Naging kaibigan niya ito noong unang araw niya dito sa school na inaaralan niya. Hirap kasi siyang mag-tiwala sa ibang tao, at iwan niya kung paano nakuha ni Maurina ang loob niya. May pagka-kulit kasi ito. Napairap siya sa hangin, nang makita ang tinutukoy ng kaibigan niya. Si Patrick Relota. Ang lalaking ubod saksakan ng kulit at yabang. Napailing siya, mga lalaki. Iisa lang ng hangad nito sa kaniya at iyon ang hindi niya ulit hahayaang mangyari. "Hayaan, mo siya diyan. May pagka-kulit ang lahi niyan." Inis niyang wika habang masama ang titig niya sa lalaking ang lapad ng ngiti sa kaniya. "Ang gwapo kaya, friend! Hindi mo type si pogi? Mukhang mabait naman siya, ah. Saka, mukhang may gusto sa'yo, oh. Tingnan mo kung makatingin. Parang, patay na patay sa'yo." Napa hinga siya ng malalim. Hindi pa kasi niya kinukwento kay Maurina ang tungkol sa katauhan niya. Kung sabagay, sino ba naman ang maniniwala na isa siyang witch? "Ewan ko, kung anong nakain niyan at sinundan ako dito. Patay na patay daw siya sa akin, eh. Tss. Maniwala, ang mga tulad niya ay sinungaling." Inis niyang litanya habang nililigpit na ang mga libro na nakalapag sa mesa na inuupuan nila ni Maurina. Napairap ang huli ngunit may mga pilyong ngiti sa labi. "Sus! Eh, gusto ka pala ni pogi. Bakit, hindi mo sagutin? Hindi rin biro ang pag-sunod niya rito sa'yo." Palatak nito habang nililigpit narin ang gamit sa mesa. "Pwes, wala akong paki-alam. Problema na niya iyon, hindi ko naman sinabi sa kaniya na sundan niya ako dito, ah. Saka, hindi ako mag-mamahal ng isang tulad niya." Dahil isa ako witch! Lumakad na siya paalis ng canteen. Dali -dali namang sumunod ang kaibigan niya sa kaniyang likuran at hinarap siya. "Ano ba kasing problema mo sa mga lalaking tulad ni Pogi? Alam mo, ang weird mo talaga kahit kailan. Mukhang ang laki talaga ng galit mo sa mga lalaki." Dahil niloko na ako noon ng isa galing sa Witches Island! "Sinabi ko ba sa'yong, problemahin mo iyon? Hayaan mo, malalaman mo rin sa huli kung bakit galit ako sa mga tulad, ng Patrick na iyan." Saka ulit siya nag-patuloy sa paglakad. Iniwanan na naman niya ulit si Maurina. "So, Patrick pala ang pangalan ni pogi?! Wow! Pangalan palang yummy na! Akin na lang siya, pwede? Tutal ayaw mo naman sa kaniya, di ba?" Bigla siyang napa-tigil sa sinabi ng kaibigan. Ewan niya pero biglang uminit ang ulo niya. Nilingon niya ito na may nag-babagang mga mata. "Don't you dare to flirt with him! Naiintindihan mo, Maurina?" Tila namang nagulat ito sa sinabi niya kaya't tulala itong napatango-tango. Pero saglit lang dahil muli na namang bumalik ito sa pagka-kulit at madaldal. "Teka lang..so are you giving warning to me.. Aha! Alam ko na! In love ka kay pogi, 'no? 'No? In love ka rin sa kaniya? Aminin mo! Aminin mo!" Napapalatak siya sa kakulitan ng kaibigan niya. "Ano?! Are you out of your mind, Maurina? Ako mai-in love sa lalaking iyan? Sa Patrick na iyan? Ha! Its never gonna happen!" Galit niyang sigaw kaya't naka-agaw na siya ng pansin ng kapwa nila estudyante na dumadaan papunta ng canteen. Ngunit hindi rin naman sila pinansin ng mga ito. Ang ikina-mulagat lang ng mga mata niya ay nakita niyang nakatingin sa kanila si Patrick. Sumunod pala ito sa pag-labas nila sa canteen. Kaya't narinig nito ang lahat ng sinabi niya tungkol dito. Maging si Maurina ay napatakip narin ng bibig at naka mulagat rin ang mga mata, katulad niya. Hindi na nakangiti pa si Patrick, at mukhang nasaktan ito ng sobra sa sinabi niya. Mukhang nilunok niya ang kaniyang dila. Ewan niya, kung bakit bigla siyang na-konsensiya sa sinabi niya tungkol dito. Mukhang gusto niyang humingi ng tawad dito at gusto niyang sabihin na biro lang ang lahat ng mga sinabi niya. Pero, hindi niya magawa. Nadala siya, sa hiptonismo ng mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "S-sige, friend..una na ako sa'yo. Naalala kong may nakalimutan pala akong date ngayon sa boyfriend ko. Sige, bye!" Paalam sa kaniya ni Maurina. Gusto niya itong pigilan pero huli na siya, dahil naka-takbo na pala ito mula sa kaniya. Tinakasan na naman siya at iniwan ng kaibigan niya. Muli siyang lumingon kay Patrick at mukha siyang kinpusan ng hininga nang malapit na pala ito sa kaniya. Halos maduling ang mga mata niya habang nakatitig dito. Mukha yatang may mali. "So, are you hating me that much, ha? Tell me, Elenor. Bakit ganoon ka kung magalit sa akin? May nagawa ba akong mali?" Tanong nito sa kaniya bigla. Nag-isip siya kung ano ang sasabihin niya rito pero wala siyang mahanap. Mukha yatang biglang na-blangko ang utak niya at hindi na makapag-isip pa ng tama. "P-patrick.." "Tell me, why, Elenor. Bakit?" Tila nahihirapan na nitong tanong sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago nag-salita. "May malalim akong dahilan kung bakit ako galit sa'yo. At iyon, ang hindi ko maaaring sabihin sa'yo." Naka-ismid niyang sabi dito bago niya ito tinalikuran. Nagpapanggap lamang siya bilang isang tao dahil bored siya. At hindi naman niya maaring sabihin dito kung ano ba talaga siya. ... ANG LALIM ng iniisip ni Elenor habang papasok sa kanilang bahay. Sinalubong naman agad siya ni Alicia. Nakapapagod ang araw na iyon para sa kanya. Hindi niya aakalain na mae-enjoy niya ang pagpapanggap bilang tao sa mundo ng mga ito. Magugulantang kaya ang lahat kapag malaman ng mga ito ang tungkol sa pagkatao niya? Si Patrick kaya na lantaran ang pagpapakita sa kanya ng pagmamahal nito ay matatakot sa kanya? Kung sakali man na bumalik na siya sa mundo ng Verdona ay may babaunin siyang alaala na minsan ay uminig din siya sa tao. Pero ililihim na lamang niya ang tungkol sa bagay na iyon. Nagtataka siya sa pinapakitang tingin ni Alica sa kanya. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay dahil doon. “Ano ang problema mo sa akin?” “Wala po, Ma’am Elenor. Mukhang problemado rin po kasi kayo. Ano po ang iniisip niyo?” Umirap siya rito saka naupo siya sa sofa. “Wala ka na doon. Kumain na tayo maya-maya. Masyado pa lang hussle sa eskwelahan na pinapasukan mo. Saka bakit mas nauna ka sa akin na umuwi?” “Wala po, Ma’am. Nauna lang po ang uwian namin,” sagot baman sa kanya ni Alicia na ikinatango niya. “Anyway, ang saya pa lang maging tao. Parang walang problema. Ang magiging kalaban lang ay iyong mga nang-aasar o kaya kontrabida sa buhay ninyo. Parang gusto ko na rin tuloy dito manirahan at humanap ng panibagong pag-ibig.” Nanlaki ang mga mata ni Alicia sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang amo. “Totoo po ba? Ayaw niyo nang bumalik sa mundo ninyo?” “Sira! Siyempre kinakailangan ko pa ring bumalik doon. Lalo na at may kailangan pa akong gawin,” sagot naman sa kanya ni Elenor na ikinatango naman ni Alicia. “Kung sabagay, Ma’am. May kailangan ka pa pong gawin sa mundo ninyo.” Tumango na lamang si Elenor. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mukha kanina ni Patrick. Nasaktan ba ito dahil sa kanya? Isa pa mukhang nasasanay na rin siyang maging isang tao. Huwag na lang kaya siyang bumalik sa mundo ng Verdona? Nang wala na siyang problema na kahaharapin? Ngunit kinakailangan niyang bumalik sa mundo ng Verdona. Hindi niya hahayaan na mapunta na lamang sa kasamaan ang kaharian ng mga witch. Kung ano man ang kapalaran niya ay malugod niya iyong tatanggapin. Pero sa ngayon ay kailangan niya munang i-enjoy ang pagiging isang tao pansamantala. Sana ay naging tao na lang siya at hindi naging isang witch. Wala na dapat siguro siyang alalahanin at ang buhay na lamang niya sa mundong iyon. Humiga siya sa sofa saka tumayo rin naman agad. Tinulungan niya na maglutp si Alicia ng kanilang pahkain. Sa ilang taon niyang pagtira sa mundo ng tao ay natutunan at nakasanayan na rin niya ang mga pagkain ng mga ito. Hindi nga lang niya alam kung handa na nga ba siyang lilisanin ang mundong iyon kapag oras na siyang babalik sa mundo ng Verdona. Handa na siya, lulubusin na lang niya ang mga plano niyang natitira sa mundong iyon. Siguro tuturuan na lang niya ng leksyon ang ibang mga pasaway na tao. Para naman kahit papaano ay may maiwan siya kapag babalik na siya sa kanyang sariling mundo at dadalhin niya si Alicia. Gagawin niyang kanang kamay si Alicia, gagawin niya itong isang tulad niya. At sigurado na magtatagumpay siya, dahil wala nang pamilya si Alicia ay siya na lamang angmagkukopkop dito. Wala naman sigurong problema roon. Napangiti na lamang siya nang palihim habang nahhahain ng kanilang makakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD